Kristoffer Martin upset over ring issue with Joyce Ching

On the ring issue with Joyce Ching, Kristoffer Martin initially says, “Hindi ako nambabawi!" But during the latter part of the interview, he retracts, "Sige, kinuha ko na lang."


Halatang na-bad trip si Kristoffer Martin nang may nagtanong tungkol sa identical rings nila ng ex-girlfriend niyang si Joyce Ching.

Ayon kasi sa isang interview kay Joyce, binawi raw ni Kristoffer ang singsing na ibinigay nito kay Joyce.

Panimula ng binata, “Ganito, tanungin ninyo ulit sa kanya. Sabihin ninyo na-consult ninyo sa akin. Tanong ninyo ulit sa kanya. Yun lang, yun lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa presscon ng Paraiso Ko’y Ikaw nitong nakaraang Martes, January 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

THE RINGS. Inamin naman ni Kristoffer na nasa kanya nga ang naturang mga singsing.

Pero ayon kay Kristoffer, “Hindi ko kinuha. Basta may malalim na rason, hindi yung kung iniisip ninyong kinuha ko violently or...”

Ayon naman sa interview kay Joyce, hindi naman daw isinoli ng dalaga ang naturang singsing. Kinuha raw iyon ni Kristoffer, na mabilis namang itinanggi ng young actor.

Sabi niya, “Hindi ako nambabawi! Kasi ako kasi, sobrang sentimental ko sa mga bagay-bagay lalo na sa relationship, so yung mga ganung bagay na…itanong ninyo ulit sa kanya mamaya kung ano talaga ang nangyari.

“Hindi ko kinuha. Sabihin ninyo hindi ko kinuha, itanong ninyo ulit sa kanya. Hindi ko kinuha pero nasa akin.

“Hindi ko kinuha, kineep ko, pero hindi ako ang kumuha, kineep ko, kineep ko. Tinatago ko, inaalagaan ko, hindi ko kinuha.”

Paano napunta sa kanya kung hindi niya kinuha?

“Siya ang sasagot niyan,” diin niya.

E, ang sagot nga raw ni Joyce ay kinuha ni Kristoffer.

“Hindi iyan yung sagot, hindi iyan yung sagot,” medyo naiilang nang pahayag ni Kristoffer.

Isinoli ba ni Joyce?

“Hindi rin sinoli, basta siya ang makakasagot niyan, nang matino, ha?

“Nasa akin pero kasi kinukuha niya ulit, ayaw ko lang ibalik pero hindi ko kinuha,” patuloy pa niya.

Na-misplace ba ni Joyce ang singsing at nakuha ni Kristoffer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin! Siya ang sasagot. Ayokong galing sa akin, lalaki ako,” ulit pa niya.

Iyon nga raw ang sagot ni Joyce, kinuha ni Kristoffer.

“Mas malilinawan siya pag alam niyang na-consult na sa akin,” pahayag niya.

OPEN TO RECONCILIATION? May chance pa ba silang magkabalikan?

Kahit medyo upset siya, consistent si Kristoffer sa kanyang sagot sa tanong na ito.

“Kami? Oo naman! Ang sa akin lang kasi, ayoko namang magsalita nang hindi tapos. Mamaya maging kami ulit, di ba?

“Ayoko namang ibabalik sa akin lahat ng sinabi ko, parang ako, open naman ako sa possibilities, e.”

Binati raw niya si Joyce, nag-birthday noong January 5.

May regalo siya kay Joyce?

“Tanungin ninyo siya,” pakli niya.

Hindi ba awkward para kay Kristoffer na break na sila at magkasama sila ngayon sa Paraiso Ko’y Ikaw? Si Joyce ang gumaganap na kontrabida ng female lead na si Kim Rodriguez.

“Siguro ano, at first, at first. Pero na-overcome na naman yung ilang na yun,” pahayag niya.

Noong una niyang nalaman na kasama sa show si Joyce, ano ang naging reaksiyon niya?

“Nagulat!” pag-amin niya.

Hindi naman daw siya nag-isip na mag-back out.

“Hindi, hindi ko iniisip yung pagba-back out kasi unprofessional iyon, e. Parang kami artista, bakit kami magpapasok ng personal?

“Iyon nga lang ang hindi lang namin maintindihan minsan sa network kung bakit kung kailan naghiwalay pa, dun pa ipu-push na pagsamahin, di ba?

“Parang, ano yung purpose? Iyon lang yung questions,” paliwanag ni Kristoffer.

Pero hindi naman sila magkapareha ni Joyce sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Sabi niya, “Iyon nga, hindi nga, pero the fact is magkasama pa rin kami sa soap.”

Hindi pa alam ni Kristoffer kung magkakaroon sila ni Joyce ng eksena na magkasama sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Bukod sa pre-primetime serye, kasama rin si Kristoffer sa horror movie ng GMA Films na Basement na ipapalabas sa mga sinehan sa February 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Going back sa sinabi niyang open siya sa possibility na magkabalikan sila ni Joyce, tinanong namin si Kristoffer kung galing ba sa puso niya ang sagot niya?

“Oo. Kasi alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa rin siya.

“Ang ano lang is siguro may mga bagay-bagay lang talaga na hindi muna dapat ngayon, di ba?

“Ayaw naman nating mag-close ng doors, hindi naman natin alam kung anong meron para sa future, so open doors ako sa lahat ng bagay,” paliwanag pa niya.

Handa na ba siyang main-love muli, kung sakaling si Joyce man o ibang babae?

“Ah, hindi ako ready sa commitment, e. Ayoko ng commitment,” diin niya.

Sa interview kay Joyce, sinabi umano nito na si Kristoffer ang nakipag-break.

“Sige sabihin nating ano, oo, sige ganun. Pero kasi, ang sa amin kasi, dapat kung ano yung sa amin, sa amin lang. Kasi may respeto pa naman kami sa isa’t isa, e.

“Hanggang ngayon, e.

“Kasi ako as much as possible ayokong naglalabas ng kung anumang nangyari sa relationship namin, pero the fact na hindi ko alam kung bakit ganun nga ang nangyayari,” eksplika niya.

RETRACTS EARLIER STATEMENT. At nang muli naming hingin ang reaksiyon niya sa sinabi ni Joyce na kinuha ni Kristoffer ang singsing…

“Sige, pasok tayo dun! Sige lang, sige lang, sige lang, sige, kinuha ko na lang.

“Kinuha ko na lang,” ang hindi ngumingiting sinabi ni Kristoffer.

“Kinuha ko na lang.”

Bakit tila binabawi na niya ang nauna niyang pahayag na hindi niya kinuha ang singsing?

“Ayoko lang kasing palakihin pa yung mga bagay-bagay. Kasi kesa maguluhan pa yung mga tao sa bagay-bagay.”

Base sa mga pananalita at reaksiyon ni Kristoffer, parang hindi na sila magkakabalikan.

“Kasi ayoko lang kasi yung ano, yun nga ’di ba sabi ko, uulitin ko ulit, sobrang sentimental ako sa mga bagay-bagay. Kaya kung ano yung sa amin, sa amin lang, hindi na yung ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Kristoffer na nasasaktan siya kapag nagsasalita si Joyce sa mga interview ukol sa mga bagay na dapat ay sa kanila na lang.

“Nasasaktan ako. Kasi may promise kami, e. May promise kami,” malungkot niyang pahayag.

May gagawin ba siyang hakbang para maayos ang lahat?

“Hindi na. Kumbaga hayaan ko na lang lahat ng mga bagay,” sagot niya.

Hindi niya kakausapin si Joyce?

“Hindi na, andiyan na, e. Siguro kailangan ko lang munang magpalamig,” aniya.

Dahil mainit ang ulo niya?

“Hindi naman. Sa mga issues kasi, parang ilang beses na ring may issues sa mga bagay-bagay e recent lang naman ’yan, mahirap nang sumagot. Mamaya kung ano pa ang masabi ko dahil sa emotions ko.

“So better yet, shut up muna ako sa mga bagay-bagay kasi ako naman...ayoko nang palakihin ito, e. As much as possible, kaming dalawa, ayaw naming lumabas itong isyung ito, ayaw naming lumabas,” malumanay niyang saad.

Inamin naman ni Kristoffer na sa kanya unang nanggaling ang tungkol sa pagkakalabuan nila ni Joyce.

“Sa akin din kasi nanggaling e, na-quote ako ng PEP. Pero ang na-quote naman sa akin, ang sabi ko, na malabo lang kami, iyon lang.

“Basta iyon, iyon lang, dun nag-start, iyon yung mali ko. Pero hindi ko kinonfirm di ba, na break na,” muli niyang diin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN