Sam Pinto on going sexy in movies: "If I will go daring, it will be between Cristine Reyes and Anne Curtis."

Sam Pinto on being sexy: "Ako kasi, hindi ako yung typical na sexy, e. Hindi ako yung voluptuous na vavavoom. Very model-like ang body ko, na very straight and very long, something na very different. Ganun."


Angkin ni Sam Pinto ang sex appeal at kaseksihan ng isang babae na inaabangan ng maraming kalalakihan.

Kaya naman marami rin ang nag-aabang sa pagiging mas daring niya sa pelikula, hindi lamang sa pagpu-pose sa men’s magazines, tulad ng FHM.

Si Sam ay kinilala bilang FHM Philippines’ Sexiest Woman in the World sa taong 2011 at 2012.

Natatawang saad ng 24-year-old actress-model," Naku, todo-workshop muna ako niyan!

"Paghahandaan ko ’yan. Hindi ko alam.

"But if I will go daring, it will be between Cristine Reyes and Anne Curtis.

"Hindi ko kayang yung sobrang Cristine Reyes...

"Yung Anne, medyo kaya ko pa, so papunta dun."

Paano kung may isang tempting offer sa kanya na lampasan ang pagiging daring nina Cristine at Anne, tatanggapin ba niya ito?

Nag-aalangang sagot ni Sam, "For me, if it goes to that level, feel ko ay hindi ko kaya, especially with my mom. I’m sure hind yun papayag.

"So if it comes, no talaga."

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media si Sam sa presscon ng MTV Pinoy noong January 29, Miyerkules, sa The Library, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

DESIRABLE WOMAN. Sa pagiging isa sa most desirable women niya sa Pilipinas, ano ang masasabi ni Sam?

Parang nahihiyang pahayag niya, "Parang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ako kasi, hindi ako yung typical na sexy, e. Hindi ako yung voluptuous na vavavoom.

"Very model-like ang body ko, na very straight and very long, something na very different. Ganun."

Advantage daw sa kanya ang ganitong pigura.

"For one, I wear what I want na hindi mukhang malaswa.

"I can walk in tiny clothes and okay lang."



BUSINESSMAN BOYFRIEND. Samantala, marami rin ang mga lalaking madidismaya kapag nalaman nilang mayroong boyfriend ngayon si Sam na ayaw niyang pangalanan.

"Meron, non-showbiz. Isa siyang businessman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Few months pa lang kami.

"Na-meet ko sa common friends, pero we’ve been friends bago naging kami.

"And then, mga six months pa lang ata kami.

"Bagets pa naman siya, mga nasa 30s," paglalarawan niya sa boyfriend.

Kumusta namin ang kanilang relationship?

Nakangiting sabi ni Sam, "Happy naman.

"At least, very quiet ang buhay ko ngayon, kasi busy rin naman siya.

"He is in that age na medyo mature na, kaya okay.

"Gusto ko kasi ako ang inaalagaan, ayaw kong ako ang nag-aalaga."

Pagdating naman sa career ni Sam, hindi naman daw nakikialam ang kanyang boyfriend.

"Alam naman niya na trabaho ko ito, so I do what I do.

"Sometimes... of course, non-showbiz siya, kaya minsan nahihirapan siya...

"Halimbawa, kung merong ganyang scene o ganito ang pose ko sa magazine, I just talk to him about it.

"So, it’s part of the relationship."

THE BIG BREAK. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin daw si Sam ng kanyang malaking break sa showbiz.

Aniya, "I guess the right project will come at the right time.

"Right now kasi, I’m working on my acting, dancing, hosting.. lahat na, para kapag nandiyan na ay ready na talaga ako.

"I can’t do anything naman."

Wala raw sa hinagap ni Sam na mapipili siya bilang isa sa video jockeys (VJs) ng MTV Pinoy, na muling mag-eere simula sa February 14.

Makakasama niya rito sina Andre Paras, Yassi Pressman, at Josh Padilla.

Biro nga niya, "Hindi naman ako madaldal! Todo-workshop ’to.

"Di ko nga alam kung bakit ako isinama rito!

"But before MTV, I was doing this show in Viva Channel, it’s caled Daily Top 10. Music din siya, pero for Viva nga siya.

"Kaya medyo may training na rin bago ako... effort talaga nang sobra. Nalulurkey ako!"

Dugtong pa ni Sam, "Pero mas okay na ako sa ngayon sa pagta-Tagalog compared before, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo mas straight na akong nakakapagsalita ng Tagalog.

"At times, hirap pa rin, lalo na yung ibang words na hindi ako familiar, pero I’m doing my best to really learn it."

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na sa pagbi-VJ na lang siya magku-concentrate.

Sabi pa ng Viva contract artist, "Movies? Sabi ng Viva meron daw, pero hindi pa nila sinasabi sa akin kung ano.

"Yung acting, plano kong mag-aral soon... somewhere over the rainbow, not in the Philippines.

"Diyan pa rin ang modelling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN