Mark Gil reacts to past reports claiming Erap is not in favor of Andi Eigenmann for son Jake Ejercito: "’Di ako naniniwala diyan..."

Mark Gil is happy because daughter Andi Eigenmann was able to bounce back after giving birth. “Sabi nila, naudlot daw because of her baby. No, no. Andi Eigenmann will always be Andi Eigenmann. She’s a good actress, kung hindi, ’wag na lang siyang mag-artista. Bawal sa mga anak ko ang mag-artista kung ’di sila marunong umarte.”


Hiningan ng press si Mark Gil ng reaksiyon tungkol sa dating napabalita na hindi raw boto sa anak niyang si Andi Eigenman si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang isa sa mga anak ng dating Pangulo na si Jake Ejercito ang boyfriend ni Andi.

Bagamat marami ng kontrobersiyang pinagdaanan ang dalawa, sinabi ng Kapamilya star sa previous interviews na ipaglalaban daw niya ang pag-ibig para sa nobyong kasalukuyang nag-aaral sa Singapore.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa nakaraang presscon ng The Legal Wife noong nakaraang January 24, sa 9501 resto sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Ayon kay Mark, “It was just an alleged comment, matagal na ‘yan. ’Di ako naniniwala diyan, ang alam ko diyan, ’di nakikialam si Erap diyan.

“Most of the time, Jake is abroad, studying. ’Di naman sa pinagbabawal si Andi o si Jake ng relasyon, e.

“May mga edad na ang mga ‘yan pero siyempre bilang mga magulang, pinangangaralan lang ang mga anak na tapusin muna yung pag-aaral bago ang lahat.

“Kung ako din naman si Erap na dating Presidente, siyempre, I have plans for my son lalo na baka maka-ano pa siya ng isang taga-showbiz, ayaw namang ma-complicate yung mga matters.

“It’s good na pagpatuloy niya ang pag-aaral niya, pagpatuloy ni Andi ang career niya. If the relationship goes just for the day, we’ll see for tomorrow.”

Tinanong naman namin si Mark kung boto ba siya kay Jake para sa anak.

“Oo naman, he’s a good kid. Mabait siya sa bata, mabait siya kay Andi, mabait din siya kay Ellie.”



PROUD OF ANDI. Samantala, proud si Mark sa tinatakbo ng career ni Andi.


Sinasabi nga ng iba na nanalaytay talaga sa dugo nito ang pag-arte lalo pa’t parehong award-winning actors ang mga magulang niya. Anak ni Mark si Andi kay Jaclyn Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Mark, “No doubt about it naman, e. Sabi nila naudlot daw because of her baby.

“No, no. Andi Eigenmann will always be Andi Eigenmann. She’s a good actress, kung hindi, ’wag na lang siyang mag-artista. Bawal sa mga anak ko ang mag-artista kung ’di sila marunong umarte.

“I am very proud. They all have achieved so much more. I’m very proud."

Masaya rin si Mark dahil sa edad niyang 52, marami na siyang apo

"I’m also very proud of all my grandchildren, they are all raised very well.

“My children, they are all very close with each other. I’m very blessed with that.

"May mga apo na ako, pito, and I’m very proud of that fact na binigyan na nila ako ng mga apo. Ellie is beautiful!

"Ngayon, na kila Cherie [Gil] silang lahat-lahat ng mga bata at nandito ako ngayon. Minsan kinukulekta ni Cherie.

“Kadarating lang niya galing New York, three months siyang nawala, pag sinabi ni Cherie, ’I want the kids here,’ lahat, may time sila.”

THE LEGAL WIFE. Kasama si Mark sa seryeng The Legal Wife na mapapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa darating na January 27.

Masaya si Mark na muli siyang nakabalik sa Kapamilya network.

Kuwento ni Mark, “I’m back again in Channel 2. The last TV series that I’ve done here was Guns and Roses [2011],I think. Matagal-tagal na rin.

“I’m very proud!

"As a matter of fact, last year pa na-conceptualize ito. Ang alam namin, last year ito dapat mag-uumpisa although we started late last year. Pero ngayon pa lang mag-e-air ngayong January.

“It’s good timing kasi sa mga pangyayari nga, like yung Yolanda."

May mga nagsasabing kumplikado at maselan daw ang tema ng serye?

“Yes, sensitibo pero tama yung sinabi ni Angel. It’s not all about legal wife and the illegal wife, it’s not all about that, it’s not all about marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s about families, fathers... kung paano naapektuhan ang mga anak, magkakapatid, it’s about love. It’s really nice.

“I’ve been in this business too long pero ninenerbiyos pa ako."

WORKING WITH YOUNGER STARS. Kinumusta namin ang working relationship ni Mark sa mga kabataang artista na kasama sa The Legal Wife, tulad nila Angel Locsin, Jericho Rosales, Maja Salvador, at JC de Vera.

Ayon sa aktor ay wala siyang masasabi sa propesyonalismo at pagmamahal na pinapakita ng mga ito sa kanilang trabaho.

“Si Angel, nakatrabaho ko na before, sa isang primetime show, minsan sa Maalaala Mo Kaya. Si Maja, ’di ko pa nakakatrabaho, same thing with Echo.

“Si JC, ’di ko rin nakatrabaho pero nakasama ko na sa isang show. Maraming first time akong makakasama dito puwera lang si Boyet, Maribel [Lopez], and Rio Locsin."

Hanga si Mark sa mga main stars. At hindi raw porke nauna siya sa industriya ay may karapatan siyang magpabaya sa trabaho.

“Alam mo itong cast na ito, these are all very lively. They are already taking over. Soon, ’di magtatagal sila na rin ang magiging beterano. They are fantastic young actors. They are very professionals.

“As a matter of fact, kami, lalo na kaming mga beterano, wala kaming karapatan na ’di maging professional, e.

“We’re here to support at the same time they also give the same support also, masarap silang katrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN