Richard Yap on worst tweet he received: “‘Papatayin kita tandaan mo ‘yan.’ Ako naman, ‘Huh?!’”

Richard Yap on hate tweet: “Siguro wala siyang magawa sa buhay niya… Useless, sayang ang oras ko, matutulog na lang ako.”


Hindi na masyadong aktibo sa social media si Richard Yap.

Pero siya raw mismo ang sumasagot sa mga katanungan sa kanya sa Twitter at Instagram.

“And so if they have questions, sinasagot ko, pero I’m not as much as online as now, as I was before. Kasi medyo wala ngang oras masyado.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard o Ser Chief sa thanksgiving cum Chinese New Year merienda party niya para sa media kahapon, February 1, sa Wangfu Chinese Bistro sa Tomas Morato na pag-aari niya.

At tulad ng ibang celebrities, nakaka-encounter din si Richard ng bashers o haters sa Twitter.

“Wala namang masyado, so far.

“Well, sa Instagram, minsan may sinasabi sila, pero hindi naman tungkol sa akin yung mga ganun.”

Pero meron daw siyang grabeng tweet na na-encounter.

“May nag-tweet sa akin, papatayin daw niya ako! Hindi ko alam sa kanya kung bakit,” natatawang sabi ng aktor.

“Sabi niya, ‘Papatayin kita tandaan mo yan.’

“ Ako naman, ‘Huh?!’

“Ewan ko. It was a new account. Nakita ko lang, e. Siguro wala siyang magawa sa buhay niya.”

Hindi raw siya sumasagot sa mga ganoong tweets.

“Hindi naman. Useless, sayang ang oras ko, matutulog na lang ako,” at muling tumawa si Richard.

MOVIE PLANS. Sa kasalukuyan daw ay medyo mas maayos ang kanyang schedule dahil may mga pondo o advanced tapings sila para sa top-rating daytime drama series nila ni Jodi Sta. Maria na Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

“It’s much better, kasi nakapagbangko kami ng kaunti, so it’s much better for all of us.

“We’re trying to magbangko nang magbangko. So that hindi kami masyadong ngarag in the coming months.”

Hindi pa raw niya alam kung matutuloy ang movie version ng Be Careful…

“Hindi ko pa alam, e. It depends, may mga plano. But we don’t know if it’s going to push through or not.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O may iba pa siyang pelikulang gagawin bukod sa movie version ng show nila ni Jodi?

“Hindi ko rin alam, it depends on ABS-CBN,” sagot ng 46-year-old Filipino-Chinese actor.

May balita kasing sila naman ni Anne Curtis ang magkakasama sa isang proyekto, pero wala pa ring konkretong plano tungkol dito.

“Wala pa, e. Wala pa. I know she’s also busy with her new soap. So hindi natin alam kung what will happen.”

Pero nais ba niyang makapareha si Anne?

“Well, yeah of course! Pero I’m open to other leading leading ladies also. Hindi lang isa, di ba? Marami namang magagaling diyan. Siyempre gusto nating makasama sila lahat.”



PRACTICAL RICHARD. Dahil Chinese si Richard, natanong ito kung ano ang reaksyon niya kapag may nagsasabing matipid o kuripot siya?

“Depende sa ano, praktikal ako. I don’t unnecessarily, especially on people, I don’t need to [spend] so ang ano mo.

“You should remember hindi ka dapat mag-spend just because magpapakitang-tao ka.

“Kasi ang culture kasi natin dito sa ano, minsan magpapabongga ka, magpa-party ka, pero wala kang pera sa bangko, mangungutang ka.

“So sasabihin, ‘Ay, ano ‘yan, galante!’

“Pero nangungutang pala.

“What would you rather have, would you rather have money in the bank?

“Practical lang dapat.”

Tinanong naman ng PEP si Richard kung ano na ang pinakamahal na bagay ang nabili na niya para sa sarili niya.

“Ah, siguro yung bahay.”

Magkano ang halaga ng bahay na nabili niya?

“Huwag na!” ang tumatawang paiwas na sagot niya.



ALREADY A BUSINESSMAN BEFORE SHOWBIZ. Pero bago pa man siya pumasok sa showbiz ay nakapagpundar na raw siya ng condominium unit at kotse.

“I had a business already. So ang bago lang dito sa showbiz is, when I was in showbiz is itong Wangfu.”

Ilan na ang mga negosyo niya?

“This is my third restaurant venture. Yung first ko was about six years ago. Chowking. Pero I have partners also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The second one was about three years ago, also a franchise, sa Recto. But we closed it down already, it wasn’t doing well, so…”

Meron pa rin daw siyang isa pang fast-food franchise sa Makati.



NO VALENTINE’S DATE. Ano naman ang plano niya sa Valentine’s Day para sa kanila ng misis niyang si Melody?

“Ano’ng day ba ‘yan? Friday? Baka may taping kami.

“Actually hindi kami masyadong nagse-celebrate ng Valentine’s. Mas importante sa amin yung anniversary namin. Sa April pa.”



PLANS FOR 2014. Ang mga plano pa para sa career niya ngayong 2014.

“We’re planning to do more shows, siguro abroad and in the Philippines.

“Mga, hindi naman concert, mga shows lang, small shows lang. We’d rather do small shows, ayoko munang mag-concert siguro.”

What about a major concert at the SMART Araneta Coliseum, tutal ay isa ring successful recording artist/singer si Richard?

“Araneta Avenue? Puwede,” sabay-tawa ni Richard.

“Gusto ko ng ano, I’d rather have… Gusto ko more experience with performing before I go and do a full concert.

“Kasi ayoko na malugi yung mga tao na manonood sa akin. Gusto ko naman maganda yung papalabas natin, di ba? Siyempre value for money.”



CRUSHES. Natanong naman si Richard kung natutukso pa ba siya sa ibang babae, lalo na kung halimbawang may mga lumalapit sa kanya at nagkakagusto?

“Wala naman akong narinig yata na nakaano sa akin. Wala yata, wala naman yata,” at muli siyang tumawa.

Pero may mga crushes ba siya sa showbiz?

“I admire a few ano, like Anne Curtis, like Miss Dawn Zulueta. Pero it doesn’t mean that gusto ko silang ligawan, di ba?

“Kasi alam mo naman, may asawang tao na tayo.

“At saka, di ba, we should be a good role model to the people who are watching us?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO PLANS FOR POLITICS. Tinanong naman ng PEP si Richard kung may nag-alok na sa kanya na pasukin ang pulitika.

“Well, not really, not formally.”

Ano ang isinagot niya sa mga “pahaging” sa kanya na magpulitiko siya?

“Wala sa plano ko pa ‘yan at saka hindi natin pinag-iisipan yan.”

So ayaw niya?

“Hindi natin masabi kung anong… What the future has in store. But for now, it’s not in my plans.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN