Nadine Samonte admits worrying about showbiz career amid plans of getting married soon

Nadine Samonte reveals that her boyfriend Richard Chua has already proposed to her: “Vocal naman ako na nag-propose siya. On the first month, nag-propose siya with a paper ring. Third month, nag-propose siya with a ring na.”


Maraming nakapansin na blooming si Nadine Samonte nang dumating sa special screening ng Studio 5 Original Movies noong January 29, sa Ali Mall Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Natawa ito nang sabihin naming ang dahilan ay in-love na in-love kasi siya.

“Siyempre, kasama na yun, hindi naman mawawala yun,” natatawang bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

HAPPILY IN LOVE. Kumusta nga ba ang lovelife niya ngayon sa kanyang boyfriend na si Richard Chua?

“Okay naman,” nakangiti niyang sabi.

May walong buwan na rin daw ang relasyon nila.

Gaano na nga ba ito kalalim?

“Gaano kalalim? Hindi ko masasabi kung gaano ka-deep. Pero, yung comparison—alam ko mahirap mag-compare, pero kasi yung una ko, seven years kami.

“After ng seven years, kami na ni Richard. So, after no’n, after how many months, nagkakilala kami. Basta, mabilis ang pangyayari.

“In short, naging kami, eight months. ’Tapos, mas masasabi ko na, hindi ko alam kung papaano, ha, pero yung feeling na mas malalim dito.

“Kumpara sa seven years at eight months, mas iba ‘to,” paliwanag niya.

Posible kayang may factor ding bata pa kasi siya noong nagsimula ang seven-year relationship niya dati sa non-showbiz boyfriend?

Pagsang-ayon niya, “Siguro, kasi I was just 17 noon ’tapos two years ang agwat namin. So feeling ko, because of the age na rin, and then, yung maturity ng lalaki.”

Marami rin daw silang pagkakapareho ng boyfriend ngayon.

“Bukod sa pareho kaming maka-pamilya, pareho kaming hindi lumalabas. Pareho kaming nagdya-jibe kami sa kahit anong foods.

“Kapag nagkukuwentuhan kami, nag-aasaran kami, hanggang ganun lang, pikunan, never kaming nag-aaway.

“At saka, love siya ng buong family ko talaga,” dagdag pa niya.

Love rin ba siya ng mommy ni Richard? Ang nanay ni Richard ay ang character actress na si Isabel Rivas.

“Oo,” natatawang sabi niya.

PROPOSAL. Si Richard ay 37-years old na habang si Nadine naman ay 25. Hindi itinago ni Nadine na nag-propose na ng kasal ang boyfriend at suot-suot nga niya noong gabing yun ang engagement ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, hindi pa masabi ni Nadine kung kailan talaga ang kasalan.

“Soon,” nakangiting sabi na lang niya.

Sabi pa niya, “Vocal naman ako na nag-propose siya. On the first month, nag-propose siya with a paper ring.

“Third month, nag-propose siya with a ring na.”

Noong unang buwan pa lang nila na mag-boyfriend-girlfriend at nag-alok na ito ng kasal, hindi siya nabilisan?

“Ang bilis!” saad niya.

“May video kami na tawa ako nang tawa. ’Tapos, may video kami ng third month na may ring na, ang sagot ko nga sa kanya, hindi ’yes.’ Ang sagot ko sa kanya, ’Seryoso ka?’

“’Tapos, sabi niya, ’seryoso siya.’ Tawa ako nang tawa. Sabi ko, ’Hindi ka ba nanloloko?’ Kasi, sa three months, ang bilis.

“’Tapos sabi niya sa akin, ’Ano ang sagot mo?’

“Sabi ko, yes.”

Sa mga naging past boyfriends niya, si Richard lang talaga ang nag-propose sa kanya?

“Yes,” sabi niya.

Kahit yung nakarelasyon niya nang pitong taon, hindi umabot sa puntong yun?

“Yes, hindi...parang magpu-propose na siguro siya ’tapos yun...”

READY TO START HER OWN FAMILY. Nakahanda na rin naman daw si Nadine na magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Kahit naman daw noon, sinasabi niya na gusto niyang magkaroon ng anak habang bata pa.

“Ewan ko, siguro nakikita ko ang relasyon ng mag-ina na bata pa, para silang magkaibigan. Gusto ko, ganun din ako.

“Para nga silang magkapatid lang, ang sarap tingnan ng ganoon. Kunwari, 10-year old lang ’tapos ikaw, early 30s lang, ang sarap tingnan.”

WEDDING DATE? Tumawa lang si Nadine noong tinanong namin sa kanya ang mismong petsa ng kanilang kasal.

Pero, kung makakasal na sila ngayong taon, handa na ba siyang magkaanak agad?

“Hindi ko nga rin alam pero oo, e. Kasi, nai-inspire ako actually kay Yasmien [Kurdi], kay Jennylyn [Mercado], kay Katrina [Halili].”

Naiingit siya sa mga StarStruck batchmates niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo!” natawang pag-amin niya.

Nakikita na rin ba ni Nadine ang sarili niya bilang isang bride at lumalakad na sa altar?

“Lahat naman yata ng babae, oo. Marami na ’kong ideas. Marami na ’kong gusto. Marami akong ini-imagine.”

Church, garden or beach wedding kaya?

“Church sana or garden, puwede. Pero, ayoko ng beach,” pakli niya.

Tila takot si Nadine sa kasabihan na kapag sa beach ang lokasyon ng kasal, madalas ay nauuwi raw sa hiwalayan ang mag-asawa.

HESITATIONS. Inamin ni Nadine na malaking konsiderasyon ang kahahantungan ng kanyang showbiz career kung sakali mang mapagdesisyunan na niyang magpakasal.

Ayon dito, “Yun nga ang pinag-iisipan ko kasi. Lahat naman tayo, parang sayang. Kaya nga ang hirap mag-decide.

“Kung pupunta ka sa right, baka pagbalik mo, wala ka nang career or baka hindi ka na tatangkilikin ng tao.

“So, hindi ko nga alam,” saad niya.

Dugtong pa niya, “Although sina Kat, Yas, nakabalik naman sila. Sabi nga nila, madali namang bumalik.

“Pero ako kasi, I have my obligation din sa family ko. I have my brother pa. So, parang gusto ko munang patapusin siguro siya.

“E, 12 years old pa lang siya or parang gusto ko munang maghanda for him. Parang ganoon muna.

“Para at least, masasabi ko na iniwan ko siya na alam kong meron, okay na siya.”

CONTRACT WITH TV5. Hanggang June na lang daw ang kontrata niya sa TV 5.

Hindi pa raw alam ni Nadine kung ano ang magiging desisyon niya kapag nagtapos na ang kontrata niya.

Kung sakali, okay lang naman daw sa boyfriend kung tuloy pa rin siya sa pag-aartista.

Sabi niya, “Siyempre, naiintindihan naman niya dahil yung Mom niya, ganoon din.

“Basta sabi naman niya, work lang. Huwag lang lagyan ng personalan, ganoon naman ako.”

WHEN I FALL IN LOVE. Si Nadine ang gaganap na pangalawang anak nina Tirso Cruz III at Nora Aunor sa Studio 5 Original Movies na When I Fall In Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula ngayong Martes, February 4, ipapalabas na ang mga orihinal na telesine ng Kapatid network sa buong buwan ng Pebrero.

Ang When I Fall In Love ang pang-Valentine’s week na mapapanood sa February 12.

Sabi nga ni Nadine, “Malalim ang kuwento nito. It’s about love. Basta yung huli niya, iiyak ka talaga.

“Noong nag-preview sa SM Aura, sobrang lahat kami umiyak after. Nakakaiyak talaga kasi maganda yung istorya.

“It’s about love, it’s about family, kung paano talaga magmahal, ano yung totoong pagmamahal, ganun.”

AT EASE WITH THE SUPERSTAR. Ikatlong proyekto na rin daw ni Nadine na kasama ang Superstar simula nang lumipat siya sa TV5.

Hindi na siya naiilang na katrabaho ito?

“Oo, pero siyempre, nandoon pa rin ang kaba kahit papa’no. Pero kasi, dito, nandoon na yung parang nanay mo na...na hindi ka na masyadong kinakabahan.

“Kasi, kapag kabado ka, iba yung nagiging eksena. Nakakalimutan mo ang lines, nakakalimutan mo kung papaano gagawin.

"Ngayon, mas steady na, mas maganda na ang flow, mas okay,” paliwanag ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN