Joey Marquez saddened by ex-wife Alma Moreno’s another failed marriage

Joey Marquez on possible reconciliation with ex-wife Alma Moreno: "Parang mahirap kasi ang isang bagay kapag nabasag, kahit na kumpunihin mo, kahit lagyan mo pa ng glue ’yan, andun pa rin yung lamat."


Nalulungkot si Joey Marquez sa pakikipaghiwalay ng dati niyang misis na si Alma Moreno sa asawa nitong si Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic.

Read: Alma Moreno decides to separate from husband Mayor Fahad "Pre" Salic

Saad ni Joey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, nung nag-guest ako sa Startalk, nanonood ako ng mga teasers nila, at dun ko lang nalaman na hiwalay pala siya.

"Kasi, umiiyak siya.”

Hindi raw nagsabi sa kanya si Alma.

"Hindi, kasi number one, ayokong malaman para walang conflict.

“Pangalawa, hindi naman nagsasabi si Ness [Alma] sa akin tungkol sa lovelife niya, e.”

Dagdag niya, “Nalungkot ako siyempre.

"Sabi ko nga nung una, ’Bakit nga ba niya ako pinalitan?’

"Ako, napagkamalang babaero lang."

POSSIBLE RECONCILIATION. Hindi kaya maging sila ulit ni Alma?

“Matatanda na kami. Matanda na,” sabi ng 56-year-old actor.

May karelasyon ba siya ngayon?

“Wala, wala.”

Hindi ba niya isinasara ang pintuan sa pagkakataong maging sila muli ni Alma?

“Mga anak ko, nasa akin lahat.”

So, puwedeng maging sila muli ni Alma?

“Matanda na kami.

“Parang mahirap kasi ang isang bagay kapag nabasag, kahit na kumpunihin mo, kahit lagyan mo pa ng glue ’yan, andun pa rin yung lamat, e.

"Mas maganda yung magkaibigan kayo na puwede naman magtulungan. Yung you take care of each other kahit papaano.

“Pero mas mahirap yung nagsama kayo, magsusumbatan kayo bandang huli.

"I don’t know kung tama iyon.”

COMPANIONSHIP. Hindi na siya open sa idea na magkabalikan sila ni Alma?

Sagot ni Joey, “Hindi naman, kaya lang iiwas na lang tayo sa mga bagay na mas pahihirapan pa natin kung ano yung sitwasyon namin ngayon.

“Maganda sitwasyon namin ngayon, e.

"Kapag gusto niya akong kausapin, nakakausap ako.

"You don’t have to be married to have companionship.

“Even a friendship can have companionship.

"Minsan mas matibay pa nga yung magkaibigan kayo kasi open sila sa lahat sa iyo, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may tuldok na nga?

“Hindi naman tuldok siguro. She is still the mother of my children.

"And my children na nalulungkot dahil sa mother nila, andun ako para paligayahin sila.”

Biro namin, paano kapag ibang kaligayahan na?

“Iyon ang sinasabi ko parati, huwag namang puro katawan ko lang!

“Dapat may pag-ibig naman, huwag puro katawan!” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN