Rommel Padilla on BB Gandanghari having a boyfriend: "Sana huwag muna."

Tutol man si Rommel Padilla sakaling magka-boyfriend ang kapatid nitong si BB Gandanghari, hindi naman daw ito hahantong sa pagtatakwil sa kapatid na dating kilala bilang Rustom Padilla.


Naninindigan ang Padilla brothers sa pagsasabing hindi nila kayang tanggapin kung sakaling magkaroon ng boyfriend ang kapatid nilang si BB Gandanghari.

Si BB ang bagong katauhan ng dating matinee idol na si Rustom Padilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rommel Padilla, ipinaliwanag nito kung bakit tila nakikialam sila sa personal na buhay ni BB.

Si Rommel ay nakakatandang kapatid nina Robin, Rustom, at Royette.

Saad niya, “Nasasabi lang namin sa kanya na sana huwag muna.

"Kasi kung binabase mo... hindi rin tago sa kanya na level ng spiritual ang usapan.

"Alam niya na doon lang magkakaroon ng problema.

“Ngayon, kung ano mang gawin namin na pagkontra sa kanya at sa lagi naming sinasabi, siya pa rin naman ang masusunod, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rommel noong January 23, sa grand presscon ng Sa Ngalan ng Ama, ng Ina, at ng Mga Anak, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



THE WORST THAT CAN HAPPEN. Kung sakaling magka-boyfriend si BB at matuloy ito sa kasalan, ano ang magiging reaction ng mga Padilla dito?

Napabuntung-hininga si Rommel bago nakasagot.

Matatandaang may ilang taong hindi nag-usap sina Robin at BB nang dumalo ang huli na nakasuot-pambabae sa isang gathering ng Padilla clan.

Saad ni Rommel, “Hindi naman siguro mangyayari yung magtatakwilan.

"Itatakwil si BB? Hindi naman siguro.

"Lagi kong sinasabi sa kanya, ’Tol, wala akong lakas ng loob na kalimutan ka, kasi kapatid kita.’

“Pero magkakaroon ng pagkakataon na mababawasan yung pagkikita.

"Mababawasan yung pagsasama.

"Kasi sa sarili pa lang ni BB, alam niya na magiging ganun ang resulta kapag ipinilit niya ang mga bagay na yun."

Bigla tuloy nausisa ni Rommel, “May boyfriend na ba siya?”

DIFFICULT SITUATION. Patuloy niyang paliwanag, “Alam mo, sa akin, yung kaligayahang may makasama sa buhay, alam ko ’yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkataon lang na talagang napakahirap ng katayuan niya.

“Sana na lang, matagpuan niya yung tunay na kaligayahan.”

Di ba, kasama sa gay rights ang pag-aasawa?

Pahayag ni Rommel, “Oo naman, hindi naman kami kontra o pinipigilan.

"Gaya ng sagot ni Robin sa pananaw niya, ayaw niya.

"At ako, sa sarili ko, sana huwag din.

“Pero kapag nakakita siya ng taong makakasama niya at alam niyang liligaya siya doon, siya rin ang magdedesisyon, e.

“Ang sa akin lang naman, ang gusto namin, lumigaya siya.

"At mapaganda ang takbo ng buhay niya.”


ACCEPTANCE. Nabuwag na nga ba ang dingding sa pagitan nina BB at Robin?

At kung maayos na ang takbo ng relasyon ng magkakapatid, nangangahulugan ba ito na hindi pa talaga nagpapa-sex change si BB?

Ito ay isa pang bagay na tinututulan ng kanilang pamilya.

Tumango lang at saka ngumiti si Rommel bilang pagsang-ayon sa tanong.

Saad niya, “Mahirap naman nung tanong... ako nga, lahat ng ikaliligaya niya, wala akong magagawa.

“Isa lang ang sinasabi ko, yung sa Itaas, ikaw na ang bahala doon.”

Isa raw si Rommel sa mga unang tumanggap ng tunay na katauhan ni BB.

“Oo. Alam niyo bang alaga ko ’yan? Magkasunod kasi kami, e.

"Sa eskuwelahan, sa bahay, binibihisan ko ’yan nung maliit ’yan.

"Ako ang nagbubuhat ng bag niya kasi ang payat niya nung Grade One.

"Mas malaki sa kanya ang bag niya.”

MOVIE FOR BB. Dapat ay kasama si BB sa Sa Ngalan ng Ama, ng Ina, at ng Mga Anak, pero hindi natuloy dahil sa hindi napagkasunduang role nito.

Kuwento ni Rommel, “Kasi gusto niya yung character niya ay isa ring gay.

"E, hindi puwede.

"Actually, nilaro pa namin ’yan ni Direk [Jon Villarin] para makagawa kami ng isang karakter [ayon sa gusto ni BB].

"Ipinaalam namin sa pamilya para hinog, pero parang hindi sila sang-ayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may naisulat na raw na script si Robin para kay BB na ipu-produce ng sarili niyang production outfit at ng Star Cinema.

Si Rommel, na prodyuser ng Sa Ngalan ng Ama, ng Ina at ng Mga Anak, ay magiging prodyuser din ng pelikula ni BB.

NOT IN HIS CONTROL. Okey din kay Rommel kung sakaling magkaroon siya ng baklang anak.

“E, hindi mo kasi maku-control, e.

"Maiiwasan siguro. Magkakaroon ka ng drive na huwag, iwasan mo.

"Pero pag nandun naman... ang dami kong pamangkin na ganyan sa mommy ni Rap-Rap, kay Annabelle.

"Meron siyang kapatid na yung anak niya, nagpa-sex change.

"Inaanak ko yun, pogi yun.

“Pagbalik galing Japan, nagulat ako. ’Si MJ ’yan, si Paopao.’

"’Ano?!!’ Yun ang naging reaksiyon ko. ’Wow, grabe!’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN