Alice Dixson doesn’t see herself getting married again

Alice Dixson on the possibility of getting married again: “You know, right now for me, I don’t feel that I need to be married to have a strong relationship with somebody. There’s lots of couple who’ve been together for a long time and have a healthy commitment with each other. Hindi na importante sa akin ang magpakasal ulit.”


Magaganda ang mga karakter na naibibigay ng TV5 sa contract star nilang si Alice Dixson.

Pagkatapos niyang gawin ang For Love or Money, ngayon naman ay mapapanood si Alice tuwing Martes ng gabi simula February 3 sa Lady Next Door, ang pinakabagong telesineng handog ng Studio 5 Original Movies.

Isang May-December affair ang kuwento ng Lady Next Door, kung saan makakasama ni Alice ang Artista Academy star na si Mark Neumann.

Kuwento ni Alice nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na special screening ng Lady Next Door sa Ali Mall, Araneta Center, Cubao, Quezon City, noong January 29 ng gabi, “The story is based on [the movie] The Summer of ’42. I play the older woman that Mark falls in love with.”

Baguhan pa lang si Mark at masasabing ito ang isa sa pinakamalaking break na ibinigay sa kanya ng TV5 pagdating sa pag-arte.

WORKING WITH MARK NEUMANN. Kumusta naman ang pagtatrabaho nina Mark at Alice?

“Ako kasi, when I was 18 katulad ni Mark, hindi naman talaga ako naka-experience ng malalalim na pangyayari sa buhay ko.

“Lahat naman usually ng artista, kumukuha ng kanilang motivation sa mga nakaraan nila or na-experience nila.

“So, having said that, he’s very young, he’s very new but he’s an up and coming actor and he’s very willing to learn.

"Tulad ko, when I was young, I improved over time. Si Joel [Lamangan, director], piniga niya si Mark so I think he’ll be a revelation in the show,” pagmamalaki ni Alice sa kanyang co-star.

Hindi ba nailang si Mark sa kanya?

“You’ll have to ask him that, pero ako kasi, I tried to make him comfortable as I could and, you know, when there’s an experience that I think can help him, yung personal experience, sine-share ko naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And also, sinabi ko rin sa kanya na importanteng ma-improve niya ang Tagalog niya dahil katulad ko rin, naging obstacle ko yun,” pag-amin ni Alice.

DARING ROLE. May kissing scene sina Alice at Mark sa Lady Next Door.

Kaya sabi nga namin kay Alice, siya ang tipo ng aktres na bukas sa kahit na anong karakter o kahit sinong co-stars niya.

“I think I’m too old naman to be playing games. I’m taking what I do seriously. Hindi tulad noong bata pa ko, teeny-bopper, I’m very conservative. Ayokong gawin ‘to.

"But you know, like I’ve said, I take my work seriously at kung hinihingi talaga ng eksena, gagawin ko,” paglinaw niya.

Ang For Love or Money ang unang daring project niya sa telebisyon.

Sabi naman ni Alice, “I think marami akong ginawa with movies na daring, like My Other Woman, Dyesebel, these are things that were first to come out like may underwater scene ako na swimming, so that was also quite daring for me.

My Other Woman was quite daring as well. I think, there are peaks and it varies with everyone’s career. And it just so happened that For Love or Money came at a certain time in my career na nag-peak.”

SINGLE AGAIN. Nadako ang usapan sa lovelife. May posibilidad ba na ma-involve siya sa May-December affair sa totoong buhay?

Ayon kay Alice, “I don’t think I’ll fall in love with somebody who’s eight years younger my junior. Kasi I’m already... well, everybody knows my age. Unless, he’s really mature.”

Hanggang anong taon lang ang sa palagay niyang puwede pa siyang ma-in love o makipag-relasyon?

“I think, 36… you know, if he’s mature enough. I don’t think 20-year-old, I don’t think so."

Tinanong namin si Alice kung nasa punto na rin siya na open na siyang muli sa panibagong relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, I am,” mabilis niyang sagot.

“I’m going out now, I’m meeting people.”

Pero ayon kay Alice, wala pa raw siyang commitment kahit na kanino.

“I am dating, maybe in time, that would come,” pakli niya.

NO MORE WEDDINGS. Aminado naman si Alice na kung kasal muli ang pag-uusapan, yun daw ang ayaw na niya.

May trauma sa kanya ang pagpapakasal muli?

Tugon niya, “I think meron, kasi I don’t want to get married again.”

Kung sakali, more on relationship na lang muna siya?

“I think so, you know, right now for me, I don’t feel that I need to be married to have a strong relationship with somebody.

“There’s lots of couple who’ve been together for a long time and have a healthy commitment with each other.

“Para sa akin, hindi na importante sa akin ang magpakasal ulit,” diin niya.

CIVIL RELATIONSHIP WITH EX-HUSBAND. Bumabalik-balik pa rin daw si Alice sa Canada at tuluy-tuloy pa rin ang real-estate business niya. Bukod dito ay karamihan sa mga kamag-anak niya ay nasa States din.

“Gusto ko silang nakikita at least once a year or twice a year,” wika niya.

Kinumusta naman namin kay Alice ang dati niyang asawa. May komunikasyon pa rin ba sila?

Sabi naman niya, “We communicate, but ano lang, madalang lang.”

Nauwi ba sa pagkakaibigan ang paghihiwalay nila?

“I was hoping that it would, pero it hasn’t come to that. Pero hindi naman kami nag-aaway,” saad niya.

DABBLING IN COMEDY. Sa isang banda, kasama naman si Alice sa Confessions of a Torpe kunsaan makakasama niya si Ogie Alcasid at mapapanood sila gabi-gabi sa TV5.

Nakasama na rin daw niya si Ogie dati sa pelikula, pero bilang theme-song singer daw ang partisipasyon niya.

“He only sang the theme song, yung ’Bakit Ngayon Ka Lang?’ First time ko siyang makakasama or mapapanood kaming magkasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta namang katrabaho si Ogie?

“He can be very serious pero on the set, he’s very witty, he’s very open. Open to what other people say. He’s really fun and so far, it’s fun to work with him.”

Okay raw kay Alice na sitcom ang ginagawa niya ngayon.

“I really don’t mind. It only goes to prove that we can be versatile here in TV5.

“I’ve done action with Derek [Ramsay], I’ve done adult-drama with him, and a serious soap like what I did when I came back, yung Babaeng Hampaslupa.

“I’ve done fantasy with Enchanted Garden. So, I think, I like the exposure that I’m getting here in my home studio.”

Bagong salang si Alice sa larangan ng comedy.

“Yes, it’s my first sitcom since I got back na regular ako. And gusto ko, coming from so many drama [projects], gusto ko na light naman, pambata naman para magaan ang feeling, masaya naman.”

Posible rin daw siyang gumawa ng Maalaala Mo Kaya dahil pinayagan siya ng TV5 may isa’t kalahating taon na ang nakararaan.

“I’m exclusive to TV5 but they allow me to do other shows like guestings as long as hindi siya tumatapat sa show kung saan ako lumalabas.”

DYESEBEL TAKE TWO? Nakilala rin si Alice sa pagganap niya bilang Dyesebel sa pelikula.

Mula sa huling pagganap ni Marian Rivera noong 2008 sa telebisyon, si Anne Curtis naman ang nakatakdang gumanap sa walang kamatayang fantasy character sa ABS-CBN ngayong taon.

Anong dating kay Alice na tila walang kamatayan talaga ang Dyesebel?

“Well, it’s like Superman, ‘di ba? We like the hero kind of movie. Just like in Dyesebel, we like our fantasy.

“With generations to come, it would always be Dyesebel or whoever...Wonder Woman, Darna, and when aliens land in this planet and watch the movie, they’ll think it’s a real person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ang dami, ‘di ba?”

Bilang nag-FHM nga siya at seksing-seksi pa rin, nakikita pa ba niya ang sariling gumanap bilang Dyesebel o sirena?

Pahayag niya, “I don’t know, usually Dyesebel, mga bata talaga. But I guess, it depends if the role is designed for me. Why not? Doon ako nanggaling.”

Magaling pa rin siyang lumangoy?

“Of course!” mabilis niyang sagot.

“It’s like riding a bike, you’ll never forget.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN