Toni Gonzaga says she avoided getting emotional when she visited Vhong Navarro

Toni Gonzaga (main photo) on the unfortunate incident that happened to her friend Vhong Navarro: "Siyempre babae ako at lumambot yung puso ko nung nakita ko yung situation niya. Pero ayoko nang umiyak sa harap niya."

Left: Toni and Vhong in a publicity photo for their movie My Only U back in 2008.


Katulad ng ibang malalapit na kaibigan, binisita rin ni Toni Gonzaga ang kapwa Kapamilya actor na si Vhong Navarro.

Noong nakaraang Huwebes, January 30, pagkauwi galing sa Dubai, dumalaw si Toni sa kanyang malapit na kaibigan, na nabiktima ng pambubugbog kamakailan.

Pero sa halip na pag-usapan ang pangyayari noong gabi ng January 22, ayon kay Toni, "Hindi na ako nagpakuwento kasi alam naman na natin lahat, nababasa na natin sa mga balita, and hindi na niya kailangan i-relive pa yung pinagdaanan.

"Ito lang yung pagkakataon sa buhay niya na kailangan niyang malaman na ‘andiyan ka for him."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa press conference ng bago niyang pelikula, kasama si Piolo Pascual, ang Starting Over Again.

Ito ay ginanap noong Sabado, February 1, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Sa naturang panayam, inamin ni Toni, na noong malaman niya ang nangyari kay Vhong, "Naiyak ako doon sa mga litrato."

Dagdag pa niya, "Siyempre babae ako at lumambot yung puso ko nung nakita ko yung situation niya.

"Pero ayoko nang umiyak sa harap niya.

"I think what he really needs is encouragement, prayers, to know na ‘andito yung mga kaibigan niya."

Maituturing si Toni na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Vhong sa showbiz.

Unang nagkasama ang dalawa sa comedy news program ng Studio 23 noon na Wazzup Wazzup (2004) kasama si Drew Arellano.

Muling nagkasama sina Toni at Vhong nang mag-guest ang una sa TV series ng huli na Lastikman sa ABS-CBN noong 2007 at nang gumawa sila ng mga pelikula under Star Cinema, ang comedy-horror na D’Anothers (2007) at romantic-comedy na My Only U (2008).



VHONG STILL JOKING. At dahil kapwa sila komedyante, hindi raw umiral ang drama nang magkita sina Toni at Vhong.

Ayon kay Toni, iniwasan niyang maging emosyunal habang kausap niya si Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Hindi kami ganoon ni Vhong, hindi ganoon yung friendship namin.

"Hindi kami dramatic.

"Of course, it was a bad situation, a bad scenario.

"But when I saw him, na-miss ko yung kaibigan ko.

"It was just unfortunate na ganoon yung situation na nadatnan ko.

"Right now, he doesn’t need yung mga magpapabigat ‘tapos iiyak pa ako."

Kumusta naman si Vhong nang magkita sila?

Sagot ni Toni, "Nagdyo-joke pa rin and hindi na mawawala kay Vhong yun.

"Pero siyempre mararamdaman mo na may dinadala."



PRAYERS AND SUPPORT. Para kay Toni, suporta at dasal ang kailangan ni Vhong sa ngayon.

Sabi pa niya sa huli, "Very unfortunate na yung isang kakilala mo, yung isang kaibigan mo ay nalagay sa ganoon posisyon.

"Sa pagkakataong ito, prayers ang kailangan and suporta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN