Kim Chiu surprised by box-office success of Bride For Rent

“Meron daw [pelikulang gagawin] simula ng third quarter ng taon. Sobrang masaya and sobrang thankful na binigyan kami ng kasunod,” says Kim Chiu about her next movie project with Xian Lim.

Kim and Xian will work separately for a while. Kim will be joining the cast of Ikaw Lamang, ABS-CBN’s upcoming epic drama starring Coco Martin, Julia Montes, and Jake Cuenca.


Hindi napigilan ni Kim Chiu ang mapaluha habang nagpapasalamat sa tagumpay na nakamit ng bagong pelikula nila ni Xian Lim, ang Bride For Rent.

Sa thanksgiving party na inihanda ng Star Cinema kagabi, January 29, para sa cast and crew ng pelikula, naiyak si Kim dahil hindi raw niya inasahang umabot na sa P280 million (base sa report ng Star Cinema) ang kinita ng Bride For Rent kahit hindi pa tapos ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

“One hundred million lang, okay na ako, e. I’m so happy,” sabi ng Kapamilya actress.

Biro pa niya, “Makaka-P300 [million], puro kalokohan lang naman ang ginawa namin!

“Nakakatuwa, pero nakakaiyak sa saya.

“Nakakaiyak sa sobrang saya at sobrang pagtanggap ng mga tao sa amin.

"Sobra kaming thankful.”

Bukod sa executives ng Star Cinema at Star Magic, pinasalamatan din ni Kim ang mga taong nakatrabaho niya habang ginagawa ang pelikula.

Lahad niya, “Ang saya ng set namin, nakakatuwa.

“Ang saya lang na lahat ng tao, positive lang yung labas every day.

“Kahit araw-araw kaming nagtatrabaho, kahit wala kaming bakasyon sa holiday, okay lang.

"Basta alam namin na may maganda kaming pelikulang nabibigay sa mga tao."

Mas tumindi ang pag-iyak ni Kim nang magpasalamat siya sa kanyang yumaong ina.

“Of course, thank you sa mama ko, kung nasaan man siya ngayon.

“Kasi alam ko na gina-guide niya ako simula nang mawala siya.

"Yung Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo [2013], maganda yung tanggap ng tao.

“Tapos ito ulit, mas dumoble. Thank you, Mama.”

Ginagawa noon nina Kim at Xian ang unang pelikula pinagsamahan nila, ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo, nang pumanaw ang ina ng aktres.

Read: Kim Chiu still coping after mom’s death



TEMPORARY SEPARATION. Sa naturang thanksgiving party, nabanggit na rin nina Kim at Xian ang pansamantala nilang paghihiwalay bilang magka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Lunes, January 28, lumabas ang balita na si Kim ay gagawa ng teleserye kasama sina Coco Martin, Julia Montes, at Jake Cuenca.

Aminado si Kim na malungkot siya sa pagbabagong mangyayari sa onscreen partnership nila ni Xian.

Gayunman, aniya, “It’s a management decision pa rin.

“Siyempre, sila ang mas nakakaalam kaysa sa amin ni Xian.”

Sa kabila nito, hindi naman daw dapat mag-alala ang fans nila ni Xian dahil magkakasama pa rin sila sa ibang proyekto.

Kagabi, inanunsiyo ni Star Cinema managing director Malou Santos na magsisimulang gumawa muli ng pelikula sina Kim at Xian sa third quarter ngayong taon.

Dahil dito, sabi ni Kim, “Hopefully, sa upcoming movie namin ni Xian ay ganun rin ang suportang ibibigay nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN