Teejay Marquez resumes work one week after his father’s passing

Teejay Marquez on doing a horror film: "Napakita ko yung ginagawa ko pag nanonood ako ng pelikulang horror. Kasi, gustung-gusto ko yung mga reaction and kung paano nagiging gross. Tsaka nagugustuhan ng mga tao kapag nakikita nilang maganda yung performance mo na nakakatakot talaga."


"Life goes on" para sa young actor na si Teejay Marquez dahil kahit kamamatay lamang ng kanyang ama ay dumalo pa rin siya sa presscon ng bagong pelikula ng GMA Films, ang Basement, noong January 23.

Yumao ang ama ni Teejay na si Manuel Madrilejo noong January 17, sa edad na 45, dahil sa sikat na liver cirrhosis.

Read: Teejay Marquez’s father passes away

Hindi ba mahirap na nagtatrabaho na agad siya kahit kamamatay lang ng kanyang ama? Lalo na’t bago ang presscon ng Basement ay kagagaling niya sa taping ng gag show na Bubble Gang.

Saad ni Teejay, “Opo, actually maganda naman, hindi naman po masyadong comedy, kasi parang promo lang for Basement [yung guest appearance sa Bubble Gang].

“Pero iyon nga rin po, committed na rin po kasi before pa mangyari iyon, tsaka biglaan po talaga yung nangyari sa daddy ko. Hindi ko ini-expect.”

BASEMENT. Sa Basement ay gumaganap si Teejay bilang isang drug addict.

Ito ang unang mainstream na pelikula ni Teejay.

Puro indie movies kasi ang mga nagawa na niya, gaya ng Pagari, Tweet Ni Florante at Laura, at Chasing Boulevard.

Ito rin ang unang horror movie ni Teejay.

May encounter ba sila sa manananggal o aswang sa Basement?

“Wala po. Kasi maganda yung role, kaso nga lang, siguro dahil masama yung role, may karma!” at natawa si Teejay.

“Namatay ako sa sarili ko yata.

"I think may moment na parang i-expect mong magugulo, e. Kasi kailangan may magulo, e.

"Hindi mo alam kung nakain ba siya ng aswang o nakain ba ng normal na tao.

“So, may mga ganung twist."

Ano ang pakiramdam na mapasali sa isang nakakatakot na pelikula?

“Actually, ano na, palapit na nang palapit sa... alam mo yung, gusto ko kasi ng horror-slasher movie, e.

"Pero eto rin kasi, may pagkaganun, kaya happy na ako na mapabilang ako sa ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakita ko yung ginagawa ko pag nanonood ako ng pelikulang horror.

“Kasi, gustung-gusto ko yung mga reaction and kung paano nagiging gross.

"Tsaka nagugustuhan ng mga tao kapag nakikita nilang maganda yung performance mo na nakakatakot talaga.”


Huling napanood sa telebisyon si Teejay sa teleseryeng Pyra ng GMA.

Kaya asam niya, “So, sana po itong Ferbruary, meron na po.”



NO GIRLFRIEND YET. Walang girlfriend si Teejay, kaya tuloy nakukuwesityon ang kanyang pagkalalaki.

Natatawang sabi niya tungkol dito, “Iyon nga po, iyon nga!

“Siguro, I think, meron kasing ano, e, may tinatawag na... paano ba ito, nag-e-enjoy ako nang single.

“Nag-e-enjoy ako na single. Pero pag dumating, darating.”

May crush naman daw na female celebrities si Teejay.

“Sina Yassi [Pressman], sina Joyce [Ching],” banggit niya.

Parehong kaka-break lang nina Yassi at Joyce sa kanilang mga boyfriend na sina Sef Cadayona at Kristoffer Martin, respectively.

So, may pag-asang ligawan ni Teejay alinman sa dalawa?

Sagot niya, “Ang problema, kaka-break up lang naman, baka naman isipin, sinasamantala ko.

“And nag-uusap naman kami sa mga group chats namin na iwas muna sila.”

Kaibigan din daw niya sina Sef at Kristoffer.

“Pero marami naman sa labas, pero dahil ngayon po, medyo focused ako dahil gusto ko talagang maging stable bago ako mag-lovelife.”

Crush din daw ni Teejay sina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at Heart Evangelista.

Paano kung ma-trap sila ni Jennylyn sa isang basement?

“Well, makikipagkuwentuhan ako, wala siyang choice, di ba?

“So, hindi ko naman ini-expect na ma-in love siya sa akin pero…”

Open daw si Teejay na makipagrelasyon sa isang babaeng may anak na.

“Kung si Jennylyn Mercado yun, oo naman!” bulalas niya.

Papayag siyang maging stepfather ng anak ni Jennylyn?

Sagot ni Teejay, “Kung capable naman ako, oo naman! Kung kaya ko naman.”

Na siya na ang kikilalaning ama?

“Yeah! Puwede, si Jennylyn yun, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN