Enchong Dee denies courting Dominique Cojuangco

Enchong Dee on ASAP 19 show in Dubai: “Pakiramdam nila, Kapamilya talaga yung kasama nila… Kapatid, Kapuso… yung alam mo yung nasa TV nila napapanood, tapos nakakasalamuha nila.”


Maraming pagkakataong nakitang magkasama sina Enchong Dee at si Dominique Cojuangco.

Si Dominique, 18, ang nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto at longtime partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Pero ayon kay Enchong, magkaibigan lang sila ni Dominique.

Sabi ng Kapamilya star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala. Magkaibigan lang kami.

"Pero ano yun, I’m happy na nakakasama ko siya sa London."

Nagkasama sina Enchong at Dominique sa London noong nagkaroon ng One Kapamilya Go London 2013.

Unang nakita ng publiko ang dalawa na magkasama sa Star Magic Ball 2013.

Totoo bang gusto siya ni Gretchen para kay Dominique?

Nakangiting sabi ni Enchong, “Magkaibigan talaga kasi kami ni Gretchen.”

Nakausap ng PEP at ilang media si Enchong noong Linggo ng madaling-araw, January 26, sa 1K @ Amway Fun Run 2014, na ginanap sa SM Mall of Asia Grounds, Pasay City.



EN-RICH COMEBACK PROJECT. Samantala, ngayong 2014, tiyak daw na magiging masaya ang fans nina Enchong at Erich Gonzales dahil magkakaroon ng comeback project ang tinatawag na "EnRich" tandem.

Huling nagkasama ang dalawa noong 2011 sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela na Maria La Del Barrio.

Saad ni Enchong, “Well, for the first quarter, magkakaroon kami ng comeback movie ni Erich.

"So, pinag-uusapan nga namin na excited kami sa isa’t isa kahit na kinakabahan kami, kasi we haven’t worked for so long.”

Masaya rin ang 25-year-old Kapamilya actor dahil magpahanggang ngayon daw ay hindi bumibitaw ang kanilang mga tagahanga ni Erich.

ASAP IN DUBAI. Sa huli, masayang ibinahagi ni Enchong sa PEP ang naging karanasan niya sa pakikisalamuha ng mga Pinoy sa Dubai, kung saan nagkaroon ng show ang ASAP 19 noong nakaraang linggo.

Kuwento niya, “Nakakatuwa kasi parang hindi ako nakakakita ng Pilipino na malungkot.

“Ang lahat ay nakatawa, lahat masaya.

"Tapos, buti na lang talaga nadadala namin yung ASAP sa iba’t ibang lugar, kasi makikita mo talaga kung gaano kasabik yung mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na pakiramdam nila, Kapamilya talaga yung kasama nila… Kapatid, Kapuso… yung alam mo yung nasa TV nila, napapanood tapos nakakasalamuha nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN