PEP EXCLUSIVE. Carla Abellana believes ex-boyfriend JC Intal is now ready to settle down with Bianca Gonzalez

Bagamat hindi na sila gaanong nakakapag-usap ng ex-boyfriend niyang si JC Intal, sinabi ni Carla Abellana na nananatili ang magandang pakikitungo ng kani-kanilang pamilya. Saad niya, "Bihira na lang, kasi inaanak niya yung pamangkin ko. So, siyempre, friends pa rin siya with my family. Bihira na lang. Pero kung anuman, oo, nag-uusap kami."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla Abellana tungkol sa balitang malapit nang humantong sa kasalan ang relasyon ng basketball player na si JC Intal at ng TV host na si Bianca Gonzalez.

Si JC ay dating boyfriend ni Carla bago pa man siya pumasok sa showbiz.

Ayon pa sa balita, hinihintay na lang daw ni Bianca na mag-propose sa kanya si JC.

"Oh!" nakangiting bulalas ni Carla nang tanungin tungkol dito.

Dagdag niya, "Actually, si JC, for the longest time, gusto na niya, e.

"I mean, I believe he’s ready.

"At saka alam kong gustung-gusto na rin niyang mag-raise ng family or magkaroon ng mga anak dahil mahilig siya sa bata.

“And he would be a great dad din.

"Alam kong matagal na niyang gusto. Feeling ko, ready na ’yan.”

Noong sila pa ay napag-usapan na rin nila ang pagpapakasal?

Sagot ni Carla, “Hindi naman agad-agad nung kami, pero siyempre isa yun sa mga pinapangarap namin.

"Kasi makikita mo, pareho kaming mahilig sa bata.

"Alam mo yun, na parang in his nature."

Nagkakausap pa ba sila ni JC?

“Bihira na lang, kasi inaanak niya yung pamangkin ko.

"So, siyempre, friends pa rin siya with my family.

"Bihira na lang. Pero kung anuman, oo, nag-uusap kami."

Okey naman pala sila after all these years?

“Oo, okey naman kami as friends.”

Naniniwala rin si Carla na magiging masaya ang pagsasama nina JC at Bianca kapag nagpakasal na nga ang mga ito.

“Yun ang hinu-hope natin at yun ang ipagdarasal natin siyempre.

"Happy naman sila at nagtatagal sila, going strong sila.

“So, walang problema kung isi-seal the deal or ikasal sila at ituluy-tuloy nila yun, di ba?

“Sana pareho na silang ready pag na-decide nila.”

BUSY 2014. “Fully booked” na ngayong 2014 si Carla dahil sa mga nakalinya niyang proyekto.

Sa exclusive interview ng PEP sa Kapuso actress last week, sinabi nitong may tatlong endorsements nang pumasok sa kanya sa unang linggo pa lang ng January.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, may tatlong pelikula siya ngayong taon, at dalawang biyahe na naka-book na.

Bagamat wala pa sa listahan ng kanyang mga gagawin ang susunod na soap opera niya, tiniyak ni Carla na magkakaroon siya ng teleserye bago matapos ang taon.

Biro ng aktres, “Madami akong gagawin, so January pa lang, pagod na ako!”

Ano yung mga pelikula niya ngayong taon?

“Yun isa nga, with Tom Rodriguez, titled Let’s Take A Chance.

“Kaka-start pa lang namin, wala pang playdate. Nakaka-four shooting days pa lang.

“Pero ang sabi sa amin, Holy Week daw this year [ipapalabas].

“So, ibig sabihin, summer siya.

“And yung isa naman, Third Eye, sa February 19 na, horror naman siya.

“Then, yung pangatlo, mas late pa sa Let’s Take A Chance, kasi hindi pa kami nag-i-start mag-shooting.

“Malamang third quarter na yun.”

Wala pa bang offer ang GMA para sa bago niyang TV project?

Sabi ni Carla, “Well, ang dami ngayong sa primetime na hindi pa nga nagsisimula, e.

“Siyempre, hihintayin ko yung magsimula lahat, hihintayin ko yung matapos bago masimulan yung sa akin.

“Malamang, third quarter na rin yun this year.”

Hindi ba siya sanay na nagpapahinga?

Ayon kay Carla, “Sanay na.

“Nung nag-renew ako ng kontrata, mga nine months ang hinintay ko, e.

“Siyempre, once a year ang soap opera ko.

“So, at least, six months ang hihintayin in between soaps.

“So, more time for me to do movies and work on my endorsements.”

Ang huling teleserye ni Carla ay ang phenomenal hit na My Husband’s Lover.



TRAVEL PLANS. Yung binanggit niyang dalawang travels, personal ba ito?

“Yung isa, personal.

“Yung isa, work-related, para sa GMA yung isa… basta sa Amerika banda.

“Maganda yun, kasi mahilig akong mag-travel.

“At least, makakaikot ako ng ibang bansa.”

Kasama ba sa dalawang biyahe niyang ito ang kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isa lang. Kasi yung isa, work, e.

“Pero yung sa amin ni Geoff, Asia ‘yan, with his family. Kasama sina Gabby [Eigenmann, Geoff’s cousin].

“Recently lang namin naplano. So, excited kami, super!” saad ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN