Jolina Magdangal due to give birth this month; reveals name for baby boy

Jolina Magdangal shares how she and hubby Mark Escueta came up with their chosen name for their first-born baby boy: “Yung name na Pele ay si Mark ang nagbigay. Si Pele ay ang greatest football player, gusto ni Mark, kakaiba yung name na may meaning na "miracle." Yung Iñigo naman ay ako ang may gusto, kasi bagay na bagay sa Escueta yung I


Simula February 1 ay mas masusing pagbantay at pag-alaga na ang ilalaan ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta para sa natatakdang araw ng pagsilang ng kanilang panganay na anak.

Kung pagbabasehan ang ultrasound, sa February 18 pa ang due date ni Jolina, pero sinabihan na sila ng kanyang OB-Gyne na si Dr. Madeline Florendo na anytime ngayong February ay puwede na siyang manganak.

Si Dr. Florendo ng Asian Hospital ay siya ring ang OB-Gyne nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.



ALL SET FOR THE BIG DAY. Kaya naman mula sa bahay nina Jolina sa Quezon City, lumipat silang muli sa bahay nina Mark sa Parañaque para mas malapit na sa Asian Hospital.

At pagkapanganak ni Jolina, sa bahay ulit nila sa Q.C. sila manunuluyan habang hindi pa tapos ang pinapagawa nilang sariling bahay sa may Don Antonio Heights, Commonwealth, naman.

Dahil dito, halos lahat ay naihanda na ng mag-asawa sa pagsilang ng kanilang baby boy.

Mula sa mga gamit at ilang do’s and don’ts sa pag-aalaga ng baby ay napag-aralan na rin nila.

May naihanda na rin daw silang pangalan para sa kanilang panganay.

Si Mark ang nag-text sa amin na ang plano nilang ipangalan sa kanilang baby boy ay Pele Iñigo Escueta.

Ang ibig daw sabihin ng "Pele" sa Hebrew ay “Miracle.”

Maituturing ngang miracle baby si Pele dahil sa first trimester ni Jolina, naging sobrang maselan ang pagbubuntis niya at ilang beses din itong humantong sa threatened abortion dahil sa pagbi-bleeding niya.



NAMED AFTER FAMOUS SOCCER PLAYER. Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina at sobrang excited na nga raw sila ni Mark sa pagdating ng araw ng kanyang panganganak.

Sabi ni Jolina, “Mixed emotions ako. Nae-excite na akong makita ang baby namin at gusto ko na silang makita na magkasama ni Mark matulog at maglaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, parang ngayon pa lang, nami-miss ko na siya sa loob ng tiyan ko.

"’Tsaka, kabado ako nang konti kasi, gusto ko, tama lahat ang magagawa ko para sa kanya paglabas niya.”

Silang dalawa raw ni Mark ang pumili ng ipapangalan sa anak nila.

“Yung name na Pele ay si Mark ang nagbigay.

“Si Pele ay ang greatest football player, gusto ni Mark, kakaiba yung name na may meaning na ’miracle.’

"So, ’sakto na gusto ni Mark si Pele, ’tapos, hinanap niya yung meaning ng Pele at ang nakita niya ay ’miracle’ or ’wonder.’"

Si Pele o Edson Arantes do Nascimento ay isang Brazilian football player na itinuturing ng lahat ng football experts bilang "the greatest football player of all time," ayon sa www.FIFA.com, ang official website ng international governing body ng football na FIFA (International Federation of Association Football).

Pagpapatuloy ni Jolina, “Yung Iñigo naman ay ako ang may gusto, kasi bagay na bagay sa Escueta yung Iñigo.

"Kaya ’ayun, Pele Iñigo Escueta ang name niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN