Jodi Sta. Maria shrugs off pregnancy rumor: “Hinayaan ko na lang, kasi hindi naman totoo.”

Jodi Sta. Maria on political issue involving the Revilla family: "Alam ko na alam naman nila na, kumbaga, kasama nila ako sa pagdarasal. Ipinagdarasal ko ang family nila. Kasi, alam ko na wala rin naman akong magagawa. And, I think, that’s the least na puwede kong maibigay sa kanila or gawin sa kanila, is to pray for their family na malagpasan nila itong trial na ito sa kanilang buhay. Basta ako naman, nandito lang ako."


Kamakailan ay napabalitang buntis diumano ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.

Pero mabilis itong nilinaw ni Jolo sa Twitter, at sinabing walang katotohanan na nagdadalang-tao ang aktres.

Read: Jolo Revilla denies girlfriend Jodi Sta. Maria is pregnant

Ano ang naramdaman ni Jodi sa maagap na paglilinaw ni Jolo?

Tugon ng aktres, “Well, hindi ko sasabihin na… well, hindi naman din ako masyadong nagulat when it came out.

“Di ba, hinayaan ko na lang?

“Maybe it’s because kasi, yung mga tao, parang naa-associate nila yung nangyayari sa real life ko doon sa character ni Maya.”

“Maya” ang pangalan ng karakter ni Jodi sa long-running daytime series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Patuloy niya, “Kasi, di ba, one time, when I got sick, parang in-incorporate sa story yung character ko nagkasakit din?

“I think, na-confuse lang ang iba.

“Hinayaan ko na lang, kasi hindi naman totoo.”

Pero natuwa raw si Jodi sa ginawang paglilinaw agad ni Jolo, na nanunungkulan ngayon bilang vice governor ng Cavite.

Saad ni Jodi, “Well, at least, nakakatuwa naman yung gesture na ginawa niya para, once and for all, malagyan ng tuldok yung isyu nga tungkol sa pregnancy.

“Nagulat din naman ako from nowhere, tinatanong na ako sa Twitter kung buntis nga raw ako.

“Na sinagot ko naman ng, ‘No, I’m not.’”



THIRDY-JOLO RELATIONSHIP. Ayon kay Jodi, alam ng kanyang anak na si Thirdy kung sino si Jolo sa buhay nilang mag-ina.

Sabi niya, “Tito niya, kasi siyempre, umpisa pa lang, kailangan mo nang i-draw ang line kung sino ang mga tao na papasok sa buhay ng anak mo, di ba?

“And I don’t want to confuse him kung sino ang daddy niya at sino pa ang other person sa buhay niya.

“Kumbaga, klaro yun sa kanya kung sino si Jolo sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon bang tumatayo ring ama si Jolo ng anak niya?

“Actually, hindi ko puwedeng sabihin na si Jolo ay tumatayong ama dahil physically present si Pampi [Lacson, Jodi’s estranged husband].

“And I don’t want to cause any disrespect on his side,” sagot ni Jodi.



RELATIONSHIP WITH JOLO. Samantala, hanggang ngayon ay matipid pa rin ang mga salita ni Jodi tungkol sa relasyon nila ni Jolo.

Paliwanag ng aktres dito, “Alam niyo kasi, siguro sa mangilan-ngilang pagkakataon kapag nagkakasama tayo, alam niyo naman na pagdating sa mga personal na bagay sa buhay ko, I just want to keep something para sa sarili ko.

“Na alam ko naman na naiintindihan ninyo.”

Natawa naman si Jodi nang tanungin kung ano lang ang kaya niyang ibahagi sa relasyon nila ni Jolo.

Saad niya, “Basta ang masasabi ko lang, we’re taking things slow.

“Hindi kami nagmamadali sa kahit na ano.

“Ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami.”

Kung lumabas na ang desisyon sa annulment ng kasal nila ni Pampi, handa na ba si Jodi na muling magpakasal?

“Ay, hindi, kasal na agad? Sobra naman yun!” natatawang sabi niya.

Alam ba ni Jolo na hindi pa siya handang pakasal kung sakaling mapawalang-bisa na ang una niyang kasal?

Sagot ni Jodi, “Basta kami, open kami ni Jolo kung ano ang mga goals, aspiration namin sa buhay.

“So, yung mga kasal-kasal na ‘yan, kumbaga, wala pa muna yun.”

Handa namang maghintay si Jolo?

“Siya na lang ang tanungin niyo. Baka mamaya, iba ang isagot niya, mapapahiya ako!” tawa niya.

Dagdag ni Jodi, “Pero ako, hindi pa talaga.

“Especially now, ayokong sayangin ang mga oportunidad na dumarating sa akin ngayon, especially sa career ko.

“And, alam naman niya yun.”



SUPPORT FOR REVILLA FAMILY. Ngayong may pinagdadaanang kontrobersiya ang pamilya Revilla, dahil sa pagkakadawit ng pangalan ng ama ni Jolo na si Senator Bong Revilla sa pork barrel scam, sinabi ni Jodi na nakasuporta siya sa pamilya ng kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Alam ko na alam naman nila na, kumbaga, kasama nila ako sa pagdarasal.

“Ipinagdarasal ko ang family nila. Kasi, alam ko na wala rin naman akong magagawa.

“And, I think, that’s the least na puwede kong maibigay sa kanila or gawin sa kanila, is to pray for their family na malagpasan nila itong trial na ito sa kanilang buhay.

“Basta ako naman, nandito lang ako.

“Kung kailangan niya [Jolo] ng mahihingahan o masasabihan ng saloobin niya, yun... I will lend him my ears.”

Umiyak na ba sa kanya si Jolo?

“Hindi mo naman maiaalis sa isang tao na maging emosyunal, lalo na kung may malaking bagay na pinagdadaanan,” sagot ni Jodi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN