Kris Bernal on Carl Guevara: "Love ko na siya."

Ayaw pa ring sabihin ni Kris Bernal kung ano na ang tunay na estado ng relasyon nila ni Carl Guevara. Aniya, "Ganun pa rin. Siguro mas naging malalim lang yung relationship namin… paano ko ba sasabihin? Ganun pa rin naman."


Sa pagtatapos ng GMA early primetime series na Prinsesa Ng Buhay Ko ngayong araw, January 24, wala pang kasunod na bagong show si Kris Bernal.

Kaya nagpaplano siyang kumuha muna ng acting workshop at iba pang pagkakaabalahan habang naghihintay ng kasunod niyang proyekto.

Saad ng Kapuso young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi, 2014, gusto kong matuto ng bagong forte or anything na puwede kong i-contribute sa Sunday All Stars, na hindi lang puro sayaw.

“Hindi ko alam kung mag-aaral ako ng instrument or mag-aaral ng sayaw—kung saan puwede akong mag-shine.

“Or kaya pole dancing para may maturity effect sa akin.

“Doon muna ako magpu-focus.

“At least, may pahinga ako at mag-improve.”



CARL GUEVARA. Tiniyak naman ni Kris na mabibigyan niya na ng oras ang rumored boyfriend niyang si Carl Guevara ngayong hindi na okupado masyado ang kanyang schedule.

Saad niya, “May oras naman talaga akong naibibigay kay Carl.

“Pero mas may panahon ngayon, kasi hindi na ako magte-taping ng show namin.”

Ano na ba ang status nilang dalawa ni Carl?

Nag-isip ng ilang segundo si Kris, na parang binabalanse kung ano ang sasabihin niya.

Pagkatapos nito ay sinabi niyang, “Ganun pa rin.

“Siguro mas naging malalim lang yung relationship namin… paano ko ba sasabihin?

“Ganun pa rin naman.

"Oo, lagi ko siyang nakakasama kapag may free time ako.

“Pero parang naging normal na rin sa amin yun, e.”

Mahal niya na ba si Carl?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Kris.

“Love ko na naman siya talaga simula nung naramdaman kong importante ako at espesyal ako.

"Love ko na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN