Dion Ignacio reveals his dad is undergoing dialysis; thankful for new soap

Aminado si Dion Ignacio na nakakaramdam siya ng inggit sa mga kasamahan niya sa showbiz na nakakapundar na mula sa kinikita nila sa showbiz. Ngunit aniya, "Pero magandang inggit yung inaaksyunan mo. Yung pinagsisikapan mo. Yung naiinggit ka, pero nagsisikap ka."


May sakit ngayon ang ama ng Kapuso actor na si Dion Ignacio.

“Nagkaroon siya ng tubig sa baga at pagkatapos, dina-dialysis siya ngayon—kidney failure,” banggit ni Dion sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Matagal na bang may sakit ang tatay niya?

“Siguro matagal na yun… ang magulang, hindi sinasabi, parang nahihiya. Ba’t ganun?

“Tapos, pinag-drive niya ako, first taping ng Innamorata, may aircon, ha, pero pinapawisan.

“Tapos sabi niya, ‘Saan tayo, saan tayo?’

“Sabi ko, ‘Pa, gusto niyo ako na ang mag-drive?’

“Sabi niya, ‘Hindi, kaya ko ‘to.’

“Sabi ko, ‘Hindi mo na kaya.’

“Sabi niya, ‘Kaya ko pa.’

“Kaya noong ano, pinahatid ko sa bahay.

“Sabi ko sa EP [executive producer] na pauwiin muna si Papa, parang hindi kaya.

“Kaya pagdating sa bahay, sabi ko, ‘Ma, papuntahin mo na sa hospital ‘yan.’”

Ang tingin ni Dion, hindi nagsasabi ang ama niya noon, kahit may nararamdaman na ito, dahil ayaw nitong mag-alala pa sila.

Umaasa naman si Dion na sana ay hindi panghabambuhay ang pagda-dialysis ng kanyang ama.

“Sabi kasi, eight sessions muna.

“Kapag napababa ang creatinine, ligtas na. Pero kung after eight sessions, ganun pa rin, diretso na.”

Sabi pa niya, “Kaya rin siguro ako nagkaroon ng Innamorata dahil dun.

“Kasi, alam ng Diyos ang kailangan, e. Kaya binigyan ako ng bagong show.”

Ang Innamorata ang upcoming afternoon soap ng GMA kung saan kabilang sa cast si Dion.



BREADWINNER. Si Dion ang breadwinner sa kanilang pamilya at siya ang gumagastos sa halos lahat.

Ano ang pakiramdam niya na tila nahihiya ang kanyang ama na magsabi ng nararamdaman nito, na ang posibleng dahilan ay naiisip nitong makakadagdag lang sa gastusin ni Dion?

“Opo nga, baka nahihiya,” sambit ng StarStruck alumnus.

“Pero siyempre, sa buhay naman po, habang buhay ka, gastos ka lang, magpakasaya ka.

“Kung may sakit ka, punta ka sa hospital, gastusan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, may trabaho naman tayo.

“Bukas-makalawa, kikitain mo naman ‘yan. Kaya ako na ang nag-ano.

“Nahihiya pa rin siya, e.

“Pero, tumawag siya sa mga pinsan niya sa ibang bansa. Ang dami rin namang nagbigay ng tulong.

“Nakakatuwa… ang daming blessings din.

“Parang ginawang way para magamot siya.”



NOT TRUE. Kaya lalong hindi raw totoo ang balitang may asawa’t anak na raw siya.

Ayon kay Dion, hindi pa niya naiisip na magkaroon ng sariling pamilya dahil may mga obligasyon pa siya sa kanyang pamilya.

Pero inamin ng young actor na may non-showbiz girlfriend siya, at tatlong taon na ang relasyon nila.

Hindi pa ba siya niyayang magpakasal nito?

“Hindi po, kasi nag-aaral pa rin naman siya.

“At saka, minsan nga, busy kami pareho. Siya sa school.

“Kaya medyo relax lang.

“Siyempre, gusto kong mag-focus, e.

“May banda ako. Pero kapag may show ako, ayoko ng hinihila ang mood ko.

“Gusto ko, sa acting muna.

“Di ba, kapag dalawa ang gusto mo at pareho ka ng passion, mawawalan ka ng gana rito [sa isa]?

“So, dito muna ako sa priority ko.”



TEN YEARS. Sampung taon na sa showbiz si Dion, isa sa original batch ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck.

Ano ang nararamdaman niya kapag nakikita ang mga kasabayan at mga naging kasamahan niya sa StarStruck na marami nang naipupundar?

Isa na rito si Aljur Abrenica na may sarili nang bahay at magagandang sasakyan?

Nakangiting sabi ni Dion, “Siyempre, nakakainggit din.

“Pero magandang inggit yung inaaksyunan mo. Yung pinagsisikapan mo.

“Yung naiinggit ka, pero nagsisikap ka.

“At saka, thankful naman ako kung ano meron ako.

“At least, may show po, huwag lang mawalan.

“Kung sumikat, bonus na yun.”

Wala pa ba siyang naiipon?

“Hindi naman, parang walang sobra.

“Pero okay naman, masaya. Pero, wala akong sobra.

“Wala akong mabiling bahay, mabiling bagong kotse.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ba siyang nai-invest?

“Dalawang lupa pa lang, tig-100 square meters. Sa Siniloan, Laguna at saka sa Marikina.

“Hindi ko mapatayuan kasi kailangan pa ng…

“Sana nga, kahit sa dalawang taon, mga dalawa, tatlo, okay na yun.”

Masaya raw si Dion kapag nakakarinig ng positibong komento tungkol sa kanyang pag-arte, lalo na sa nakaraang teleserye niyang Maghihintay Pa Rin.

Aniya, “Lalo ko pong pinagbubutihan.

“At saka siyempre, aasa sila kapag may next show ako. Medyo pressure rin.

“Pero, maganda ang pressure dahil napupukpok ka sa craft mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN