Vina Morales posts intriguing quotations on Instagram

Makahulugan ang Instagram posts ng actress-singer na si Vina Morales nitong mga nakaraang araw. Nagkataon kasi na mainit na pinag-uusapan ngayon ang isyu ng pagkakasangkot ng kanyang dating karelasyon na si Cedric Lee sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.


Marami ang naiintriga sa Instagram posts ng actress-singer na si Vina Morales nitong nakalipas na dalawang araw.

Para sa mga regular na sumusubaybay kay Vina sa Instagram, alam nilang bihirang mag-post ng quotations sa kanyang timeline ang ASAP mainstay.

Kadalasan, mga larawan ng mga kaganapan sa kanyang personal at professional na buhay ang inilalagay niya rito.

Ngunit kahapon, Lunes, January 27, isang makahulugang quote ang ipinost niya sa Instagram (@vina_morales):

“No need for revenge. Just sit back & wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves & if you’re lucky, God will let you watch.”

May caption itong “God is great,” at hashtags na #quotes, #peace, #sotrue, #grabbedquotes.

Sinundan niya ito ng isa pang quotation:

“Sometimes, its best to stay QUIET. The silence can speak volumes without ever saying a word…”

May hashtags itong #quotes, #Silence, #prayer, #peace.

Ngayong araw, January 28, Martes, may isang Instagram post muli si Vina:

“My child, you worry too much. I’ve got this, remember? Love, God.”

Hashtags dito ang mga salitang #quotes, #God, #JesusChrist, #peace #love, at #prayer.



COINCIDENCE? Lunes, January 27, ay naging mainit na usapin ang paglantad ng negosyanteng si Cedric Lee upang sagutin ang mga paratang sa kanya ni Vhong Navarro.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee denies "extortion" allegation of Vhong Navarro’s camp: "I don’t need to resort to that kind of raket para kumita ng pera."

Ayon sa salaysay ni Vhong, isa si Cedric sa mga nambugbog sa kanya sa condo unit ng model na si Deniece Cornejo, sa Forbeswood Heights, Bonifacio Global City, noong January 22.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Si Cedric ay dating karelasyon ni Vina, kung saan mayroon siyang isang anak na babae.

Taong 2006 nang magkaroon ng relasyon sina Vina at Cedric.

April 25, 2009, isinilang ni Vina ang anak nila ni Cedric na si Ceana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit naging kumplikado ang kanilang relasyon hanggang sa tuluyan silang maghiwalay.

Read: Vina Morales neither confirms nor denies break-up with Cedric Lee

Noong Agosto 2013, inamin ni Vina sa panayam niya sa PEP na kasama siya sa mga miyembro ng “9262 Club.”

Ang “9262 Club” ay tumutukoy sa mga aktres na naghain ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violation Against Women and their Children Act sa kani-kanilang mga asawa.

Kabilang dito sina Kris Aquino (laban kay James Yap), Claudine Barretto (laban kay Raymart Santiago), at Sunshine Cruz (laban kay Cesar Montano).

Read: FIRST READ ON PEP: Vina Morales admits to being a member of "9262 Club"

Ngunit kinalaunan ay binawi ni Vina ang kanyang naging pahayag dahil gusto niyang manahimik na lang.

Kaya ang tanong ng marami: May kinalaman ba ang Instagram posts na ito sa kinasasangkutang isyu ni Cedric?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN