Kim Rodriguez denies undergoing cosmetic surgery

Kahit kaibigan daw ni Kim Rodriguez pareho ang dating couple na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, mas nag-o-open up daw ang aktor sa kanya. Sabi ni Kim, "Okay naman po sila ngayon."


Pagkatapos ng Kakambal Ni Eliana, muling magbibida si Kim Rodriguez sa isang drama series ng GMA—ang Paraiso Ko’y Ikaw.


Makakatambal niya rito si Kristoffer Martin.

Sa press conference ng teleserye noong January 21, sa GMA Network Center, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim tungkol sa intrigang nagparetoke raw siya ng ilong.

Pagtanggi niya, “Ay hindi po. Natural po iyan."

Kuntento raw siya sa hitsura niya.

Dugtong niya, "Minakeover ako pero ang ginawa lang po, kinurl lang po yung hair ko, tapos kinut ng three inches and kinulayan ng dark brown.

“Tinanong nga din po ako kung meron akong gustong ipabago sa katawan ko, sa mukha ko.


"Sabi ko, wala naman kasi kuntento na ako kung ano pong meron ako.


“At saka naniniwala po ako na pag nagpaganun ka, malas daw po, e.”


Kahit daw ang dibdib niya ay hindi niya ipapabago.


“Meron po ako niyan. Charot!” sabay tawa ni Kim.

Thirty-four ang bustline ni Kim.

Hindi pa raw siya na-offer-an ng FHM na mag-sexy pictorial.

“Pero siguro hindi pa ako ready sa mga ganyan, mga two years pa siguro,” sinabi pa ng 19-year-old actress.




TWEENS REUNION. Masaya si Kim na bida siyang muli sa bagong teleserye ng GMA, ang Paraiso Ko’y Ikaw.

“Sobrang happy and excited na akong magtrabaho at magpasaya uli ng mga tao.

"And siyempre, nagpapasalamat po ako sa GMA Network sa muling pagtitiwala po nila sa akin.”

Hindi ba siya naiilang na leading man niya si Kristoffer sa show at kontrabida naman si Joyce Ching, na dating karelasyon ni Kristoffer?


“Hindi naman po, kasi si Kristoffer at si Joyce ay mga kaibigan ko, at nasa isip ko lang na nag-reunite kaming mga tweens.

"Masaya po kami at excited na po kaming mag-taping na ulit.”

Walang boyfriend si Kim at sa career daw naka-focus ang atensiyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya intrigahin si Kim na siya ang magiging hadlang sa posibleng pagbabalikan nina Kristoffer at Joyce?

Tugon niya, “Ay, hindi po, alam naman ng mga tao na ginagawa ko lang yung trabaho ko para po mapasaya ang mga tao at mapaganda po yung show namin.

“Bilang si Miss Joyce Bernal yung direktor namin, siyempre pressured kami."

Nakadagdag pa raw sa pressure na ang mga naging artista ni Direk Joyce sa past teleserye ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

“Opo. Kaya nga po nagpapasalamat po ako dahil isa sa pinakamagaling na direktor yung direktor namin ngayon.

"At naniniwala po ako na magre-rate po talaga ang Paraiso Ko’y Ikaw.”



MATURE ROLE. Bukod kay Joyce Ching ay aapihin din daw si Kim ni Jessa Zaragoza sa drama series.

"Nakapag-prepare na po ako diyan.


"Pero hindi naman po palagi na parang katulad sa Kakambal Ni Eliana na sobrang inaapi ako.

"Ngayon po kasi dito, sa isla ako lalaki sa una."

Samantala, aminado si Kim na nalampasan na niya ang image ng pagiging isang tween star.

“Siguro ngayon nararamdaman ko na parang nabubura na po.

"Ngayon, parang mature roles na yung ibinibigay ng GMA sa akin."

At hindi naman daw ibig sabihin nito ay nalampasan na yung mga kasama niya.

"Nalampasan ko lang po yung pagiging tween,” sabi ni Kim.



JUST FRIENDS. Bagamat madalas nagkakasama at naging very close friends sila, hindi raw nanliligaw sa kanya si Kristoffer.

“Ligaw agad? Hindi ba puwedeng magkaibigan muna kami?" humahalakhak na sagot ni Kim.

“Naka-focus lang kami sa trabaho kasi hindi naman namin alam yung panahon.

"Ayoko rin naman pong sumingit, dahil sa isyu nila ni Joyce."

Sa tingin ba niya ay magkakabalikan ang dalawa?

“Siguro po sila yung makakasagot sa tanong na ’yan.

"Pero po sa nakikita ko po, okay naman po sila ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit kaibigan niya pareho sina Kristoffer at Joyce, mas nag-o-open up raw si Kristoffer kay Kim.

Kaya "medyo" alam niya ang mga bagay-bagay tungkol sa dalawa.

“Pero hindi siya sobrang open sa lahat,” pagkaklaro ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN