Joross Gamboa on Vhong Navarro’s fast recovery: “Ang makakatulong sa kanyang mabilis na recovery ay ang kanyang sense of humor.”

Joross Gamboa narrates how he cheered up Vhong Navarro during his recent hospital visit: “Binibiro ko talaga siya. Dinalhan ko pa nga siya ng food na take-out na... Hindi pa nga siya makatawa dahil sumasakit nga yung mga tama sa kanya. Hayun, basta ganun lang. Nanood din kami ng basketball dun.”


Isa si Joross Gamboa sa malalapit na kaibigan ni Vhong Navarro na nagpakita ng suporta sa kasalukuyang pinagdadaanan ng nabanggit na TV host-comedian.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joross kagabi, February 1, sa grand presscon ng Starting Over Again sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, sinabi niya na kahit iniinda pa rin ni Vhong ang sakit ng katawan, nakakapagbiro na raw ito at nakukuha nang ngumiti.

Ang Starting Over Again ay ang pinakahuling pelikula niya sa bakuran ng Star Cinema na ipalalabas sa February 12, kung saan kasama niya ang mga bidang sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Iza Calzado, at marami pang iba.



OUTPOURING OF SUPPORT. Pahayag ni Joross, “Actually, binisita ko kahapon [January 31] si Vhong at nagkamali pa nga ako kasi sa ibang hospital ako napunta.

“Natawa pa nga siya and sa ngayon, he’s recovering naman.

“Yun ang pinakaimportante sa ngayon. Sabi ko sa kanya, ’Mag-focus ka sa recovery mo and nandito lang kami bilang mga kaibigan.’

“Nagbibigay ako sa kanya ng words of God, siyempre, pandagdag-ano sa kanya.

“And sobrang thankful naman ako na si Vhong ay napapaligiran ng mga taong mahal siya—pamilya, kaibigan, at ang support ng buong mundo ay nasa kanya.

“Kaya, Vhong, magpagaling ka at basketball uli tayo,’” pagbigay-mensahe pa niya sa dancer turned comedian-TV host.

Kalmado na raw ang pakiramdam ng kanyang kaibigan pero may pagkakataong nagiging emosyunal pa rin ito.

Aniya, “Naiiyak siya kapag nakikita niya ang posts sa Instagram na may greetings mula sa mga bata na, ’Get well soon.’

“Kahit sino naman... Kahit nga ako, hindi ako ang nabiktima pero naiiyak ako... Lalo na kapag nakikita mo na mahal ka lalo na ng mga bata.

“Iba, e," patuloy ni Joross.



ON THE WAY TO RECOVERY. Hindi rin daw niya maiwasang magbigay-payo kay Vhong na sa kabila ng nangyari ay hindi ito dapat na mawalan ng lakas ng loob at pananalig sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng dating Star Circle Quest finalist, “Yun nga, sabi ko mag-focus sa pagpapagaling at ’wag mag-isip sa ano, sa problema niya.

“Kasi yun nga, physically, drained na siya. Kaya dapat hindi siya ma-drain emotionally and spiritually.

“At sa tingin ko, ang makakatulong sa kanyang mabilis na recovery ay ang kanyang sense of humor.

“Kasi kapag meron ka talagang ganun ay mas madali mong madala ang problema, e.”

Maging siya rin daw ay binibiro niya si Vhong para maging magaan din ang kalooban nito.

Sabi pa niya, “Binibiro ko talaga siya. Dinalhan ko pa nga siya ng food na take-out na... Hindi pa nga siya makatawa dahil sumasakit nga yun mga tama sa kanya.

“Hayun, basta ganun lang. Nanood din kami ng basketball dun.

“Basta, everything happens for a reason naman, and thankful ako na okey na siya and he’s recovering.”



VHONG’S GF’S UNCONDITIONAL LOVE. Witness din daw siya sa suportang ibinibigay ng non-showbiz girlfriend ni Vhong na hanggang ngayon ay ayaw pa nitong pangalanan.

“A, oo, todo ang support,” pagkumpirma ni Joross.

“Yung presence pa lang niya dun ay napakalaking support na.

“Na-meet ko na rin siya before.

“Tama nga yung sinabi niya na hindi na muna niya [ang GF ni Vhong] inuna ang kanyang personal feelings at mas inuna niya si Vhong.”



EYE-OPENER. On his part naman, bilang lalaki at bilang isang binatang malapit na rin ikasal, inamin niya na isang eye-opener ang nangyari sa dating miyembro ng Street Boys dance group.

Ayon sa kanya, “Hindi kasi ito yung mga personal na... Hindi sa wala akong tiwala sa iyo, kundi wala akong tiwala sa lahat.

“Meaning, ’wag ka magtitiwala kaagad-agad.

“So, yun yung pinakaano... Alam naman niya yung kung ano ang natutunan sa nangyaring ito.”

Biro ng writer na ito kay Joross, hindi ba siya kinakabahan na baka mangyari rin ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang reaksiyon niya, “Sa akin? Hindi naman siguro... Baka noon, baka puwede pa.

“Hindi, hindi... malinis ang konsiyensiya ko,” natatawa pa niyang pagbawi sa kanyang tinuran.



GETTING MARRIED SOON. Inalam namin sa kanya ang saloobin ng kanyang magiging asawa sa mga ganitong pangyayari sa mga lalaki, hindi lang kay Vhong.

Si Joross ay ikakasal na sa kanyang longtime girlfriend na si Katz Saga ngayong November.

“Wala naman,” saad niya.

“Normal naman yun ang reaction ng girls na... Everyone naman learned from it and sana ay ’wag nang mangyari pa sa iba.

“Alam naman niya yun, e. Sinasabi ko naman sa kanya.

“Nung dati siguro, pero nasa tamang daan na tayo ngayon.

“Dire-diretso na tayo at ba’t pa tayo pupunta doon [sa pagpapakasal] kung sa-side-side pa tayo, ’di ba?

“Kaya nga nagdesisyon ako na mag-asawa na kasi tapos na ako sa lakad ng mga binata.

“Alam ’yan ng future wife ko.”



LESSON FOR THE BOYS. Malaki nga raw ang impact ng nangyari kay Vhong hindi lamang para sa male showbiz personalities kundi sa buong angkan ni Adan.

Seryosong sabi ni Joross, “Yun nga ang pinag-uusapan namin.

“Napakalaki ang leksiyong natutunan dito sa nangyari kay Vhong.

“Sana nga ay hindi na mangyari ito sa iba at sa maulit.

“Ang tukso, nandiyan lang ’yan.

“Para sa akin, ang tukso ay hindi mo ’yan lalabanan, tatakbuhan mo ’yan.

“’Di totoo yun. ’Wag kang magtiwala sa katawan mo...’wag mong lalabanan ang tukso, takbuhan mo ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN