Rommel Padilla happy to see son Daniel getting on sweetly with Kathryn Bernardo

Tungkol sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nakikita raw ni Rommel Padilla ang anak na masaya ngayon. At hindi naman daw isinisikreto ni Daniel ang status ng personal life nito sa kanya. “Espesyal sa kanya si Kathryn at alam ko ’yon. Sinasabi naman niya at nakikita ko naman sa kanya,” pahayag ni Rommel.

Ang pagkakaroon daw ng malaking pamilya ang isang dahilan kung bakit napalaki ni Rommel Padilla ang kanyang mga anak na malapit sa isa’t isa kahit magkakaiba ang ina ng mga ito.

Anak ni Rommel ang sikat na young actor na si Daniel Padilla sa aktres na si Karla Estrada.

Sina Matt, RJ, at Roanna Padilla ay anak naman niya kay Annabelle Antonio.

Si Rommel naman ay may pitong kapatid, kabilang na sina Robin Padilla at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla).

"Ganun lang siguro na nakalakihan ko ang pagkakaroon namin ng malaking pamilya," saad ng 50-year-old actor nang makapanaym siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sa Ngalan ng Ama, ng Ina, at ng mga Anak, noong January 23, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Tampok sa pelikula ang karamihan ng miyembro ng Padilla family, sa pangunguna ni Robin.

Kasama rin sa cast ang tatlo sa mga anak ni Rommel na sina Daniel, Matt, at RJ.

Nagkaroon ba ng samaan ng loob ang kanyang mga anak dahil magkaiba sila ng mga ina?

Ayon kay Rommel, “Wala, siguro sa tulong din ng mga nanay nila.

"Wala kaming itinago sa mga anak namin.

"Tinutulungan din nila akong magpaliwanag na hindi lang sila ang mga anak namin.”

CENTER OF INTRIGUE. Sa kanyang mga anak, si Daniel ang pinakasikat at sentro ngayon ng mga intriga.

Sinasabi ngang lumaki na raw ang ulo at nagbago na ito. Ano ang masasabi ni Rommel dito?

“Alam mo, nung time na nagsisimula si DJ [palayaw ni Daniel]... mahiyain, laging nakayuko.

“Pero nung time na na-develop na niya yung self-confidence niya, nagkaroon ng mga followers, umangat konti yung dibdib, nagkaroon ng pakpak.

"Pero it doesn’t mean na yumabang na siya.

“Unang-una, likas naman sa mga Padilla yung mukhang mayabang.

"Pero hindi. Ganun pa rin siya, wala namang nabago sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tanging nabago lang ay oras. Doon kami bitin na bitin.

"Hindi kami halos nagkakaroon ng weekend bonding.”

Dugtong pa niya, "Hindi ako nahuhuli ng paliwanag at paalala sa kanya tungkol sa disiplina at pagmamahal sa trabaho.

"Yung blessing na dumarating, kailangang hawakan mabuti."

DANIEL’S GENEROSITY. Kilala ang mga Padilla sa pagiging mapagbigay, ganito rin ba si Daniel?

Sabi ni Rommel, “Oo, ganun din siya. Saka kilala rin naman si Karla na bukas-palad.”

Nakakatanggap na ba si Rommel ng mga biyaya mula kay Daniel ngayong malaki na ang kinikita nito sa pag-aartista?

“Ay, oo. Minsan magpapadala ’yan ng relo, sapatos, damit.

“Pero ang blessing ko, ganyang nagkaroon na sila ng mga hanapbuhay, yung hindi na ako nagbibigay ng allowance.

"Pero tuloy pa rin, ha? Kahit may mga trabaho na sila, tuloy pa rin. Oo!

“Inaabutan ko pa rin, ’O, panggasolina, anak.’

"Tinatanggap naman nila," kuwento ni Rommel.

Dahil hindi na masyadong active si Rommel sa pag-aartista, nausisa kung paano niya sinusuportahan financially ang kanyang mga anak.

Paliwanag niya, “Meron naman tayong hanapbuhay bukod sa nakakapag-artista pa tayo.

"Meron naman tayong sinasaka sa Nueva Ecija at meron akong franchise na konti diyan.”

Si Daniel naman, meron na bang kotseng ibinigay o iniregalo sa kanya?

“Wala pa, yung mama [Karla] na muna niya ang inuna namin, tutal meron naman ako.

"Sabi ko, ’Anak, huwag mo akong alalahanin.’

"Saka sinasabi ko sa kanya, laging mag-save.

"Kasi yung materyal, madali lang ’yan, e.

“Kagaya niyan, ang inuuna nila, yung bahay nila. Yung negosyo,” pagbibida ni Rommel.

ON DANIEL’S LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, ano ang ipinapayo ni Rommel kay Daniel?

“Naku, kailangang mas maging mature yung pagtingin nila sa mga bagay na ’yan.

"Kung magge-girlfriend, ganyan lang muna.

"Huwag muna yung magkaroon sila ng baby.

"Huwag munang magseryoso. Career muna.”

Tungkol naman sa pagiging malapit sa isa’t isa ni Daniel sa ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo, nakikita naman daw ni Rommel na masaya ngayon ang anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hangga’t nakikita kong masaya ang anak ko, kung sino man ang kapiling niya, okey sa akin.”

At hindi naman daw isinisikreto ni Daniel ang status ng lovelife nito sa kanya.

Ibig sabihin, inamin na ni Daniel ang tunay na namamagitan sa kanila ni Kathryn?

Napangiti muna si Rommel at saka sinabing, “Espesyal sa kanya si Kathryn, at alam ko ’yon.

"Sinasabi naman niya at nakikita ko naman sa kanya.”

Paano niya nakikitang masaya si Daniel?

“Kasi pag magkasama sila, hindi mo makikita yung pagod.

"Pero pag naghiwalay na yung mga yun, parang nahahapo [napapagod]."

Nasabi ba ni Daniel sa ama na masaya siya sa piling ni Kathryn?

“Wala namang ganong diretsong salita, pero makikita mo naman sa galaw,” sabi ni Rommel.

Nakita na rin daw ni Rommel ang stolen shot nina Daniel at Kathryn na magkahawak ang kamay habang natutulog sa magkatabing higaan.

Aniya, “Oo nga, nakita ko rin yun, natawa lang ako.”

Kinilig ba siya nang makita ang larawan nila?

“Oo, alam ko yung pakiramdam ng isang leading man kapag kasama mo ang isang leading lady mo.”

Sa tingin ba ni Rommel, ang pagiging sweet nina Daniel at Kathryn ay hindi lang gimik o pampakilig sa fans?

Sagot niya, “Hindi. Kasi pag artista ka, in a way, marerehistro naman yung normal at natural na galaw kaysa doon sa inaarte lang.”

Ibig sabihin ba nito ay totoo yung kina Daniel at Kathryn?

“Siguro!” tugon ng aktor at saka tumawa nang malakas.

“Gaya nga ng sinabi ko, sa mga kilos nila, para ngang espesyal ang isa’t isa sa kanila.”

Pero ina-advice pa rin daw ni Rommel kay Daniel na “dahan-dahan lang."

Paliwanag niya, "I-enjoy lang yung dapat i-enjoy.

"Kasi pag malalim, nagkakaroon ng masyadong hingian ng… like, bawal ito, bawal ’yan.

"Doon nasisira yung tamis ng pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas magandang i-enjoy muna kung anuman meron sila.”

Hindi pa rin daw nakita ni Rommel na nagkatampuhan sina Daniel at Kathryn.

“Hindi pa. Laging sweet, e!”

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN