Mariel Rodriguez not ready to have a baby with husband Robin Padilla: "It’s a big responsibility that I’m not yet willing to take."

Tatlong taon nang kasal sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla, ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa raw nilang magkaroon ng anak. Paliwanag ni Mariel, "Parang it’s such a big responsibility, and I don’t know if people realize how big the responsibility is. You have to not only take care of yourself but another human being. To make sure that the baby goes to school. And most important, you have to make sure that the baby grows up with good values, di ba?"<


Aminado si Mariel Rodriguez na nahirapan siya sa role niya sa pelikulang Sa Ngalan Ng Ama, Ina, at Mga Anak bilang ina na may siyam na anak.

Sa totoong buhay kasi ay hindi pa naman siya nagiging ina.

Sabi ni Mariel, “Nahirapan ako. Nag-workshop ako. Meron akong coach, mahirap talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa presscon ng Sa Ngalan Ng Ama, Ina, at Mga Anak kagabi, January 23.

Ngunit sa totoong buhay, ayaw pa raw niyang magkaroon ng sariling anak sa asawang si Robin Padilla.

Ito ay sa kabila ng tatlong taon na silang kasal ng action star.

Paliwanag ng 29-year-old TV host-actress, “Mahirap.

“Noong una, parang si Robin lang ang may ayaw. Pero ngayon, ayaw ko na rin muna.

“Parang it’s such a big responsibility, and I don’t know if people realize how big the responsibility is.

“You have to not only take care of yourself but another human being.

“To make sure that the baby goes to school. And most important, you have to make sure that the baby grows up with good values, di ba?

“So, it’s a big responsibility that I’m not yet willing to take.”

Hanggang kailan ang hihintayin nila bago sila magdesisyong magkaroon ng anak?

“Hindi ko alam, hanggang kaya.

“Hanggang kayang i-push!” natatawang sabi ni Mariel.



RETURN TO ABS-CBN. Sa February ay nakatakdang magbakasyon sina Mariel at Robin sa Europe.

“Unwind lang, bago siya magtrabaho ulit,” sabi ni Mariel.

Bakit si Robin lang ang magtatrabaho ulit?

“Hindi ko alam… wala pa naman akong trabaho, e,” sagot niya.

Nilinaw ng PEP kay Mariel ang usap-usapang babalik siya sa ABS-CBN, pagkatapos niyang lumipat sa TV5 para maging co-host ni Willie Revillame sa variety-game show na Wowowillie.

Sabi niya, “Wala pa namang final.”

Hindi naman itinanggi ni Mariel na nagkita at nagkausap nga sila ni Lauren Dyogi, ABS-CBN business unit head.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-meet na kami. Nag-usap kung ano gusto niya, ano gusto ko.

“Pero wala pang final,” paglilinaw uli ni Mariel.

Pero malaki ba ang posibilidad na bumalik siya sa Kapamilya network?

Sagot niya, “Mas may chance, kasi once you’re a Kapamilya, you’ll always be a Kapamilya.”

Ayon kay Mariel, kung babalik man siya sa ABS-CBN, hindi na bilang co-host ng reality show na Pinoy Big Brother (PBB).

“I think sa PBB, hindi na, yun ang sure na.

“I feel like it’s not for me anymore.”

Bakit niya nasabi yun?

“Kasi, when I was in PBB, I was doing Uber.

“So, it was different with the status I am right now, parang hindi na bagay.”

Kung sakali, saan siya posibleng mapanood?

“Hindi ko alam, e, hindi ko alam talaga.

“Ako naman, hosting lang, kung anuman… tingnan natin.

“Mahirap magsabi na ito ang gusto ko.”

Sa talk show?

“Okay ang talk show,” sagot niya.



TONI GONZAGA. Kinumusta rin ng PEP kay Mariel si Toni Gonzaga. Okay na ba sila pagkatapos nilang magkaroon ng tampuhan noon?

Ayon kay Mariel, “Noong birthday niya, nagkausap kami, binati ko siya.

“Kapag kailangan, ganoon naman, e. Kahit sino naman, di ba?

“At saka, ang tagal naman na yata ng reason na hindi kami okay.”

Hindi naman si Toni ang dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik sa PBB?

“No, no… not at all. That’s unfair on her part,” sabi ni Mariel.

Ang isa pa nilang kasamahan sa PBB na si Bianca Gonzalez ay excited na mabuong muli ang samahan nilang tatlo.

Ayon nga kay Mariel, “Si Bianca talaga, yun talaga ang pangarap niya. Yun ang dream niya talaga.”

Wala ba siyang planong tuparin ang pangarap ni Bianca?

“It’s not in my hand!” natatawang sabi niya. “I don’t have the power to make her dreams come true.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN