Cedric Lee refutes Vhong Navarro’s claim of sex-organ abuse: "Ang baboy naman nun para paglaruan namin."

Cedric Lee (right): "Hindi po ako tatakbo. Kung kailangan ako ma-convict para magtanggol sa isang nire-rape na babae, kung lumabas pa na kami ang masama at siya ang kinampihan ng batas at na-convict ako, then so be it."


Mariing pinabulaanan ng negosyanteng si Cedric Lee ang akusasyon ni Vhong Navarro na kinunan nila ng video ang sex organ ng komedyante, habang binababoy diumano ito, noong gabi ng January 22.

"Walang gumagalaw sa kanya.

"Lalaki po kami. Bakit namin gagalawin organ niya?

"Yun ang gusto niyang palabasin," pahayag ni Cedric sa panayam sa kanya nina Karen Davila at Vic Lima para sa programang Pasada Sais Trenta kahapon, January 28.

Inamin ng negosyante na kinunan niya ng video si Vhong, pero ang mukha lang daw nito.

Saad ni Cedric, "Ang tinutukoy niyang video ay nakarating na kami sa Southern Police District.

"Bago ko siya tinurnover sa police, kinuhanan ko ng video yung mukha niya.

"Para as an evidence, what state he is in, just in case he will decide to inflict more harm to himself para palabasin na kinawawa namin siya. May ebidensiya ako.”

Sinabi rin ni Cedric na ipinakita niya ang naturang video sa isang reporter ng GMA.

CCTV FOOTAGE. Ayon pa kay Cedric, ang isang video na maglilinis ng kanyang pangalan at ng kanyang mga kasamahan ay ang CCTV (closed-circuit television) ng Forbeswood Heights Condominium noong gabi ng insidente.

Aniya, ang naturang CCTV footage ay magpapatunay na naunang dumating si Vhong sa condo bago pa sila ng kanyang kapatid na si Bernice Lee at kaibigang si Zimmer Raz.

Saad niya, “Makikita niyo sa CCTV camera, nauna siya dun bago ako.

"Yung sinasabi niya na nandoon na ako, na may baril na ako pagpasok niya, hindi po totoo yun."

Nailabas na ng National Bureau of Investigation (NBI) kagabi ang mga kuha sa CCTV ng Forbeswood Heights kagabi, January 28, sa major national newscasts.

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage released by NBI

Sa tanong naman kung bakit hindi inimbestigahan ng mga guwardiya ng condo ang insidente, sinabi ni Cedric na sinabihan nila ang mga guwardiya tungkol sa diumano’y tangkang panggagahasa ng aktor at dadalhin na nila ito sa istasyon ng pulis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Nagtanong yung guard, sabi namin, ’Ito, nangre-rape. Dadalhin namin sa presinto.’

"Wala, ni-record nila. Makikita naman yun sa CCTV...

"Puwede naman sila sumama pero di sila sumama. Nag-stay lang sila.

"Siguro pakiramdam nila, hindi na nila trabaho yun."



NO REGRETS. Wala daw pinagsisisihan si Cedric tungkol sa mga pangyayari dahil tumulong lang daw siya sa isang kaibigan.

Saad niya, "Hindi po ako tatakbo.

"Kung kailangan ako ma-convict para magtanggol sa isang nire-rape na babae, kung lumabas pa na kami ang masama at siya ang kinampihan ng batas at na-convict ako, then so be it.”

Sa hiwalay na panayam kay Cedric sa Bandila kagabi, January 28, muli din nitong pinabulaanang binaboy nila ang ari ni Vhong.

Depensa pa nito, “Wala po, ang baboy naman niya. Ang baboy naman nun para paglaruan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN