Luis Alandy on bagging lead roles in GMA afternoon soaps: "I think I’ve paid my dues."

Masaya si Luis Alandy dahil sa loob ng tatlong taon, madalas siyang nabibigyan ng GMA ng lead roles sa afternoon soaps nito. Aniya, "I think I’ve paid my dues." Ito ay dahil sa 17 years na rin siyang nasa industriya.


Bagong tambalan nina Luis Alandy at Max Collins ang mapapanood sa bagong panghapong serye ng GMA-7, ang Innamorata.

Sa istorya, may kondisyong porphyria—na ayon sa MedicinePlus.net ay sanhi ng "group of genetic disorders" at ang isa sa manifestations ay sa balat—ang karakter ni Max.

Pero hindi ito naging hadlang para ibigin siya ng karakter ni Luis.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa pocket presscon ng Innamorata sa Mesa, Tomas Morato, noong January 29.

Kuwento niya, “Sa simula kasi, meron siyang sakit na ganoon.

"Kaso, hindi ko siya nakikita. Blind kasi ako sa simula so I just hear her voice.

“Hindi naman sa na-in love, pero na-mystify ako sa voice niya.

"Bale anak ako ng may-ari ng shoe factory, si Michael de Mesa, kunsaan nagtatrabaho si Max.”



FIRST TEAM-UP. Nakakasama daw ni Luis si Max sa mga regional shows ng GMA-7, pero ngayon pa lang niya ito makakatrabaho.

Papuri ni Luis sa kanyang katambal, “Naiintriga ako sa range ng acting ni Max.

“At 21 years old, with the roles na nagampanan niya before, na-impress ako sa pagiging sensitive niya sa kanyang character.

“And very open siya sa mga kung ano ang puwedeng mangyari.

"Wala siyang blockage, wala siyang limitation.”

Sa acting nga lang ba siya na-impress?

Nangiti si Luis at sabi naman niya, “Naintriga ako sa personality niya.

"She’s a very sweet person.

“Natuwa rin ako kasi she approached me recently to ask if I’m a Christian.

"I said yes, ’tapos sabi niya, mag-small group kami, Bible study.”

LEADING MAN. Sa nakalipas na tatlong taon, halos puro male lead ang karakter na ginagampanan ni Luis.

Aniya, “Mostly, leading roles nga kasi, I think I’ve paid my dues.

"Noong nagsisimula ako, mostly lead-support ang naibibigay, okay naman.

“I’ve been in the business for almost 16 to 17 years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay ba siya sa naging takbo ng career niya?

“Of course, maski may mga ups and down. Ganoon naman talaga, e. May times na ayaw mo na.

“Siyempre, noong younger years, you struggle to build a name, especially maraming artista, maraming bagong nagsusulputan.

"How can you cope up with the competition?

“Normal lang naman yun na parang you want to give up.

"Pero, you dedicate yourself to work hard, and prayer lang talaga.

"And palagi mong i-a-assess yung sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay.

"But I think, hard work lang talaga.”

Ngayon, saan niya gustong idirekta ang kanyang career path?

"Nare-recognize na nila ako as leading man so, siguro, doon papunta ang career ko.”

GMA CONTRACT. Kakapirma lang din ni Luis ng five-year contract sa GMA-7.

Ang GMA Artist Center at ang kanyang manager na si Noel Ferrer ang nagcoco-manage ng career niya.may hawak ng career niya.

Ano ang mga inaasahan niya sa limang taong kontrata niya sa GMA?

“Siguro, more good projects.

"Right now, natutuwa sila na nagpi-pick up yung afternoon soap.

“Marami na rin batang nagsusulputan but, for me, to be given or to be recognized as one of GMA’s prime actor, yun siguro.”

Yung karakter na bulag daw ang isa sa dream role niya na tinupad ngayon ng network.

“Noong tinanong ako for catalogue kung ano ang dream role ko, sabi ko, it’s either bulag or deaf.

"Lalo na kapag mute ka, pag-aaralan mo ang sign language.

“Sa bulag naman, you have to be sensitive sa surrounding.

"Kahit nakatingin ka, you’ll pretend na hindi mo nakikita.”

HE IS SINGLE. Samantala, wala pa raw plano si Luis ngayon na magkaroon ng sariling pamilya, lalo pa’t kaka-break lang nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Ilang taon ding tumagal ang relasyon nila, pero ayaw pag-usapan pa ni Luis kung bakit nauwi ito sa hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Luis, “Siyempre before, naisip ko na rin na siya na.

"Of course may plans, pero hindi naman lahat ng plano natutupad o nangyayari.

“May circumstances kung bakit ganun, bakit hindi natuloy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN