PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann on real score with Jake Ejercito: “We’re in a good relationship.”

Masayang ibinahagi ni Andi Eigenmann na makakasama niyang magbakasyon si Jake Ejercito sa Malaysia ngayong weekend. “We both love to travel so we do it together. Last time, I was in Singapore with him before Christmas,” sabi ng Kapamilya actress sa panayam ng PEP.

Huling nagkita sina Andi at Jake nang magbakasyon ang binata dito sa Pilipinas noong Pasko at Bagong Taon.

Ang larawan sa kaliwa ay kinunan nang salubungin ng couple


“Basta we’re in a good relationship. We’re happy. Yun lang.”

Ito ang pahayag ni Andi Eigenmann nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng relasyon nila ni Jake Ejercito.

Nakausap ng PEP si Andi sa birthday party ni Raymond Gutierrez noong January 21, Martes, sa 71 Gramercy resto-bar, Makati City.

HAPPY LOVELIFE. Hindi man tuwirang sinabi ng Kapamilya actress kung nagkabalikan na sila, kapansin-pansin na pagpasok ng 2014 ay panay sweet photos nila ni Jake ang ipinu-post ni Andi (@andieigengirl) sa kanyang Instagram.

Isa na rito ay ang kanilang larawan na kuha mula sa Sofitel Philippine Plaza, kung saan sinalubong nila ang Bagong Taon.

Kalakip nito ang caption na may mga katagang “first couple pic of 2014.”

Noon pa man ay bukas na si Andi, 23, sa pagsasabi kung gaano niya kamahal si Jake, 23.

Ito ay sa kabila ng tila pagtutol ng mga magulang ni Jake na si Manila Mayor Joseph Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez.

Read: "Andi Eigenmann on Manila Mayor Joseph Estrada’s apparent rejection of her for Jake Ejercito: "Siyempre masakit kasi nakapanliliit siya."

Gusto rin ba ni Andi na ideklara ni Jake kung gaano siya kamahal nito?

Sagot niya, “I don’t really want to give him that obligation because he’s not a public figure.

"So, I don’t think it’s necessary.

“But then, of course, I hope for that.

"Pero I think what he shows is already enough, given that he’s not a celebrity.

"He tells me what I need to hear. Ang kailangan lang, ako."

Wala mang opisyal na kumpirmasyon mula kay Jake, makailang beses na rin itong nagbahagi ng larawan nila ni Andi sa tuwing nagkakasama sila.

Kuwento pa ni Andi, “Okay naman, kasi mas nagiging comfortable kami sa isa’t isa because we’re more assured of each other’s feelings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas madali na not to be conscious of what other people would think of us.”


Ang importante ay malaki raw ang tiwala nila sa isa’t isa kahit na magkalayo sila ng tinitirhang bansa.



TRAVELLING WITH JAKE. Dating nakabase si Jake sa London, ngunit noong 2013 ay lumipat ito sa Singapore, upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ngayong sa Singapore na naninirahan si Jake, siguradong mas madali para sa kanila ni Andi ang magkita.

Sa katunayan, ibinahagi ni Andi na lilipad siya patungong Malaysia ngayong weekend upang magbakasyon kasama ni Jake.

Ang Malaysia ay katabing-bansa ng Singapore at maaaring tawirin sa pamamagitan ng public transportation tulad ng bus o train.

Excited na sabi ni Andi, “I’m going to Malaysia. I’m going there for vacation for two nights.

“We both love to travel, so we do it together.

"Last time, I was in Singapore with him before Christmas."

Base sa Instagram posts ni Jake (@unoemilio) noong nakaraang buwan, panay ang kain nila ni Andi sa restaurants noong binisita siya ng aktres sa Singapore.

Dumalo rin sila sa isang dance music festival bago bumalik si Andi ng Pilipinas.

Ano naman ang plano nilang gawin sa Malaysia ngayong weekend?

“Food trip ulit!” natatawang sagot ni Andi.

Sa kasakuluyan, mapapanood si Andi sa teleseryeng Galema, kung saan katambal niya si Matteo Guidicelli.

Malapit na ring ipalabas ang pelikula nila ni Jericho Rosales, ang Aba Nakakabasa Na Pala Ako?, sa ilalim ng produksiyon ng Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN