Xian Lim-Kim Chiu loveteam to take a break until third quarter of 2014

Labis-labis ang pasasalamat ni Xian Lim dahil sa malaking tagumpay ng bago nilang pelikula ni Kim Chiu, ang Bride For Rent. Pahayag ng Kapamilya actor, "That only means we did a good job, and it feels great. Yung pagod namin, yung mga paghihirap namin, nakita naman ng tao at naramdaman nila."


Pagkatapos ng matagumpay nilang pelikulang Bride For Rent, sinabi ni Xian Lim na pansamantala munang magpapahinga ang tambalan nila ni Kim Chiu.

May balita kasing sa susunod na teleserye ni Kim ay si Coco Martin na ang makakatambal ng young actress.

Pero tiniyak naman ni Xian na hindi matatapos ang 2014 na hindi sila muling magsasama sa isang proyekto ni Kim.

Pahayag ng young actor, “Huwag maiinip siyempre.

“I know a lot of people are sad, a lot of people have been bombarding in social media.

“They should not lose hope dahil sa third quarter, in-announce naman ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], mag-i-start po kami ng movie.

“So, huwag silang mawalan ng pag-asa, nandiyan pa po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa victory party ng Bride For Rent kagabi, January 29, sa 9501 restaurant ng ELJ Bldg, sa loob ng ABS-CBN compound.



BLOCKBUSTER MOVIE. Sa speech ni Xian kagabi, nabanggit nitong sa kabila ng pamamahinga ng tambalan nila ni Kim ay maganada ang kanilang iiwan dahil certified blockbuster ang Bride For Rent.

Sa kasalukuyan, ayon sa Star Cinema, umabot na raw ng 280 million ang kinita ng pelikula.

Labis-labis nga ang pasasalamat ng Kapamilya star sa mga nanood ng kanilang pelikula.

Pahayag ni Xian, “That only means we did a good job, and it feels great.

“Yung pagod namin, yung mga paghihirap namin, nakita naman ng tao at naramdaman nila.

“Siyempre ilang days lang, umabot na yung numbers ng ganun.

“So, maraming salamat sa lahat ng nanood at sumuporta dahil kung hindi dahil sa kanila, walang ganito.

“Salamat sa lahat ng nanood dahil hindi lang yung mga fans, yung mga normal na tao, talagang napapunta sila sinehan ngayon, and they watched it over and over.

“So, maraming salamat sa kanila.

“Nakikita ko ang mga comments nila, talaga raw maraming lessons learned...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, laking pasasalamat din namin sa Star Cinema.

“Habang nanonood kami sa mga sinehan—siyempre may mga screenings kaming pinupuntahan—nakikita namin yung reaction ng mga tao—how they laughed, how they cried, yung roller-coaster ng emotions nila.

“It’s really worth ng pagod ng ginawa namin.

“Nasakyan ng mga tao, tinanggap ng puso nila, so ayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN