Kim Rodriguez shrugs off alleged snubbing incident with Bea Binene

Kim Rodriguez on allegedly being snubbed by Bea Binene: “Hindi naman po, siguro hindi niya ako napansin na ginreet ko po siya, iyon po yung sa tingin ko. Nag-hello ako, nag-hi po. Hindi naman po sa deadma, siguro hindi lang niya po ako narinig.”


May plano si Kim Rodriguez na sumali sa Binibining Pilipinas.

“Gusto ko pong sumali sa Binibining Pilipinas. Siguro after mga three years pa po,” sinabi ni Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Paraiso Ko’y Ikaw nitong nakaraang Martes, January 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Gusto pala niyang sundan ang yapak ng mga artistang naging beauty queen, tulad ni Miss World 2013 Megan Young.

Dagdag niya, “Pero po sa ngayon po, gusto ko pong sundan ang mga yapak ni Ate Marian Rivera bilang artista.”

BLESSING. Itinuturing daw ni Kim na malaking blessing ang kanyang bagong role sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Ayon kay Kim, “Nung nalaman ko po yung story ’tsaka yung role ko, ginrab ko po agad dahil blessing po ito, e. ’Tsaka ito po yung show na hindi dapat tinatanggihan kasi blessing po.”

Ikinatuwa raw niya na hindi na mga ahas ang kasama niya sa Paraiso Ko’y Ikaw gaya noong nakaraang nangyari habang ginagawa niya ang Kakambal Ni Eliana.

“Pero hindi po ako sure kung aso o piglet,” pagtukoy niya sa hayop na makakasama naman niya sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Parang Marimar po or yung kay Brooke Shields po sa Blue Lagoon ang peg po.”

Ang Blue Lagoon ay ang pelikulang pinagbidahan nina Brooke Shields at Christopher Atkins noong 1980. Ito ay love story na ginanap sa isang tropical island sa South Pacific, kung saan laganap ang iba’t ibang uri ng mga exotic flora and fauna.

Sa orihinal na bersiyon ng Marimar na pinagbidahan ni Thalia at unang umere noong 1994, kabilang din sa mga kaaya-ayang karakter ang kanyang asong si Fulgoso.

Maganda naman daw ang pagsasamahan nina Kim at ng kanyang co-star na si Joyce Ching, na gaganap bilang kontrabida sa serye, salungat sa mga bali-balitang nagpaplastikan lang daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaibigan po kami, sobrang okay po kami,” diin ni Kim.

DID BEA SNUB KIM? Hiningan naman namin si Kim ng reaksiyon sa intrigang inisnab daw siya ni Bea Binene nang nagkita sila kamakailan.

“Hindi naman po nagde-dedmahan pero siguro hindi lang kami laging nagkikita, hindi lang po kami laging nagkikita,” ang tila paiwas pang sagot ni Kim sa umpisa.

Kalat ang balitang hindi siya pinansin ni Bea.

Paglinaw ni Kim, “Hindi naman po, kasi po pag nagkikita kami parang smile lang, hi-hello lang, pero hindi po yung katulad namin ni Joyce na, ‘Uy, mars!’

“Hindi po kami ganun. Hindi po kami close.”

Pagpapatuloy pa ni Kim, “Siguro hindi lang po, meron po siguro, may ibang pangyayari na ganun pero siguro kaya hindi ako naganun kasi siguro po hindi niya ako nakita or…

“Pero para po sa akin okay kami ni Bea ngayon, hindi ko lang po alam sa kanya.”

Si Bea ang first choice umano para sa papel ni Josephine sa Paraiso Ko’y Ikaw na napunta kay Kim. Ayon sa balita, tinanggihan daw ni Bea ang proyekto dahil medyo sexy and daring ito.

“Pero po kasi nung nag-meeting kami ng [GMA] Artist Center sabi nila, dapat po kasi mag-aaral ako, tapos sabi nila, ‘Huwag na kasi ang next show mo is Paraiso Ko’y Ikaw.

“So marami pong na-isyu na dapat si Bea daw ang first choice, second choice daw ako.

“Sabi ko po sa kanila kahit po pang-ten na choice ako, iga-grab ko po ang Paraiso Ko’y Ikaw kasi nung nalaman ko po yung role ko na Josephine and yung story po tapos Direk Joyce Bernal pa po, napakasuwerte ko kapag ako ang nakuha nila dito.”

Kung halimbawang nabaligtad ang sitwasyon at siya ang first choice sa isang role at hindi niya natanggap, ano ang mararamdaman at gagawin ni Kim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po isasama sa trabaho iyon, parang magkita man tayo at ikaw ang pinili, wala lang, smile lang, congratulations kasi ikaw ang napili,” giit niya.

Sa Sunday All Stars naganap ang diumano’y pang-iisnab ni Bea.

“Kasi hindi naman po kami lagi nagkikita.

“Pero para po sa akin okay lang kahit hindi niya ako batiin,” dagdag pa ni Kim.

Nakita ba niya na talagang inisnab siya ni Bea?

“Hindi naman po, siguro hindi niya ako napansin na ginreet ko po siya, iyon po yung sa tingin ko. Nag-hello ako, nag-hi po,” ulit pa niya.

At hindi nga siya pinansin o napansin ni Bea.

“Hindi naman po sa deadma, siguro hindi lang niya po ako narinig,” maingat niyang pahayag.

Ano ang naramdaman niya nang hindi siya napansin ni Bea?

Sagot niya, “Wala po.”

Hindi siya nasaktan?

“Hindi ko na po yun inisip kasi pag inisip ko pa yun mamumrublema pa po ako, parang mawawala pa po yung mood ko. Kaya nag-smile na lang po ako,” patuloy pa niyang pagbalewala sa isyu.

At inisip na lang niya na hindi nga siya narinig ni Bea.

Pagsang-ayon niya, “Ganun na lang po yung inisip ko kasi ang pangit naman po kung iisipin ko na, ‘Ay, ano ba ito?’”

SEXY AND DARING. Kung tinanggihan ni Bea ang show dahil sa sexy scenes, willing si Kim na magpa-sexy.

“Opo at saka ito pong Paraiso Ko’y Ikaw, ito po yung show na hindi dapat tinatanggihan dahil blessing po ito, e.”

Ano ang pagpapaseksing gagawin niya sa show?

Aniya, “Siguro po magpapakita kami ng konting skin po pero hindi naman po sobrang daring kasi pre-primetime po kami.”

Mapapanoood ang Paraiso Ko’y Ikaw simla sa Lunes, January 27, bago ang 24 Oras.

Handa ba si Kim kung sakaling pagsuotin siya ng two-piece bathing suit?

“Kaya ko po! Wow! Kaya ko po,” sabay tawa ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa niya alam kung pagsusuotin nga siya ng two-piece sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Hindi ko pa po alam pero kasi po yung father ko po dito yung company nila parang undergarments so hindi ko pa po alam pero papayag po ako.

“Hanggang sa mapaganda po yung show gagawin ko po,” pahayag niya.

Bukod kina Kim, Kristoffer Martin bilang si Tupe at Joyce bilang si Cheska, kasama rin sa Paraiso Ko’y Ikaw sina Joey Marquez bilang Artemio, Janno Gibbs bilang Badong, Gabby Eigenmann bilang Edward, Jessa Zaragoza bilang Yvette, G Tongi bilang Regina, Neil Ryan Sese bilang Berto, Maricel Morales bilang Celia at ipinakikilala si Phytos Ramirez bilang Brix.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN