Dingdong Dantes on rumored TV project with Maricel Soriano: "Kung totoo po yun, ako, I’m so excited na makasama siya."

Dingdong Dantes on working again with girlfriend Marian Rivera: "Maganda rin minsan yung matagal din kaming hindi nagkakatrabaho dahil nami-miss namin ang isa’t isa. Pero siyempre, kahit napapanood ko siya, even from afar, kahit nakikita ko yung success, kumbaga, I became so proud."


Excited ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga gagawin niyang proyekto ngayong 2014.

Saad niya, “Kumbaga, natapos ng maraming blessings ang 2013, ginagamit ko talaga yun na inspiration to do better in everything.

“At sa lahat ng mga nakilala ko noong last year, siyempre, marami kaming napag-usapan na magagandang bagay para sa sarili namin at sa trabaho namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa Sunday All Stars noong Linggo, January 19.

Puro trabaho pa rin ba siya ngayong Year of the Horse?

Nakangiting sabi ng aktor, “Siyempre, ang trabaho ay isang aspeto, isang bahagi lang ‘yan ng buhay ng isang tao.

“Hindi pupuwedeng work, work, work.

“Siyempre, meron na diyan na family, lovelife. May time sa paglalaro.

“Kumbaga, lahat ‘yan, balanse dapat.”



NEXT PRIMETIME SERIES. Ano ang mga puwedeng abangan sa kanya ngayong taon?

Ayon kay Dingdong, “Siyempre sa TV, may gagawin kami sometime in March. Isa na namang drama na handog ng GMA.

“Kung anuman yun, hindi ko pa masasabi.

“Sana matuloy, it’s very exciting.”

Bagamat wala pang kumpirmasyon, malakas ang bulung-bulungan na isa sa makakasama ni Dingdong sa kanyang susunod na primetime series sa GMA ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ano ang masasabi niya rito?

Saad niya, “Kung totoo po yun, ako, I’m so excited na makasama siya.

“Isang malaking karangalan sa akin na makasama siya sa isang show, kung sakali pong totoo.

“Kaya nga sobrang grateful ako sa GMA na sa mga makakatambal o makatrabaho man lang ay mga respectable at magagaling at talagang kahanga-hanga.”

Drama ba ulit ang gusto niyang kasunod na proyekto?

Ani Dingdong, “Alam niyo, may variety naman ang lahat ng ginagawa mo.

“Kumbaga sa panlasa, gusto mong tumikim ng iba-iba.

“Pero siyempre, babalik at babalik ka dun sa paborito mo.

“Which is, para sa akin, ang paborito ng karamihan at paborito ng Filipino ay drama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling napanood si Dingdong sa disaster drama na Genesis.

Sa pagpirma niyang muli ng kontrata sa Kapuso network, hindi ba kasama rito ang hosting?

Sagot ni Dingdong, “Wala pang ibinibigay sa akin na anything.

“Pero kung meron man, bahala sila.

“Ako ay kanilang talent, at kung ano ang sa tingin nila na puwede sa akin, gagawin ko.”



MOVIE PROJECTS. Halatang na-excite naman si Dingdong nang kamustahin namin ang mga pelikulang gagawin niya ngayong 2014.

“Yun, maraming exciting na kumukulo,” nakangiting sabi niya.

Makaka-ilang pelikula kaya siya sa taong ito?

“Iba yung… well, we’re conceptualizing three, but, alam mo, minsan hindi naman nasusunod yun.

“Minsan, may opportunity na biglang susulpot na mas urgent.

“So, minsan ganoon ang nangyayari.”

May balita rin kasing may plano raw sila ng girlfriend niyang si Marian Rivera na gumawa ng pelikula, na ipuprodyus daw ng film outfit ni Dingdong, ang AgostoDos Pictures.

Totoo ba ito?

“Puwede,” sambit niya.

“Pero alam mo, magandang napaplano namin, pero hindi naman ibig sabihin na magagawa namin this year.

“Pero siyempre, may mga usap-usapan kami, and we really wanted it to happen.”

Kung magsasama sila uli ni Marian sa isang pelikula, posibleng ang film outfit nga niya ang magpoprodyus nito?

Tugon ni Dingdong, “Depende, hindi ko naman puwedeng sabihin na ako lang.

“Siyempre, maraming tao namang involve.

“At this early stage, hindi ko pa masasabi yun.”

Matagal-tagal na rin ang huling proyektong pinagsamahan nila ni Marian, hindi ba niya nami-miss ang pakikipagtrabaho sa kasintahan?

“Of course, yes,” sagot niya.

“Kaya nga maganda rin minsan yung matagal din kaming hindi nagkakatrabaho dahil nami-miss namin ang isa’t isa.

“Pero siyempre, kahit napapanood ko siya, even from afar, kahit nakikita ko yung success, kumbaga, I became so proud.

“Para sa akin, that’s more than enough.”



OPLAN: BETHLEHEM. Kinamusta rin ng PEP kay Dingdong ang ginagawa niyang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinawag nila itong Oplan: Bethlehem.

Si Marian kasi, noong huling makausap ng PEP, ay naikuwento ang progreso ng proyekto niyang Adopt-A-Banca.

Ayon kay Dingdong, bago pa man sumapit ang nakaraang Pasko ay dalawang beses siyang nagpunta sa Estancia, Iloilo.

Yung una ay nang mamahagi sila ng relief goods.

At ang ikalawa, kasama si Marian, para sa sisimulan nilang pagpapagawa ng classroom at gymnasium.

Kuwento pa ng aktor, “Bago magsimula ang school year, nakatayo na ang ipinatayong classrooms ng Yes Pinoy Foundation, gamit ang lahat na nalikom na donation.

“So, yung plano at construction will happen right this season.

“Kumbaga, delivery na lang.”

At siniguro rin ni Dingdong na personal niyang bibisitahin muli ang naturang lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN