Andre Paras moves on from controversies caused by estranged relationship with biological mom Jackie Forster

Aminado si Andre Paras na isa siyang "mother-father’s boy." Sabi niya, "I’m always home talking to them na kahit busy or tulog, ginigising ko. I just want to be with them. Sobra kasing importante ang family and you never know when is the last goodbye, e. So, you just want to be with them."

This photo: Andre Paras (far right) with co-MTV Pinoy video jocks Josh Padilla, Sam Pinto, and Yassi Pressman.


"I think I’m more mature now, I have moved on, and I’m stronger."

Ito ang sagot ni Andre Paras nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang emosyon ngayon pagkatapos ng maraming intriga na pinagdaanan ng kanilang pamilya noong 2013.

Si Andre ang panganay na anak ng komedyante at dating PBA player na si Benjie Paras at ng dating aktres na si Jackie Forster.

Noong 2013 ay naging malaking isyu ang pagmamatigas ni Andre at ng kapatid niyang si Kobe Paras na makipag-usap at makipag-ugnayang muli sa kanilang estranged mother na si Jackie.

Dahil dito ay umani ng batikos ang magkapatid, pati na ang kanilang amang si Benjie at stepmother na si Lyxen Dimaampo.

Read: Jackie Forster reacts to Startalk interview of her children with Benjie Paras: "I may have to reveal a little more that will devastate those people trying to ruin me."

Sabi pa ng six-footer na basketbolista tungkol sa isyung kinasangkutan, "Kinaya ko naman lahat.

"Akala ko that’s the end. Bago pa lang ako [sa showbiz], tapos ganun na kaagad.

"This time, I have moved on and I enjoy what I love to do.

"Any kind of intriga po ay naka-move na rin."

Nang tanungin kung naibigay na ba nilang magkapatid ang "forgiveness" na hinihingi ng kanilang ina ay umiwas nang magsalita ni Andre.

Aniya, "It’s between us lang... it’s between us. That’s all I can say now.

"Kami ni Kobe, we’re just enjoying.

"I really like the idea of social media and I got used to it.

"I just enjoy it, like the tweeting stuff."

Maging ang isyu tungkol sa kanyang dalawang ina—sina Jackie at Lyxen—ay tumanggi nang magbigay ng pahayag si Andre.

Paliwanag niya, "It’s really between us na lang.

"I don’t wanna answer questons like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s between us... I don’t wanna media to be talking more about it.

"Whatever happens, it’s between us.

"If we’re happy, we’re happy."

Nakausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Andre sa press launch ng MTV Pinoy noong Miyerkules, January 29, sa The Library, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

Bukod sa pagiging miyembro ng koponang U.P. Maroons ay isa rin si Andre sa video jocks ng MTV Pinoy, na magsisimula na sa February 14.

Makakasama niya rito sina Sam Pinto, Yassi Pressman, at Josh Padilla.

LIVING INDEPENDENTLY. Ngayong 18 years old na siya, wala ba siyang balak bumukod at mag-solo na?

Sagot ni Andre, "No, no... I want to live with my parents.

"Actually, yun ang kakaiba sa culture natin, ’no. I’m actually more of a mother-father’s boy.

"I’m always home talking to them na kahit busy or tulog, ginigising ko. I just want to be with them.

"Sobra kasing importante ang family and you never know when is the last goodbye, e.

"So, you just want to be with them."

Dugtong pa niya, "Sa pagiging eighteen, I can always go to bars.

"Yun nga lang, hindi ako gumigimik... no thrill.

"Pero I feel more mature... people respect me more."

NO GIRLFRIEND. Part din ng growing up ang pagkakaroon ng girlriend. Pero inamin ni Andre na hanggang ngayon ay hindi pa niya nararanasang magkaroon ng kasintahan.

Pero aniya, "I want to have a relationship.

"Iniisip ko rin na I’m lonely... ang lonely nga kapag wala kang relationship.

"Pero naiisip ko rin na, ’Hello, ang [hectic] ng schedule namin.’

"Meron akong crush, pero strict ang parents ko," pagbibiro pa niya.

Isa raw si Solenn Heussaff sa showbiz crushes ni Andre.

Nangingiting sabi ng MTV Pinoy VJ, "Pero kay Kobe na lang siya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang crush lang, kasi kapag relationship, mahirap yun.

"If have time, I will."

Sino pa ang ibang mga crush niya?

"Yung ibang crush ko? I can say Yassi [Pressman], kasi lagi ko siyang kasama.

"Like si Jennylyn [Mercado] din, si Heart [Evangelista], si Iza [Calzado]... everyone naman.

"Pero wala akong intensiyon na ligawan, wala," diin niya.

Ano naman ang naughtiest thing na nagawa niya bilang isang teenager?

Natatawang sagot niya, "I think the naughtiest thing na nagawa ko is running around the house na naka-brief lang.

"Wala, yun lang... nothing naughty.

"I’m always home. I always follow [house] rules."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN