Matteo Guidicelli on status of relationship with Sarah Geronimo: "Gusto ko talaga sabihin, pero I don’t think it’s the right time."

Matteo Guidicelli on evading questions about his relationship with Sarah Geronimo: “Gusto ko lang malinaw ang lahat. Gusto ko lang clean ang lahat. I don’t want to disrespect anybody.”


“Mas masaya pa sa masaya,” ang paglalarawan ni Matteo Guidicelli nang tanungin kung gaano siya kasaya ngayon.

Sa press conference ng Biggest Loser Pinoy Edition Doubles kahapon ng tanghali, January 28, nabanggit ng mga kasamahan ni Matteo sa show na sina Iza Calzado at Robi Domingo ang kabutihan ng maging ka-partner sa workout ang kani-kanilang karelasyon.

Hindi naman makasagot si Matteo dahil bagamat may nagsasabi nang sila na ni Sarah Geronimo, hindi pa rin niya ito masabi nang diretso.

Sa halip, ang sagot niya: “Unang-una, never pa kaming nag-workout together.

“Siyempre, kung may partner kami sa buhay, mas gusto ko na magkasama kami sa workout, ma-influence ko siya sa fitness—mag-bike, mag-swim or kahit anong workout fitness.

“Siyempre, gusto ko rin na yung partner ko maging fit at maging sexy din.”

Dagdag pa niya, “As of now, my training is always with my coach and my father. He’s my partner for now.

“Wala pa akong partner na babae na kasama sa workout.”



STILL MUM ABOUT SARAH. Halata sa mga sagot ni Matteo ang pag-iwas sa mga sagot tungkol sa kanila ni Sarah.

Paulit-ulit lamang niyang sinasabi: “Basta masaya po ako.”

Nang tanungin kung in love siya, sinabi ng athlete/TV host/actor, “Next time na lang natin sagutin ‘yan.

“Basta inspired ako ngayon, masaya naman, walang problema.”

Sabi pa niya, “Gusto ko talagang sagutin ang tanong ninyo, pero hindi ko talaga masagot ngayon dahil maraming mga reasons.

“When the day comes… Gusto ko talaga sabihin, e, pero I just wanna respect other people also.

“I just wanna respect their families, my family, and everything.”



NOT YET THE RIGHT TIME. Para kay sa Galema actor, hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan ang kung anumang namamagitan sa kanila ng tinaguriang Popstar Princess.

Ani Matteo, “Gusto ko talaga sabihin, pero I don’t think it’s the right time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wanna respect whatever Sarah and I have.

“I wanna respect her family and my family. One day po.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung isa sa mga dahilan ng hindi pa niya pag-amin ay ang mga magulang ni Sarah, na kilala sa industriya na istrikto sa mga lalaking napapalapit sa kanilang anak na dalaga.

Ayon kay Matteo, “Hindi lang naman ‘yon.

“I don’t know. Basta in the right time, we’ll say.

“I don’t want to hide anything. I want to be honest naman with you guys.

“I guess we just wanna protect whatever Sarah and I have.

“I have to respect her side and my side.

"Basta may mga reasons kami na I can’t say.”

Dahil sa kanyang mga pahayag, tinanong ng media si Matteo kung kailan sa tingin niya ang tamang panahon upang sabihin ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Bahagyang natawa ang binata at sinabing, “I hope tomorrow, I hope now.

“You know, it’s not up to me, e.”

Dagdag pa niya, bago siya magsalita ng kung ano man, “Gusto ko lang malinaw ang lahat.

“Gusto ko lang clean ang lahat. I don’t want to disrespect anybody.”

Sa ngayon, nananatiling espesyal at inspirasyon para sa kanya si Sarah.



RESPECT FROM FANS. Samantala, hindi naman nababahala si Matteo na baka madismaya ang kani-kanilang mga tagahang ni Sarah sa pananatili nilang tahimik tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ayon kay Matteo, “It’s up to us. It’s us naman who will decide.

“I don’t think we’re stepping on anybody, as long as we respect everybody.

“That’s what I believe, e, as long as you respect people, they’ll respect you back.

“Respect is very important for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN