Vice Ganda might get third Phenomenal Box-Office Star award

Vice Ganda on box-office result of Girl Boy Bakla Tomboy: "Kami na raw ang highest-grossing Filipino film ever. So, ibig sabihin, kami na yun [ang number one sa takilya]. Kasi ang filmfest, for a limited span of time lang. Pero yung movie ko, kahit tapos na ang filmfest, showing pa rin siya."


Hindi na kailangang tanungin si Vice Ganda kung okey na sila ni Kris Aquino hinggil sa pagtatapat sa takilya ng kanilang mga pelikula sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Vice ang bida sa Girl Boy Bakla Tomboy, habang si Kris naman ay kasama sa My Little Bossings.

Giit ng comedian-host, "Magkasama kami.

"Nag-house hunting nga kami pagkadating niya galing ng London.

"Tapos, may regalo pa nga siya sa akin, e. Binigyan niya ako ng Louboutin."

Ang Louboutin ay isang mamahaling brand ng designer shoes na gawa sa France at kilala sa trademark nitong pulang suwelas.

Tanggap ba ni Kris na nalampasan na raw sa takilya ng Girl Boy Bakla Tomboy ang My Little Bossings, na siya ring launching movie ng anak ng Queen of All Media na si Bimby Aquino Yap?

Ayon kay Vice, "Frankly and seriously, we never talked about the filmfest anymore. We’re so over it.

"Pero nung filmfest days, nagkakatensiyon nang hindi mo sinasadya.

"Ayaw namin ng ganoon ni Kris.

"We never talked about it anymore."

HURT. Sa isang hiwalay na panayam, inamin ni Kris na nasaktan siya para sa kanyang anak na si Bimby sa paulit-ulit na pagsabi noon ni Vice na ang pelikula niya ang magna-number one

Sabi naman ni Vice, "Siyempre, mahal na mahal ko rin si Bimby.

"I will never intentionally offend Kris and her loved ones.

"Nalungkot ako nung nasaktan ko yung kaibigan ko. Pero hindi ko sinasadyang saktan siya o kung anuman.

"Siguro dahil sobra nga kaming emosyunal at overwhelmed sa mga nangyayari sa filmfest kaya na-hurt ko siya kahit papaano.

"Tsaka sobra kaming okey na.

"Kung tutuusin nga, ang dami naming biruang malala ni Kris.

"Yung simpleng biro na, ’O, number two ka, ha, number one ako,’ kapag niloloko ko siyang ganoon.

"Never kong in-expect na mahe-hurt siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But since na-hurt siya, sad ako dahil ayokong ma-hurt ang kaibigan ko."

PHENOMENAL BOX-OFFICE STAR. Nalampasan na nga ba ng Girl, Boy Bakla Tomboy ang My Little Bossings?

Ito ay sa kabila ng anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang pelikula nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby, at Kris ang opisyal na nanguna sa takilya sa loob ng MMFF?



Sabi ni Vice, "Hanggang ngayon, showing pa rin ang movie [Girl Boy Bakla Tomboy].

"At nang tinanong ko ang Star Cinema, wala pa yung final total, kasi nga kumikita pa rin ang pelikula.


"Parang [ang latest], P432 million, more or less.

"Kami na raw ang highest-grossing Filipino film ever.

"So, ibig sabihin, kami na yun [ang number one sa takilya].

"Kasi ang filmfest, for a limited span of time lang.

"Pero yung movie ko, kahit tapos na ang filmfest, showing pa rin siya.

"Yung huling gross na inilabas nila, nung nagtapos daw yung filmfest after the 12th or 14th day, parang lamang pa sa akin ang Bossings ng P200,000.

"Nilabas sa TV Patrol yun, e."

Sa palagay niya, siya pa rin ang Box Office King this year?

"Kung natalo namin ang record ang Sisterakas, baka ako pa rin yung Phenomenal Box-Office Star.

"Hindi naman lagi ibinibigay yung Phenomenal award, e. Ibinibigay lang yun kapag may record na naise-set.

"Unang-una silang nagbigay noon sa Praybeyt Benjamin. Tapos natalo ko yung record ko [ng Sisterakas]."

Si Vice ang bida sa Praybeyt Benjamin [2011] at isa sa stars ng Sisterakas [2012], kung saan nabigyan siya ulit ng Phenomenal Box-Office Star award.

"Kaya kung [nahigitan] iyon ng Girl Boy, siguro... hindi ako sure, ha, siguro ibibigay din nila.

"Kasi ngayon, ang pinakamataas [na recognition], yung Phenomenal award.

"Ewan ko lang kung ano pang puwedeng mangyari."

Ito na raw ang ikatlo niya kung saka-sakaling makatanggap uli siya ng Phenomenal Box-Office Star Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MUM ON KRIS, AI-AI FALL-OUT. Balitang-balita rin ngayon ang tampuhan nina Kris at Ai-Ai delas Alas.

Saan siya nakapuwesto sa tampuhan ng dalawa niyang kaibigan?



Iwas ni Vice, "Ay, wala rin akong posisyon din kasi.

"Unang-una, hindi ko alam kung gaano kalalim ba ang tampuhan nila, ano ba ang pinagmumulan.

"Ayokong sumawsaw.

"Kasi kung may tampuhan at kung mas marami ang sasawsaw, baka lumaki pa.

"Siyempre, wala sinuman sa atin ang may gustong mag-away naman talaga sila."

Sila ni Ai-Ai? Nagpunta ba siya sa wake ng mother ng Comedy Queen?

"Hindi ako nakadalaw, pero nagpadala ako ng bulaklak," sabi niya.

Si Kris, diumano, kahit bulaklak ay wala raw ipinadala sa burol ng ina ni Ai-Ai.

Paliwanag naman ni Vice, "E, kasi nasa London siya... ay, ayoko na ring mag-comment!

"Nung sinabi nila na nagtatampo si Ai-Ai, sabi ko, hindi ko alam kung nagtampo siya.

"Feeling ko naman, hindi, kasi nagpadala ako ng flowers.

"And I prayed for her mom."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN