Max Collins admits to going out with Pancho Magno; describes lovelife as "happy and quiet"

Dapat ay kasama si Max Collins sa bagong primetime series ng GMA na Carmela, kung saan gaganap sana siya bilang kapatid ni Marian Rivera. Pero inalis siya sa cast nito upang gumanap na bida sa upcoming afternoon sopa na Innamorata.


“Happy and quiet!”

Ito ang natatawang sagot ng Kapuso actress na si Max Collins nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng kanyang lovelife.

Ibig sabihin, mayroong nagpapasaya sa kanya ngayon?

“Matagal naman na akong happy and quiet,” ngiti niya.

Diretsahan naming tinanong si Max kung ang nagpapasaya ba sa kanya ngayon ay ang kapwa niya Kapuso na si Pancho Magno, lalo’t madalas nakikitang magkasama sila.

Sagot ng 21-year-old actress, “We’re both happy... separately.”

Pero ano ang real score sa kanilang dalawa?

“Hindi, hindi... minsan lumalabas kami.”

Exclusive dating na ba sila?

“No, wala pa kami sa ganun,” tanggi ni Max.

Noon pa man kasi ay very vocal na si Pancho sa pagsasabing crush niya si Max.

Kung ganitong madalas na silang magkasama at nagiging malapit sa isa’t isa, tila nagtagumpay ang Kapuso hunk na mapalapit sa kanya?

Sagot dito ni Max, “Nakilala ko naman siya overtime, and ever since I got to know him, mas naging close kami.

“Mabait naman siya. He’s a very nice person and sobrang bait niya.

"And he has the qualities of someone that I would like to be with.

“Pero like I’ve said, sa ngayon, ayoko munang makipagrelasyon. Work muna talaga ako.”

INNAMORATA. Dapat pala ay kasama si Max sa bagong primetime series ng GMA na Carmela, kung saan gaganap sana siya bilang kapatid ni Marian Rivera.

Naka-attend pa nga raw siya noon sa story conference, pero bigla na lang siyang inalis sa cast.

Iyon pala ay siya ang gagawin bida sa upcoming afternoon soap ng Kapuso network, ang Innamorata.

Kuwento ni Max, "Noong una, nalungkot ako.

"Sabi naman nila, may ibang project daw po para sa akin.

“Tapos ngayong may magandang project, sobrang happy na ako, sobrang blessed na.

"Pero noong una, nalungkot ako, kasi nawalan ako ng trabaho at marami akong babayaran.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa naman daw kasi sinabi noon ng manager niyang si Perry Lansigan kung anong show ang gagawin niya.

“Sabi lang ng management ko, may ibang project na ibibigay sa akin, pero hindi ko alam kung ano.

“Hindi ko alam kung anong character, anong kuwento. Wala muna silang sinabi.

"Kaya parang surprise noong sinabi nila na ito ngang Innamorata.”

BIG BREAK IN SHOWBIZ. Dahil sa panibagong lead role na ibinigay sa kanya, ibig sabihin lang nito ay malaki ang tiwala sa kanya ng Kapuso network.

Mula kasi noong lumipat siya mula sa ABS-CBN ay magagandang roles ang ipinagkakatiwala sa kanya.

Sabi naman ni Max tungkol dito, “I’m very blessed sa GMA.

"Mula po nang lumipat ako sa GMA, I’m very blessed sa mga projects na ibinigay nila sa akin, sa mga roles.

"At napaka-thankful ko po, grateful na pinagkakatiwalaan nila ako with this project, lalo na napakaganda ng kuwento ng Innamorata.

“Napi-pressure ako, but I’m excited.”

Gaano kabigat ang pressure na nararamdaman niya?

“Yes, I feel very pressured right now, but in a good way.

"Kasi, excited ako. Halos lahat kami ng co-actors, we keep working together to give our best and produce a very nice show.

"At maganda rin yung kuwento na, I think, magugustuhan ng audience."

Saan siya mas kabado, sa magiging komento sa ipapakita niyang pag-arte o sa magiging rating ng kanyang show?

“Both,” mabilis niyang sabi.

“Hindi talaga maiiwasan yun sa akin na magiging kabado sa lahat.

"Kasi, ano talaga ako, palaging nervous, worrier.

“Sa rating at sa performance ko. Kailangan magawa ko nang maayos at mabigyan ko ng justice ang character na ibinigay sa akin.

“Hindi talaga maiiwasan yun, so I’m just trying to do my best.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN