Vice Ganda goes house hunting with Kris Aquino; clarifies relationship with G-Force dancer

Vice Ganda on house hunting with Kris Aquino: "Para ko siyang manager at nakakatawa, kasi inookray niya yung mga broker. Kasi may nakita na akong house, ayaw niya. Hindi niya bet! O, e, ayoko na rin, nakukumbinsi niya rin ako. Di ba, iba rin ang convincing power ni Kris?"


Last quarter ng 2013 nang maengganyo si Vice Ganda ng kanyang gay friends na bumili ng mas malaking bahay.

At heto na nga’t pumipili na siya ng bago at mas malaking bahay pagkatapos niyang mag-renew muli ng kontrata sa ABS-CBN.

"Nagha-house hunting na kami ni Kris [Aquino], kasama talaga siya!" natatawang bungad ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Gandang Gabi Vice noong Huwebes, January 23.

Sabi pa niya tungkol kay Kris, "Para ko siyang manager at nakakatawa, kasi inookray niya yung mga broker.

"Kasi may nakita na akong house, ayaw niya. Hindi niya bet!

"O, e, ayoko na rin, nakukumbinsi niya rin ako.

"Di ba, iba rin ang convincing power ni Kris?

"Sa una, maiingayan ka.

"Pero kapag mag-isa ka na, mapapaisip ka, ’Oo nga, ’no? Sige na nga, huwag muna.’

"Magre-reconsider ka na lang."

Marami na raw ang napuntahan nilang bahay.

Kuwento ni Vice, "Sa isang araw siguro, nakalima kami.

"Nakakatawa nga, nasa kotse siya, nasa unahan siya, pagbukas ng bintana, sasabihin niya sa broker, ’Is that the house?’

"’Opo,’ sey nung broker.

"’Let’s go. I don’t like.’ Hindi na kami bababa!

"Umpisa pa lang, hindi pa namin napasok ang loob, ha!

"Tawa ako nang tawa!"

PRUDENT SPENDER. Wala pa rin daw napili si Vice sa mga pinuntahan nilang dalawa ni Kris, pero may isang property sa Green Meadows na ipinakita ang presidential sister na nagandahan siya.

Sabi ni Vice, "Ang ganda, pero hindi pa final.

"Ano lang yun, lot lang, walang bahay.

"Magkano ba yun... P67 [million]?"

Magkano ba ang budget niya?

"One million nga lang budget ko, e.

"Sa [Jose] Abad Santos lang ako magpapatayo, sa Tondo," biro ni Vice.

Pero seryoso niyang dagdag, "Ayoko nang sabihin kung magkano... basta. Limited naman.

"Kaya ang tagal kong magdesisyon kasi ang laki ng perang gagastusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tagal kong nagpakahirap at nagtrabaho para sa kung anong meron ako ngayon, ayoko namang gastusin nang isang ganunan lang.

"Kaya kung meron akong 100 [pesos], hindi naman ako bibili ng 60 o 80, tapos matititra sa akin P20 lang. Hindi."

Nang biruin niya na baka dumating ang panahon na gugustuhin
niyang may sariling eroplano at yate, agad niyang sagot: "Hindi ko afford at ayoko ng mga ganyan."



Nakuha agad ni Vice na inihahalintulad namin siya kay Willie Revillame, na nagtamasa rin ng karangyaan bilang host ng isang noontime variety shows na tinangkilik ng masa.

Sabi niya, "Simple lang ako, bahay na maganda, okey na ako."



THE BOYFRIEND. Na-headline kamakailan ang pag-amin ni Vice na "mahal na mahal" niya raw ang isang member ng dance group na nangngangalang Ram.

Sila na ba talaga?

"Si Ram?!" bulalas ng komedyante.

"Alam mo, nakakatawa yun.

"Kahit si Ma’m Charo [Santos], akala niya boyfriend ko.



"Nung nag-contract signing kami, sabi niya, ’So, yun pala ang boyfriend mo?’

"’Sino po?’

"’Yung sa G-Force?’

"’Ay, hindi po. Hinarut-harot ko lang po yun sa GGV.’

"’Dyusko, napanood ko, akala ko, yun na!’

"Sabi ko, ’Hindi po.’

Hindi kilala ni Ma’am Charo ang tunay na boyfriend niya?

"Hindi!" napahalakhak na sabi ni Vice.

"Si Boss Gabby [Lopez] ang nakakakilala, kilalang-kilala ni Boss Gabby.

"Nakakatawa, kasi nung contract signing, super-tsika siya kina Ma’am Charo kung sino yung boyfriend ko.

"Tapos, hindi lang ako umiimik.

"Sabi ni Boss Gabby, ’Di ba, si ganito?’

"Kilala niya talaga. Alam niya yung history."

Bakit alam ni Sir Gabby kung sino ang boyfriend niya?

"Pina-NBI ata ako ni Boss Gabby, e!’ biro ni Vice.

"Ako naman, natatawa lang.

"Tapos sabi ni Tita Cory [Vidanes], ’O, bakit hindi ka pumipiyok?’

"Natatawa na lang talaga ako," ngiti ni Vice.



IT’S SHOWTIME CO-HOSTS. Samantala, tinanong din namin si Vice tungkol sa pag-amin ng co-host niya sa It’s Showtime na si Billy Crawford na nililigawan nito si Coleen Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Happy ako for them. They’re free.

"Kahit anong sabihin sa kanila, ayan na. May statement na sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN