Bela Padilla on possibility of moving back to ABS-CBN: “I don’t need change... but I’m open to that.”

Now that Bela Padilla’s contract with GMA Network has expired, she’s leaving the decision on her next career move to her managers. Any chance she’d return to ABS-CBN? She replied, “Hindi ko sinasara ang isip ko. I don’t need change. I’m very happy with how my career is, but I’m open to that.”


Matatagalan pa bago muling makita si Bela Padilla sa local television dahil abala ito sa ongoing Singaporean police-drama series na Point of Entry.

Ito ang dahilan kung bakit walang ginagawang teleserye ngayon si Bela sa GMA Network.Ang huli niyang project ay Love and Lies last year.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak, sinabi ng 22-year-old actress na babalik pa siya sa Singapore sa Marso para sa naturang programa.

Kaya naman, sabi niya, “Hindi pa ako nag-iisip kung ano ang gagawin ko rito.

“Nag-aayos kami ng contract right now so, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin.”

Bukod sa show abroad, nag-expire na rin daw kasi ang kontrata ni Bela sa GMA.

Sa ngayon, hindi pa masiguro ni Bela kung lilipat siya ng network o mananatili bilang Kapuso.

Nang biruin namin siya kung babalik ba ito ABS-CBN, pabiro rin niyang sagot, “Well, nandito ako ngayon.”

Ang press conference ay ginanap sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Si Bela ay dating bahagi ng talent arm ng ABS-CBN, ang Star Magic.

Pero, katulad ng nauna niyang sinabi, “Hindi ko pa masyadong inaasikaso at iniisip.

"Kasi nga wala pa rito ‘yong utak ko right now.

“Pero nandiyan ‘yong managers ko, sila ‘yong nag-aayos, sila ‘yong tumitingin kung ano ‘yong dapat kong gawin.”

Gayunman, sabi niya sa huli, “Hindi ko sinasara ang isip ko.

“I don’t need change.

“I’m very happy with how my career is, but I’m open to that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN