Bernard Palanca and girlfriend Jerika Ejercito expecting their first baby; Bernard still friends with ex-wife Meryll Soriano

Magiging ama muli si Bernard Palanca, this time, sa bago nitong nobyang si Jerika Ejercito—anak nina Mayor Erap Estrada at Laarni Enriquez. Ang panganay ni Bernard na si Elijah, na anak nila ng dating asawa na si Meryll Soriano, ay anim na taong gulang na ngayon.


Maayos na ang relasyon ng dating mag-asawang sina Bernard Palanca at Meryll Soriano.

Katunayan, ang dalawa pa mismo ang nagkuwento tungkol sa pagbubuntis ng nobya ngayon ni Bernard na si Jerika Ejercito.

Si Jerika ay anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Kapatid naman ni Jerika si Jake Ejercito, boyfriend ng aktres na si Andi Eigenmann.

May isa namang anak sina Bernard at Meryll, si Elijah, 6.

Sa panayam kina Bernard at Meryll ni Marie Lozano ng TV Patrol kagabi, January 31, 2014, ikinuwento ng dalawang apat na buwan na lang at magiging ama na muli ang aktor.

Ayon kay Meryll, hindi niya alam kung allowed siyang magkuwento ng iba pang detalye maliban sa limang buwan nang nagdadalantao si Jerika, at lahat sila ay excited dito.

Saad ng aktres, "I’m very, very happy for them.

"I know them. I’m good friends with them."

Maayos pa rin daw ang pagkakaibigan nila ng dating asawa.

Aniya, "We’re good, kasi naman [we have] Eli."

Sabi pa ni Meryll, "You know, for Christmas, pag gusto nilang hiramin, it’s always... I never had a problem with that.

"Even when Bernard and I were not talking, I’ve always brought Eli to his family."



BLESSING. Sa panig naman ni Bernard, sinabi niyang blessing para sa kanya ang pagdadalantao ng girlfriend.

Saad niya, "It feels really good.

"I always look at these things as a blessing.

"Although you don’t plan things in life, things do happen for a reason, as they say.

"Of course, like I said, it’s always going to be a blessing.

"I’m very happy and excited."

Lalaki raw ang magiging anak nila ni Jerika.



FRIENDS AGAIN. Sa mga nakaraang panayam kay Meryll, umiiwas ito palagi kapag napag-uusapan si Bernard, lalo na kapag tungkol sa child support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling panayam ng PEP kay Meryll, noong October 2013, pinutol niya ang anumang usapin na may kinalaman kay Bernard.

Aniya, “Ayoko nang pag-usapan! Yeah.”

Read: Meryll Soriano declines offer of dad Willie Revillame to manage his business

Pero sa Instagram posts nina Bernard (@bjpalanca) at Jerika (mariajerikaejercito), makikitang mukhang maayos na ang relasyon nina Bernard at Eli, at pati na rin ng aktor at ni Meryll.

May mga bonding moments kasi si Bernard with Eli na kasama pa si Jerika.


Caption ni Bernard dito: "Dinner tastes so much better when eating with smiles like this!"


Sabi naman ni Jerika sa larawang ito: "Sunday FUNday with daddyBJ and Eli❤️ "

BJ ang palayaw ni Bernard.



SUPER IN LOVE. Sa kanilang Instagram posts din, tila mahal na mahal nina Bernard at Jerika ang isa’t isa.

Nakasaad sa caption dito ni Jerika: "Hubby bunny❤️ @bjpalanca"

Samantala, nagpahayag naman ng labis na pagmamahal si Bernard sa nobya sa latest post nito sa Instagram.

Caption dito ni Bernard: "How can i not love and marry this Gorgeous Woman?! I really thank you God for this Beautiful creature,and Wonderful Mommy to be...so proud of you @mariakerikaejercito My Love!"



JERIKA TOUCHED BY MERYLL’S SUPPORT. Sa pamamagitan ng Viber, isang online free messaging app ng mga android phones, nagpaabot ng mensahe ang PEP kay Jerika.

Kaagad naman siyang sumagot sa mensahe ng PEP, ngunit nakiusap na huwag muna siyang interbyuhin tungkol sa kanyang pagdadalantao at sa relasyon nila ni Bernard.

Saad ni Jerika, “Thank you very much :) if it’s ok rain check muna ako with the interviews for now :) just want to enjoy this whole process J once the baby is out nalang :)”

Tungkol naman sa suporta ng ex-girlfriend ni Bernard sa pagbubuntis niya, sabi ni Jerika: “Of course I’m very touched to know that Meryll is happy and excited for me especially because I really adore Eli :) yun nalang muna :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN