Rey "PJ" Abellana approves of Geoff Eigenmann as potential son-in-law but wishes to know him better

Rey "PJ" Abellana sizes up potential son-in-law Geoff Eigenmann: “Close naman siya sa akin. Okey naman siya. Respectful naman sa akin. Although hindi kasi kami nagkakatiyempuhan na…very seldom yung instances na nagkikita kami."


Hindi direktang masabi ni Rey “PJ” Abellana na talagang boto siya kay Geoff Eigenmann, boyfriend ng anak niyang si Carla Abellana, dahil hindi pa raw niya nakikilatis nang husto ang Kapuso leading man.

“How could I say that kung hindi ko nakikita at hindi ko nakakasama yung tao?

“Kaya nga ang magagawa ko na lang diyan, manalangin na lang na mapunta sa tama yung anak ko,” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 18, sa Area 5, Tomas Morato, Quezon City.

Pero sa tingin daw niya, mukha namang mabait si Geoff. At nakikita rin daw niya na mukhang compatible naman sila ng kanyang anak na si Carla.

“Every time na may function sa bahay, nagpupunta yung dalawa. The last was nung Christmas. Nandun sila pareho,” dagdag pa niya.

May effort ba sa part ni Geoff para mag-bonding sila at maging talagang close sa isa’t isa?

Sabi ni PJ, “Close naman siya sa akin. Okey naman siya. Respectful naman sa akin.

“Although hindi kasi kami nagkakatiyempuhan na… very seldom yung instances na nagkikita kami.

“Although nagkasama na kami before sa isang project sa GMA dati. Pero once is not enough, di ba?

“At saka ano lang ‘yon… parang telemovie lang. It wasn’t even a series.

“Kasi kung series, mga four months time na magkakasama kami. So, talagang magkakakilala kaming mabuti.”

IS CARLA READY FOR MARRIAGE? Ilang beses nang nasabi dati ni PJ na kung siya ang tatanungin, hindi pa niya gugustuhing mag-asawa si Carla.

Pero hindi naman daw siya hahadlang kung sakaling gugustuhin na nito at ni Geoff na magpakasal.

Ayon kay PJ, “E, talaga namang ganun ang magiging ending.

"Doon talaga sa pag-aasawa ang kapupuntahan no’n.

“Carla is 24. Nasa edad na rin, kumbaga.”

Pero parang wala pa raw sa isip ng aktres ang pag-aasawa. Tila sa career o trabaho pa rin nito gustong mag-focus muna sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman kasi naman na may utak siya, e. Para ano na cum laude siya kung walang laman ang utak niya?” pabirong tawa pa ni PJ.

(BA Psychology graduate si Carla ng De La Salle Manila-Taft, kung saan nagtapos siya bilang cum laude.)

BUSY WITH SHOWBIZ PROJECTS. Masaya si PJ na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nababakante sa trabaho.

Kahit tapos na ang teleserye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, kung saan isa siya sa cast, visible pa rin siya sa mga TV guestings.

Kasama rin siya sa Part 2 ng pelikulang Isang Araw, kung saan bida at director din nito kilalang TV host at newscaster na si Daniel Razon. Ilan pa sa mga artistang kabilang dito ay sina Daria Ramirez, Ritz Azul, Bayani Agbayani, at Kier Legaspi.

“Sa part 1, congressman ako. Ngayon, dito sa part 2, senador na ang role ko.

“E, si Kuya Daniel is even planning for part 3.

"Baka presidente na ang character ko do’n!” sabay tawa na naman niya.

NO TO POLITICS—FOR NOW. Marami na ang artistang naengganyong pumasok din sa pulitika. Siya kaya?

“May mga offers na sa akin noon.

"Even si Mayor Pablo Olivares dati, inalok na rin ako na tumakbong congressman sa Parañaque.

“Pinalilipat na nga ako at ang pamilya ko na tumira na doon. Kasi sa District 2 pala ng Parañaque, wala pang artistang tumakbo doon.

“Lahat ng mga artistang tumakbo e sa District 1. Wala pa ni isa sa District 2, kaya do’n ako gustong isalang ni Mayor Olivares.

“E, hindi ako naengganyo. Takot ako.

“Magulo sa politics. Baka ikamatay ko pa ‘yan!” natawang biro pa niya.

Dagdag niya, “Pero I’m not saying na hindi talaga gugustuhing maging pulitiko. Pero depende kasi na lang ‘yan sa situations.

“Kung nakikitaan ko ng alanganing sitwasyon, ayokong pasukin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre kailangang pakiramdaman at isipin mong mabuti kung nasa tamang panahon na ba.

“Kung sa tingin mo, hindi pa e huwag muna. Hanggang sa dumating yung right time.

“Pero kung hindi naman, okey lang.

"Siguro, ibig sabihin lang, hindi ka para sa larangang ‘yan,” sabi pa ni PJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN