Kim Rodriguez remains unfazed despite being bashed by Bea Binene’s fans

Kim Rodriguez on being bashed by Bea Binene’s fans: “Meron po, hindi maiwasan sa Twitter na sinasabi nila sa akin na inagaw ko raw yung project na Paraiso Ko’y Ikaw kay Bea. Yung iba naman sinasabi na hindi ako bagay dun sa role ko dito, mas bagay daw kay Bea. Marami pa, pero hindi ko na lang pinapansin kahit minsan nakaka-hurt na rin.”


Nakakatanggap daw ng pangba-bash mula sa mga tagahanga ni Bea Binene ang lead actress ng Paraiso Ko’y Ikaw na si Kim Rodriguez.

Ayon kay Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa Studio 7 ng GMA Annex, “Meron po, hindi maiwasan sa Twitter na sinasabi nila sa akin na inagaw ko raw yung project na Paraiso Ko’y Ikaw kay Bea.

“Yung iba naman sinasabi na hindi ako bagay dun sa role ko dito, mas bagay daw kay Bea.

“Marami pa, pero hindi ko na lang pinapansin kahit minsan nakaka-hurt na rin.

“Para sa akin kasi trabaho itong ibinigay sa akin, kaya ang ginagawa ko ginagalingan ko na lang kasi sa akin napunta yung project na ito.

“Hindi ko naman inagaw ito, binigay ito sa akin ng GMA-7, kaya deadma na lang ako sa pangba-bash nila.

“Hindi ko na lang iniisip yung ganyang issue, kasi pag inisip ko ’yan, ako pa po yung mas mahihirapan.

Pero on good terms naman ba sila ni Bea sa totoong buhay?

“Okey naman po kami, wala naman pong ilangan sa aming dalawa.

“Pag nagkikita kami sa SAS [Sunday All Stars] kumustahan lang, ’Hi,’ ’Hello.’ Ganun lang.

“’Tsaka nagkatrabaho kami dati [Tweenhearts], naging mabait siya sa akin at ganoon din ako sa kanya,” kuwento pa ni Kim.

PRESSURED” BY DIREK JOYCE. Napi-pressure ba si Kim dahil si Bb. Joyce Bernal—isang dekalibreng direktor—ang nagdirek ng soap nila ni Kristoffer Martin?

“Napi-pressure talaga ako at alam kong ganun din si Kristoffer dahil magaling ang director namin.

“Pero ako kasi ang tipong tao na kapag napi-pressure mas lalo kong ginagalingan.

“Mabait naman si Direk Joyce. Nung una ko siyang nakita alam kong mabait siya at alam kong marami akong matututunan sa kanya, kaya nga excited akong makatrabaho siya.

“Nung first taping nga kami pinaghandaan ko talaga, binasa ko yung script para handa ako pagharap sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba kasi pag handa ka. Kaya naman nung nag-taping na kami, dun ko nakita yung sobrang galing niya."



GOING SEXY. Ano ang pinaka-sexy na outfit na susuotin ni Kim sa Paraiso Ko’y Ikaw?

“Alam ko lagi akong naka-kamison dito, at may mga time na basang-basa ako, suot yung kamison kasi nasa isla kami.

"Siguro yun yung masasabi kong sexy sa soap namin ni Kristoffer.

“Ako naman kasi kahit ano ang ipasuot sa akin kung kinakailangan talaga sa eksena, okey lang sa akin.

“Basta ’wag lang siguro sobra-sobrang pagpapakita ng skin.

"Yung mag-two piece o magkamison, okey lang sa akin yun. Basta may saplot pa rin. Ha-ha-ha!

“Kung si Kristoffer nga lagi din ditong nakahubad ng pang-itaas at lagi ring basa at kaya niya, kaya dapat ako din.”

Hindi ba naiilang si Kim na nakikita yung katawan niya habang naka-kamison?

“Hindi naman po, kasi nung nalaman ko na ako yung napili sa Paraiso Ko’y Ikaw, hindi na ako nag-alinlangan na i-grab ito.

“At sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat-lahat para mapaganda yung soap.

“Siyempre blessing ito at nagtiwala sa akin ang GMA-7 na ibigay ang proyektong ito.

"Kaya bilang sukli gagalingan ko at ibibigay ko ang lahat para maging kaabang-abang ang Paraiso Ko’y Ikaw.

“’Tsaka nung nalaman ko yung role ko, sinabi ko sa sarili ko na yung ganitong role ang hindi tinatanggihan."

Tuluy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy ni Kim sa telebisyon, pati na rin sa mga magazine at pelikula?

“Opo, pero depende po sa project, basta maganda yung istorya, magaling yung director at bagay naman sa akin yung role, bakit hindi?

“Yung sa magazine hindi ko pa alam. Kasi yung GMA Artist Center ang makakaalam niyan kung puwede na ba ako, kasi sila yung nangangalaga sa career ko.

“Sa pelikula naman okey din, basta hindi yung hubad na hubad. Gusto ko sexy lang [pero] yung may saplot pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga projects kasi na inaalok sa akin, basta kaya ko, tatanggapin ko. Kasi trabaho pa rin yata.

"Mas maganda ang may trabaho kaysa wala, kaya grab lang nang grab basta maganda.



PREPARATIONS FOR SEXY ROLE. Itinanong din ng PEP kay Kim kung anong mga paghahanda ang ginawa niya para sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Nagpapayat ako, nag-gym, jogging, diet. Kailangan kasi sa role sexy, kaya super effort talaga ako para maging sexy ako.

“And siyempre nanood din po ako ng mga shows na related sa movie namin.

“Katulad ng Blue Lagoon, pero hindi ko naman ginaya, tiningnan ko lang,” pagtatapos ni Kim.

Ang Blue Lagoon ay pelikulang pinagbidahan nina Brooke Shields at Christopher Atkins at ipinalabas noong 1980. Ito ay isang romantic adventure film na naganap sa isang isla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN