Deniece Cornejo’s message to Vhong Navarro: “Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw, kundi ako’ng binaboy mo.”

Excerpts from Deniece Cornejo’s message for Vhong Navarro during her Startalk TX interview earlier today, Feb. 2: “Kuya Vhong, ngayon panalo ka. Pasensiya na, simple lang ako, hindi ako makapangyarihan. Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay.”


Live na nag-guest si Deniece Cornejo sa StarTalk TX kanina, Linggo, February 2.

Dahil magkahalo ang opinyon ng mga tao tungkol sa kanya—may sumasang-ayon at may mga bumabatikos sa kanyang mga naging pahayag tungkol sa kaso nila ni Vhong Navarro—tinanong muna si Deniece kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito.

“Una po sa lahat, nauunawaan ko po dahil marami po ang nagmamahal at sumusuporta po kay Kuya Vhong, at trabaho lang po ng mga tao na... Sa mga media, gawin po yung trabaho po nila.

“Masakit pero kinakaya ko po,” ang unang pahayag ni Deniece sa StarTalk TX hosts na sina Heart Evangelista at Butch Francisco.

Ano ang masasabi niya na ang majority ng public sympathy ay na kay Vhong?

“Masasabi ko lang po, kung mapapansin nyo po, lagi na lang po ang panig ni Vhong [ang naririnig].

“Hindi pa po naririnig, hindi pa po nabibigyang-pagkakataon magsalita ang mga taong naapektuhan, at biktima," pahayag ni Deniece.



NOT AFRAID OF ANYONE. Sa pagharap niya sa mga kasong ito, sa mga interviews niya, kinakitaan ng tapang si Deniece. Meron pa ba siyang kinakatakutan?

“Kung wala kang ginagawang mali, wala kang kailangang ikatakas, walang kailangang ikatakot.

"Alam mo ang katotohanan, alam mo kung saan ka, ano ang ang limitasyon mo. Iyon lang po."

Tinanong naman si Deniece kung kinakatakutan ba niya si Cedric Lee?

Mabilis niyang sagot, “Hindi po.”

Meron bang dapat katakutan kay Cedric Lee?

“Sabi ko po, kung alam niyo po’ng katotohanan, walang kailangang katakutan.”



COPING WITH PAIN. Sa gitna ng lahat ng mga pangyayari, nakakatulog pa ba si Deniece? How is she coping?

“Nagdadasal po ako gabi-gabi po.”

Sa mga oras na iyon na nasa StarTalk siya, ano ang laman ng puso niya?

“Unawa, sakit... Iyon po.”

Saan siya kumukuha ng lakas?

“Ever since, God-fearing po ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho ko pong magpabago, mag-inspire, magsalita sa maraming tao. Iyon po.”

Dahil sa siya ay nasa gitna ng iskandalo, marami ang nagkainteres sa kanya at lumalabas sa Internet ang mga nagke-claim na nagpa-enhance siya ng kanyang facial features. Gaano katotoo ito?

“Kahit ikutin pa po nila sa buong mundo lahat ng klinika, wala po akong ipinabago.

“Aside po dun sa ipin [ngipin], dahil bata pa po ako nun at wala naman pong masama kung magpa-brace. Iyon lang po.”



WHO IS THE REAL DENIECE? Sa ngayon, marami ang humuhusga kay Vhong, kay Cedric, at kay Deniece. Sino ba talaga si Deniece na dapat makilala ng publiko?

Sino si Deniece bilang kaibigan?

“Tapat, hindi ka iiwan sa ere, ipaglalaban ka.”

Sino si Deniece bilang kapatid?

“Tuturo sa ’yo kung ano ang tama, hindi ka kakampihan ’pag mali ka.”

At sino naman si Deniece bilang anak?

“Masunurin, may takot sa magulang, ipaglalaban hanggang kamatayan,” ang naiiyak at basag na ang boses na pahayag pa ni Deniece.



CCTV EVIDENCE. Maraming kumukuwestiyon kay Deniece, lalo na nang mapanood ng publiko ang CCTV (closed-circuit television) camera nang sumakay siya sa elevator at nakita siyang nakangiti o tumatawa. Ano ang nasa likod ng reaksiyon niyang iyon?

“Una po sa lahat, hindi pa po namin napapanood, [hindi pa kami] nagkakaroon ng kopya dun sa CCTV.

"Kung tutuusin, nanakawan nga po ako after that incident.

“Hinihingi ko yung CCTV. Lahat ng pinaghirapan ko gusto kong malaman kung sinong kumuha dahil pangalawang beses na raw yun nangyari sa condo na yun.

“Ayaw pong ibigay sa akin.

"Kung nakikita po nilang panig-taas, panig-taas, wala naman pong nakakapagsabi dun na may date ’tsaka time.

“Kaya pasensiya na po, hindi po ako makapangyarihan, nasasaktan din po ako sa mga maling nakikita at mali ko pong natatanggap.”



PARENTS AFFECTED BY SCANDAL. Ang mga magulang niya ay tiyak na apektado sa nangyari. Kailan ba niya huling nakausap ang mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gabi-gabi po nag-uusap po kami, pinapaalam ko po kung ano’ng nangyayari sa akin at sabi ko po sa kanila kung malakas po ako, dapat malakas din po sila.”

Sino si Deniece bilang tao, ang pahabol na tanong kay Deniece bilang pagpapakilala sa kanyang sarili.

“May paninindigan, ipaglalaban ang karapatan. Ipaglalaban kung ano yung katotohanan. Iyon po.”

Sa mga interview niya, nag-iisa siya. Bakit ayaw magpakita ng mga magulang niya?

“Desisyon ko po yun. Laban ko po ’to, gulo ko po ’to, kakayanin ko po ’to.

"May tiwala po sila sa akin. Alang-alang lang po sa pamilya ko.”

Pero ano ang suporta na natatanggap niya mula sa mga ito?

“Pagdadasal po, iyon po.”

Nasa Pilipinas ba ang mga magulang niya?

“My dad is in the States, my mom nasa bahay po.”

Uuwi ba sila?

“Pinigilan ko po yung daddy ko.”

Ano ang mensahe niya sa mga magulang niya?

“Ma, daddy, salamat! Tinuruan nyo ako ipaglaban kung ano ang tama, magpatawad,” ang umiiyak na sinabi ni Deniece.

Dagdag niya, “Maraming salamat sa lahat ng tamang values at Christianity na itinuro niyo po sa akin.

"Salamat po. Iyon lang.”

Ano ang pakiramdam na dahil sa iskandalo ay “nakaladkad” ang pamilyang Cornejo na tahimik ang buhay?

“Hindi ko po ikinakahiya, hindi ko po pinagsisisihan dahil hindi po ito problema, ito ay pagsubok lamang.

"Malalaman mo kung sino ang mga taong ’andiyan sa ’yo hangga’t sa huli.

“Iyon lang po.”

Sumagi ba sa isip niya kahit minsan na takasan ang lahat? Na parang gusto na niyang tapusin na.

“Hindi po kailangang ikatakas, hindi po kailangang ikatago, may prinsipyo po ako, may paninindigan.

"Kailangang iharap ang totoong laban.”



MESSAGE TO VHONG. May mensahe ba si Deniece para kay Vhong?

“Opo.”

Ano iyon?

“Kuya Vhong,” ang umiiyak na pahayag ni Deniece, “may mga anak kang lalaki, may mga kapatid kang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mga anak mong lalaki, ano’ng ituturo mo sa kanila, ano ang ipapamana mo sa kanila?

“Yung mali? Habang buhay mong dadalhin ’yan.

"Hindi ’to haka-haka lamang. Hindi ko itataya, hindi ko isusugal ang pangalan ko sa sensitibong paraan.

“Kuya Vhong, mag-isip ka. Mag-unawa.

“Pasensiya na po ganito po talaga ugali ko. Hindi ko po kasalanan na pinalaki ako ng magulang ko na ipaglaban kung ano’ng katotohanan at karapatan.

“Hindi po ako nagtatapang-tapangan pero prinsipyo po ang pinaglalaban ko dito.

“Kung sinasaktan niyo po ang isang rape victim na katulad ko, parang sinasaktan niyo na din ang mga rape victim, mga naabuso, na tahimik lamang.

"Yun bang ehemplo na ipapakita nyo?

“Kuya Vhong, ngayon panalo ka. Pasensiya na, simple lang ako. Hindi ako makapangyarihan.

"Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay.

“Ako handa akong ibuwis ang buhay ko, na nagsasabi ako ng katotohanan, hindi ako natatakot.

“Hindi po ako natatakot. E, mas ikakatakot ko ang ikalawang buhay diyan sa impiyerno.

“Kung ikaw nasaktan diyan, mas matakot ka. Ako iyon ang kinakatakutan ko, e.

“Hindi ako nag-iimbento, dahil pag sinabi ko, kaya kong ihanda, ibuwis ang buhay ko dahil nagsasabi ako ng katotohanan.

“Hindi ’to problema, pagsubok lamang ’to.

"Sa mga tao na naabuso, sa mga babae na nasaktan, nandito ako para lakasan ang loob ninyo.

“Yung mga lalaki na tumulong sa akin, mga lalaking sinagip ako, napakabuting tao niyan. Galing sa disenteng pamilya ’yan.

“Ginulo mo? Sinasabi niyo, pinapakita niyo na marami silang kuneksyon, mayaman sila.

"Oo, dahil sa sipag at tiyaga nila kaya sila pinagkatiwalaan ng mga [nasa] gobyerno.

“Bakit puro na lang... Bakit puro na lang kami? Sila na nga ang tumulong, e.

“Tinulungan nila ako, ipinagtanggol nila ako, kaya ito ang tamang oras para ipagtanggol ko sila. Hindi nila ito deserve.

“Kuya Vhong, hindi ’to pelikula, totoong buhay ’to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, komedyante ka, pero lahat ng saya, merong dark side. May kalungkutan din na kailangan mong harapin.

“Magpakalalaki ka dahil itong mga lalaki na ’to, parang kapatid ko, nagpakalalaki.

“Magpakalalaki ka.

"Pag ang kapatid ko mali, mali. Hindi ko siya nakakampihan.

“Kung iniisip mo’ng career mo, ang trabaho mo, tutulungan kita. Sa pangalawang pagkakataon, susuklian ko ng kabutihan.

"Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw, kundi ako’ng binaboy mo.”

Hiningan naman ni Heart si Deniece ng mensahe sa mga taong naniniwala sa kanya at ano naman ang mensahe niya sa mga hindi naniniwala?

“Sabi nga po nila your action reflects kung ano’ng klaseng tao kayo, hindi ko kayo huhusgahan dahil hindi ako nanghuhusga ng tao.

“Ngayon nagpapakasaya kayo, sinasaktan niyo pamilya ko, mga kapatid ko, mga taong gusto ’kong pagtanggol, mga proyekto ko, mga kumpanya na tinulungan ako.

"Huwag kayong mag-alala, poprotektahan ko kayo hangga’t kaya ko.

“Sa mga tao na hindi naniniwala sa akin, salamat po. Sa mga taong naniniwala, salamat din po.

“Hindi pa po huli, nadadagdagan lang po ang kasalanan ninyo.

"Kung ako ang instrumento para mapabago ang isang tao, ipaglalaban ko nang kamatayan.”

At bilang pagtatapos, nag-iwan muli ng mensahe si Deniece kay Vhong.

“Kuya Vhong, I will still pray for you.

"I will still pray for you, na sana gumaling ka, na sana yung family mo maiintindihan din ako.

"Iyon lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN