JC de Vera feels pressured to keep up with The Legal Wife co-stars

JC de Vera on working with Angel Locsin: "Noon pa ay hanga na ako sa kanya—yung beauty niya, yung paano niya hinandle [handled] ang kanyang career. ko, I’m very excited to work with her. Sobra.


Kuntento ang 27-year-old actor na si JC de Vera sa itinatakbo ng career niya sa ABS-CBN.

Ilang buwan mula nang lumipat siya mula sa TV5, isa na siya sa mga bida sa pambungad na primetime teleserye ng Kapamilya network ngayong 2014—ang The Legal Wife.

Makakatagisan niya rito sa pag-arte sina Angel Locsin, Jericho Rosales, at Maja Salvador.

Pahayag ni JC, "Hindi lang ito isang malaking show kundi meron akong malaking window na mag-grow as an actor.

"Ang mga kasama ko rito ay very inspiring, kasi magagaling silang lahat, like sina Angel, Jericho, at Maja.

"Tapos with Direk Rory Quintos and Direk Dado Lumibao, who are both intelligent directors.

"Half the work para sa akin ay tinapos na nila.

"Meron na akong magandang script, meron pa akong magagaling na directors and outstanding co-actors.

"Kaya masaya ako sa The Legal Wife.

"Ang gagawin ko na lang ay makinig at mag-perform."

ON ANGEL. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa pictorial nito para sa Men’s Health magazine kahapon, January 26, sa Summit Studios, sa Pasig City.

In particular, nabanggit ni JC si Angel, na hinahangaan niya raw lalo na’t pareho silang galing sa Kapuso network.

Saad ng aktor, "Sa totoo lang, hindi kami naging close talaga ni Angel before.

"Kasi nung nagsimula ako [sa showbiz], one notch higher siya sa akin.

"Nung pumasok ako, ako yung beginner, siya naman yung paangat na.

"Nagkahiwalay kami kaagad ng show at hindi ko na siya na-reach.

"Pero noon pa ay hanga na ako sa kanya—yung beauty niya, yung paano niya hinandle [handled] ang kanyang career."

Dugtong pa niya, "Ako, I’m very excited to work with her. Sobra.

"Pinapadali nila ang trabaho ko, kasi ang gagaling na ng mga ’to.

"Ang gawin ko na lang ay sakayan sila nang sakayan."



PEER PRESSURE. Hindi niya itinanggi na sa kabila ng excitement na ito ay nararamdaman niya ang nerbiyos sa pakikipagtrabaho sa mga beteranong artista ng Dos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni JC, "Kinakabahan ako kasi iba na, e.

"Para sa akin na isang baguhan sa network, kailangan kong i-prove na kaya kong sabayan sila.

"Mahirap sa part ko ang mag-adjust kasi nga hahabulin ko kung nasaan na sila.

"Pero masaya ako, nai-inspire ako mag-work.

"Very motivated ako na sabayan sila.

"Parang lahat ng pinaghirapan ko before, at least, nagpu-fall into place na."

Sa kuwento ng The Legal Wife, siya bilang si Max Gonzales ay mai-in love sa bidang babaeng si Monica Santiago de Villa (played by Angel).

Tinanong siya ng PEP kung sakali mang i-drumbeat ang loveteam nila ni Angel, hindi ba siya nangangamba na baka maudlot ito?

Muli kasing nabubuhay ang pag-ibig nina Angel at Luis Manzano na dating magkasintahan.

Pahayag ni JC, "Si Angel kasi, made na siya kaya kahit sino ang ma-partner sa kanya, okay.

"Pagdating sa loveteam, actually, hindi talaga kami magka-loveteam.

"Dun lang talaga sa specific show na yun [ang The Legal Wife].

"And since nasa group of talented actors ako, nandun lang talaga sa show yung loveteam.

"So, outside the show, pagdating na dun sa mga personal na buhay, labas na ako dun at si Angel labas na rin.

"Pero kapag sa show kailangan ay trabaho lang."

ON JERICHO. Samantala, unang pagkakataon din nilang magkatrabaho ni Jericho Rosales.

Kumusta ang pakikipagtrabaho nila ni Jericho?

"Actually, lahat naman ng actors sa ABS CBN, intimidated ako," nangingiti pero seryosong sagot ni JC.

"Kasi una, alam mong lahat sila ay talented talaga, magagaling silang lahat at wala akong masabi.

"At saka very professional, lalung-lalo na si Jericho.

"Actually, hindi ko pa siya nakakaeksena sa show, pero nagkakausap na kami.

"Yung passion niya for work, ibang klase, hahangaan mo talaga.

"Alam mong magaling siya at marami akong matututunan sa kanya."

ON MAJA. Tunkol naman sa isa sa leading ladies na si Maja Salvador, hindi ipinagkaila ni JC na madali silang nagkapalagayan ng loob sa mga unang araw na ginagawa nila ang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang unang naging kumportable talaga ako, since maganda ang kanyang personality.

"Lahat sila ay magaganda ang personality, pero for the first taping days ko sa show, si Maja talaga ang nakakasama ko.

"Nakaka-uplift talaga ng spirit pagdating sa taping.

"Masaya ako na siya kaagad ang nakasama ko sa taping dahil yung confidence level ko pagdating sa taping ay tumataas.

"Si Maja kasi, kinakausap niya ako, tinutulungan niya ako, pati sa pag-a-adjust ko.

"Maging sina Angel at Jericho, inaalalayan din naman nila ako at suwerte ko talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN