Jodi Sta. Maria on annulment of marriage to Pampi Lacson: "I will speak about it in time."

Ayon kay Jodi Sta. Maria, bagamat walong taong gulang pa lamang ang anak niyang si Thirdy ay alam na nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Paliwanag ng aktres, "He’s a very smart kid. Kumbaga, not a single moment that I underestimated his knowledge about things. Basta ang ginagawa ko lang, I explain. Whenever he asks, I explain. But I never get into details in our conversation."


Maingat pa rin si Jodi Sta. Maria sa pagsasalita kaugnay ng balitang naaprubahan na ang annulment ng kasal nila ni Pampi Lacson, ang ama ng kanyang anak na si Thirdy.

Sa contract signing ng Kapamilya actress bilang pinakabagong endorser ng Flawless noong January 28, hindi pa rin siya nagbigay ng direktang pahayag tungkol dito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

Sabi niya, “I will speak about it in time.

“I will grant an interview with regards to my annulment.

“Ayaw naman nating pangunahan ang kahit na anong korte, so mas maganda na rin to wait in time.”



BETTER RELATIONSHIP. Kung may maganda man daw sa nangyayari ngayon, ayon kay Jodi, ito ay maayos na ang relasyon at komunikasyon niya kay Pampi at maging sa karelasyon nitong si Iwa Moto.

Sabi ni Jodi, “Kumbaga, ngayon, maayos na lahat.

“Hindi lang naman para sa amin, but most especially for Thirdy.

“Kasi siyempre, mahirap na lumalaki siya na magulo ang paligid niya. Kailangan din talaga na maging maayos ang lahat.

“It doesn’t matter kung sino ang naunang magpakumbaba, ang importante, maayos na ang lahat ngayon.”

May komunikasyon na sila ni Iwa?

“We don’t regularly communicate. Pero kumbaga, plantsado na.

“Yun naman ang pinakaimportante dun,” saad ng Be Careful With My Heart actress.

May anak na si Iwa kay Pampi—ang four-month-old na si Eve.

Hindi pa raw nakikita nang personal ni Jodi ang anak nina Pampi at Iwa, pero nakikita na niya ang mga larawan nito dahil kay Thirdy.

Tuwang-tuwa naman daw ang anak ni Jodi sa pagiging kuya nito.

“And I constantly remind him na palagi siyang maging good boy at maging good kuya sa baby sister niya.”

Ano naman ang mga natutuklasan niya sa anak ngayong kuya na ito?

Sabi ni Jodi, “Ay, he’s very malambing. Palaging nakadikit doon sa kanyang baby sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, ikinukuwento niya na, ‘Mommy, yung baby sister ko, kapag nag-cry, may tears na.’

“Nagkukuwento naman yung bata… nakakatuwa.”

Walong taon na raw ngayon si Thirdy kaya alam na nito ang mga nangyayari sa paligid niya.

Sabi pa ni Jodi, “He’s a very smart kid.

“Kumbaga, not a single moment that I underestimated his knowledge about things.

“Basta ang ginagawa ko lang, I explain. Whenever he asks, I explain.

“But I never get into details in our conversation.

“Yun na lang ang ginagawa ko.

“Kasi, yun naman talaga ang kailangan ng mga bata, i-explain mo lang sa kanila nang i-explain ang mga bagay-bagay truthfully.”

Pagdating naman kay Pampi, alam daw ni Jodi na mahal na mahal nito ang kanilang anak.

“Kaya hindi ako kailangan mag-worry… hindi naman siya nagkulang.

“Kapag kailangan siya sa school, nagpupunta siya.

“Wala naman siyang pagkukulang sa ganoong aspeto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN