Enzo Pineda clueless about StarStruck batchmate Sarah Lahbati’s present status

Enzo Pineda on gender issue: “Kasi, parang ever since sa showbiz, it’s given naman kung nakukuwestiyon yung gender and everything, pero I’m comfortable with my gender and kung ano ba talaga ako.”


Excited si Enzo Pineda sa pelikula nilang Basement na ipalalabas na sa mga sinehan sa February 12, sa direksiyon ni Topel Lee.

Kuwento ni Enzo, “And tagal na naming na-shoot ito, e, two years na.

"So, I’m just really happy na tuloy na ito at nakita ko yung movie.

“Nag-dubbing ako nung isang araw and proud ako dito, kasi isa ito sa mga movies na ginawa ko na fresh ako from acting workshops.

"So, bagong salang lang ako and it’s a start of something new for me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Enzo noong Huwebes, January 23, sa 17th floor ng GMA Network Center para sa promo ng Basement.

CLUELESS ABOUT SARAH LAHBATI. Hindi ba sila naapektuhan na hindi nila nakakasama na mag-promote ng pelikula si Sarah Lahbati, na isa sa co-stars nila?

Ayon kay Enzo, “Honestly, I think nasa abroad po daw siya nagbabakasyon.

"So, hindi ko po alam, e, kung ano yung usapan with that, when it comes sa schedule.

“Hindi ko alam, e, so siguro depende na sa management and everything kung paano pag-handle dun.”

Nakaeksena raw niya si Sarah sa pelikula.

Dagdag pa niya, “Actually, may-asawa ako dito sa Basement tapos kabit ko si Sarah.”

Hindi rin daw alam ni Enzo kung ano ang totoo tungkol sa mga balita kay Sarah, kung nabuntis at nanganak nga ito o hindi.

Pakli niya, “Hindi ko po alam, iba yung pinagkakaabalahan ko nun, e.”

Wala na rin daw silang komunikasyon ngayon ni Sarah.

Huli raw niyang nakita si Sarah sa laban ni Manny Pacquiao sa Macau noong November 2013.

Honestly raw ay wala siyang alam kung anuman ang estado ng buhay ni Sarah ngayon kahit ka-batch niya ito sa StarStruck, at may punto pa dati na na-link silang dalawa at nagkamabutihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, kung may alam naman ako, I would, pero wala talaga, e.

"We said hi-hello, tapos iyon lang, kumustahan,” pahabol ni Enzo.

Hindi rin daw siya nagtanong tungkol sa personal na buhay ni Sarah.

“I think it’s something personal and siya dapat mag-open nun, if ever man.

"So, siya na dapat ang mag-open nun and hindi na dapat sa amin nanggagaling.

“Pero kung wala naman siyang sinasabi, siguro kailangan magtiwala tayo sa mga sinasabi niya,” pahayag ni Enzo.

PAST AND PRESENT. Kasama rin sa Basement ang girlfriend ni Enzo na si Louise delos Reyes.

Ano ang pakiramdam na katrabaho niya ang girlfriend niya sa isang pelikula?

“Actually, magkasama kami dito, pero hindi naman kami magkaeksena, e, sa tent lang, tambay!” at tumawa si Enzo.

So, kasama niya dito sa Basement ang past "girlfriend" niyang si Sarah at ang present girlfriend niyang si Louise. Ano ang pakiramdam niya tungkol dito?

“Hindi naman, ayos lang!” at muling tumawa si Enzo.

Speaking of Louise, ilu-launch ito sa teleserye ng GMA na Kambal Sirena katambal si Aljur Abrenica. At bilang sirena ay magpapaseksi malamang si Louise dito.

Humingi ba kay Enzo ng permiso ang girlfriend niya para sa mga daring scenes na gagawin niya sa Kambal Sirena?

“Hindi naman, sa kanya naman, I think, for me, what I advise her is, ‘You have to feel confident about yourself. Kung gagawin mo ’yan, make sure one hundred percent sure ka. And at the same time, nagwu-workout ka and do everything.’

“Kasi sabi ko, ‘You’re talented, magaling kang umarte, so ’yang show mo, malaki ang expectations when it comes to parang demands physically,” pahayag niya.

Speaking of demands, hindi ba siya nag-demand sa GMA na siya ang gawing leading man sa teleserye ni Louise, sa halip na si Aljur?

Ayon kay Enzo, “Siguro tingin ko, parang pag nangyari iyon, parang after that, wala na yung thrill na...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na kahit magkarelasyon ay ilang beses na ring nagkapareha sa teleserye?

“Puwede siguro someday, pero siguro hindi muna ngayon yung tamang time.

“Siguro maganda i-build muna namin ang sari-sariling career as of now.

"And tingin ko naman, mangyayari, kasi pag nangyari na yun, parang wala ng thrill after, e.

“So, ano muna, maghintay muna sila,” at tumawa si Enzo.

Hindi ba siya magseselos kay Aljur at kay Mike Tan, na isa rin sa mga leading men ni Louise?

Sagot ni Enzo, “Hindi naman, kasi dati naman, na-partner siya kay Paulo [Avelino], kay Alden [Richards], so parang okay lang.

“Actually, sanay na ako, e.

"And minsan, nagkakaroon talaga ng selos, pero naiisip ko naman nakakabawi naman ako, e.

"Kasi, ako din naman, may mga partner, e.

“So, ano lang... professionalism, intindihan lang kami.”

Pero kapag may kissing scene si Louise sa ibang leading men, ayaw raw pinapanood ni Enzo.

“Parang hindi na lang ako masyadong nagtatanong ng details about it and alam ko naman trabaho.

"And, at the end of the day, alam ko naman kung ano yung totoo, kung ano yung pinagsamahan namin.

“So, at the end of the day, it’s just work,” muling paglinaw ni Enzo.

Pero may selos?

“Siguro pag nagmamahal ka, magseselos ka rin naman talaga, pero konti lang, huwag too much,” diin ng binata.

Pag-amin ni Enzo, si Alden ang pinaka pinagselosan niya sa mga naging kapareha ni Louise.

“Kasi for a long time, magka-partner sila ni Alden.

“Hindi naman sa selos, pero natanggap ko na rin yun,” sabi ng Kapuso talent.

NEW LOOK. May bigote at balbas ngayon si Enzo.

Paliwanag niya tungkol sa kanyang look, “Siguro I want to show a different look this 2014, at saka ang tagal na ng look ko.

"Ever since nung StarStruck nung four years ago, e, so... and of course, ayun, para maiba lang...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para maiba yung tingin sa akin ng mga tao or baka may iba akong role na puwedeng gampanan someday for GMA, na kakailanganin na mas mature look for me.

"So, ayun, parang tine-testing ko lang din naman."

Tinanong ng PEP kung isa rin ba sa dahilan sa macho look ni Enzo ngayon ay para huwag na siyang itsismis na bading.

“Hindi naman!” ang natatawang reaksyon niya.

“Kasi, parang ever since sa showbiz, it’s given naman kung nakukuwestiyon yung gender and everything, pero I’m comfortable with my gender and kung ano ba talaga ako.”

Wala raw koneksiyon ang balbas at bigote niya sa intriga tungkol sa kanyang pagkalalaki.

“Wala, wala. Saka alam ninyo naman na hindi ako yung iniisip nila, hindi ako ganun, so iyon na yun.

"Tagal na, tagal na ng isyu na ’yan," saad niya.

Hindi na raw siya nasasaktan kapag may ganung intriga tungkol sa kanya.

Aniya, “Hindi naman, pero minsan parang nakakatawa lang, kasi parang ever since na...

"I mean, for everyone naman, lahat ng artista, laging iyon yung unang tinatanong.

“Pero siguro, naging perception ng ibang tao.

"Pero at least, ako, comfortable ako, kilala ko yung sarili ko and okay lang ako dun.

"So, ’yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN