Alden Richards downplays Kapuso Primetime Prince tag: “Kulang pa po sa experience.”

Alden Richards on why he refuses to claim the Kapuso Primetime Prince title: “Hindi ko po kaya. Baka may masabi po ang iba kapag nabasa na, ’Ano ba ‘yang si Alden, feeling na. Mayabang na. Wala namang napapatunayan.’ So, ano po ako, quiet na lang po ako, Primetime Actor na lang.”


“Honestly, yes, lumaki naman po ang T.F. [talent fee],” ang natatawang sagot ni Alden Richards nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung tumaas na rin ba ang talent fee niya ngayong ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na ang kapareha niya.

Halatang masaya si Alden dahil sa mga narinig niyang positive feedback mula sa ilang entertainment press na nakapanood ng trailer ng bago nilang primetime series ni Marian Rivera na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, na eere na ngayong Lunes, January 27, sa GMA.

Kabilang sa mga magagandang komento ay ang natural na “chemistry” nilang dalawa ni Marian, kahit na unang beses pa lang nilang nagkatambal.

“Opo, opo nga, pinanood ko po, nagtago po ako sa likod ng billboard habang pinapalabas,” nakangiting sabi niya.

Biniro naman namin si Alden na dahil may chemistry sila ni Marian, dahilan na ba ito para kabahan si Dingdong Dantes, ang matagal nang boyfriend ni Marian?

“Ay hindi po, hindi po,” ang mabilis niyang pagtanggi.

Kaya biro namin sa kanya ulit, parang siya ang kinabahan sa tanong namin.

“Opo,” pag-amin naman niya, “trabaho lang po talaga.”

MORE MATURE IMAGE IN CARMELA. Kung titingnan sila ni Marian, parang magka-edad lang talaga sila—either pina-mature ang hitsura niya sa Carmela o sadyang young-looking si Marian.

“Yun nga po ang concern. Kasi, bago po binuo ang Carmela, kung paano nga po mag-meet kasi, yun ang unang tingin sa amin ni Yan, parang mag-ate. Yun po ang sabi sa mga social network. Naging isyu po ‘yan.

“Pero sana po, napanood nila yung pinalabas po ngayong gabi para malaman nila na hindi po totoo, na kaya po naming magkaroon ng chemistry ni Yan,” payahag niya.

May kilig factor sa kanilang dalawa.

“Opo nga,” nakangiti niyang sabi.

“Kinilig nga po ako sa kissing scene kasi hindi ko po napanood ang playback.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki ang “advantage” ni Alden dahil may blessing raw ni Dingdong noon pa man na makapareha niya si Marian.

Kuwento ni Alden, “Noong My Beloved po, sabi nga po ni Kuya Dong, sana makapag-partner kami ni Yan.”

Ngayong si Marian na ang katambal niya, saan siya mas na-challenge?

“Yung una po, yung ilang talaga. Yung awkwardness, yung hindi ko siya matingnan sa mata. Kasi, Panday days, My Beloved days, hanggang tingin lang ako lagi, babati.

“Pero, hindi ko siya makuwentuhan dahil siyempre, yung kaba ko.

“Pero, noong mag-workshop po kami kay Direk Laurice [Guillen], talagang nag-uusap kami sa set. Doon napapalagay ang loob ko talaga. Masaya po kami. Masaya po kami sa set.”

Sa halip na pressure naman, mas excitement daw ang nararamdaman ni Alden ngayong malapit na nga silang mapanood.

Aniya, “More on excitement po.

“Kasi, yung ginawa ko pong soap noon, ang ganda po ng nagiging istorya. Ang ganda po ng pagkakasulat.”

KAPUSO PRIMETIME PRINCE? Nagulat naman ang entertainment press na kaharap ni Alden dahil sa lahat ng artista na binibinyagan ng titulo bilang Kapuso Primetime Prince, siya pa itong tahasang tumatanggi.

“Kahit nga po next, hindi pa po. Ayaw pa po,” sabi niya.

Bakit ayaw niya?

“Kulang pa po sa experience, kaya hindi pa po,” pagpapakumbaba niyang saad.

Pero, kung sa bakuran ng Kapuso, siya na nga ang matatawag na Primetime Prince dahil marami na rin naman siyang proyekto na nag-hit—mula sa One True Love at Mundo Mo’y Akin nila ni Louise delos Reyes, at ngayon nga, kapareha na niya si Marian sa Carmela.

“Hindi ko po kaya,” ang parang naiilang niyang sagot.

Hindi niya kayang i-claim?

“Hindi po,” nakangiti niyang sabi.

Siyempre, nararamdaman naman niya ang bigat ng mga seryeng binibigay sa kanya?

“Opo, ramdam ko naman po. Pero, baka may masabi po ang iba kapag nabasa na, ’Ano ba ‘yang si Alden, feeling na. Mayabang na. Wala namang napapatunayan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ano po ako, quiet na lang po ako, Primetime Actor na lang,” dagdag pa niya.

NOT AFFECTED BY JEALOUSY ISSUES. Sa puntong ito, inamin naman ni Alden na alam niya at nararamdaman niyang may ibang Kapuso actor na parang naiinggit o may hindi magandang nasasabi sa kanya.

“Opo, ‘wag na lang po nating pangalanan,” sabi niya.

Napi-pressure o naapektuhan ba siya kapag may nalalaman siyang nagagalit sa kanya o naiinggit?

“Hindi naman po naapektuhan, pero, siyempre po, kung meron akong katrabaho o meron akong kaibigan na magkakaroon ng ganitong klaseng break na co-actors ko, magiging happy ako para sa taong yun.

“Hindi ako maiinggit, kasi lahat naman tayo may deserve na break at the right time.

“So, siguro, ito po ang time ko. Sana lang po, maintindihan nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN