Rodrigo Cornejo on granddaughter Deniece Cornejo’s rape charge against Vhong Navarro: “It’s either I’ll believe her or not—I chose to believe her.”

Former GMA executive Rodrigo Cornejo on defending grandniece Deniece Cornejo: "Why should I not? Why should I keep quiet? At this point in time, somebody should know who she is. Right or wrong, kamag-anak ko ‘yan."


Sa kabila ng pahayag ni Deniece Cornejo na ayaw niyang isali ang pamilya niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan, isang miyembro ng kanyang pamilya ang nagpa-interview sa Buzz Ng Bayan kahapon, February 2, upang ipagtanggol siya.

Ito ay si Rodrigo Cornejo, isang college professor at dating excutive ng GMA Network.

Ayon kay Mr. Cornejo, si Deniece ay kanyang "grandniece" o apo.

Si Rodrigo Cornejo ang kasama ni Deniece sa isang larawan na ipinost niya sa Facebook, kung saan kasama rin ang chairman at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon.

Noong una nga ay napagkamalan ding "lolo" ni Deniece si Atty. Gozon dahil sa caption na nakalagay sa larawan: "with my lolo rod of GMA7 with lolo att. gozum"

Ngunit agad namang nilinaw ng chairman at CEO ng Kapuso network na wala siyang kaugnayan kay Deniece.

Maliban sa pagiging modelo, wala nang ibang masyadong alam ang publiko tungkol kay Deniece, na nag-aakusa ng rape sa aktor na si Vhong Navarro.

Ngunit sa kanyang profile sa Facebook ay ipinakilala niya ang sarili bilang "stylist, entrepreneur, and motivational speaker."

Siya ay 22 years old, at kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management na estudyante sa La Salle Antipolo.

ALL NEGATIVE. Sa panayam ni Boy Abunda kay Rodrigo Cornejo sa Buzz Ng Bayan kahapon, February 2, ay ipinagtanggol nito si Deniece.

Inamin ni Mr. Cornejo, na bilang kapamilya ni Deniece, masakit ang mga nababasa o naririnig niyang komento tungkol sa apo.

“Well, unang-una, masakit, kasi hindi maganda kasi ang mga sinasabi.

"Siya ang biktima. Nakikita ko, parang helpless.

“Mula nang lumabas ang isyung ito, wala, puro negative. Wala akong nakitang magandang sinabi tungkol sa kanya.

"Sabi ko, ’Hindi maganda ‘to. I think people should know who she is.’

"Siguro yun lang, na maintindihan ninyo kung sino ang aking apo."

Sino nga ba si Deniece Cornejo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay, unang-una, siya ang isang... she’s a lovely person.

"Not because she’s my grandniece, but because she has a good heart.

“Ang tingin ko sa kanya, isang babae na gusto niyang mapatunayan kung ano ang kakayahan niya.

"She’s a type na gustong umunlad sa kanyang sariling sikap.

"Alam niya kung ano ang gusto niya. Medyo matapang at determinado."

Iginiit din ni Mr. Cornejo na kahit lumalabas sa ilang TV shows si Deniece, hindi raw nito hangad talaga ang sumikat.

Aniya, “Wala sa kanya ang desire na pumasok sa showbiz.

"Kaya, ako nga, naniniwala na hindi niya ito ginagawa para makilala, ’no. She wants to serve people also.”

Kung hindi showbiz, ano talaga ang inclination ni Deniece?

“Sabi niya, ’Lolo, actually, ang gusto ko maging abogado.’

"Talagang she wants to engage in debate. Maybe because she has her own mind."

DENIECE’S FAMILY. Madalas na mabasa, lalo na sa social networking sites, na hinahanap ang mga magulang at kamag-anak ni Deniece, na magsalita o lumabas sila upang ipagtanggol ang model sa isyung kinasasangkutan nito ngayon.

Panay kasi si Deniece lang ang humaharap sa media.

Ayon naman kay Mr. Cornejo, “Ang kanyang ama, nasa abroad.

"Yung kanyang mother at ang kanyang lola... Deniece is worried mapahamak sila.

“Aminin natin sa media, maraming malilikot diyan at hahalungkatin.”

Desisyon ni Deniece na huwag nang isali pa ang pamilya niya?

“Yes, yes,” sagot ni Mr. Cornejo.

“Alam mo, she told me, ’Huwag kayong mag-alala, kaya ko ‘to. Huwag muna kayong makialam. Trust me.’”

CEDRIC LEE. Diretsuhang tinanong ni Boy ang lolo ni Deniece kung bakit nasangkot ang apo sa ganitong kaso at kung bakit napasama ito sa grupo nina Cedric Lee.

Tugon niya, “I asked her, I asked her.

“’Deniece, be honest with me, tell me, unang-una, meron ba kayong relasyon [ni Cedric]?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Wala po…’"

Walang relasyon sina Cedric at Deniece?

“Yes, I asked that.

"At lalaki ako, lalaki ako, siyempre I wasn’t born yesterday.

"I looked at her in the eyes, ’May relasyon kayo? May relasyon kayo?’

"Wala. Wala daw.

RAPE CHARGE. “Then, ’Ikaw ba, yung charge mo, totoo ba yun?’”

Ito ay kung ginahasa o ni-rape ba siya ni Vhong.

“At ang sagot niya, ’Yes, Lolo.’

“It’s either I’ll believe her or not—I chose to believe her.”

Tinanong din ba niya si Deniece na kung ginahasa nga siya, bakit hindi siya nagsabi o nagreklamo agad?

Sagot ni Mr. Cornejo, "Dinala nila siya [Vhong] sa presinto at ang sabi niya [Deniece], ’I will not file a case against you but I just want it to be a lesson for you.’"

Kung ni-rape nga si Deniece, bakit kailangang siya pa ang magsabi na hindi na siya magpa-file ng kaso?

“Because according to her, the man pleaded for mercy,” sabi ni Mr. Cornejo.

MOST PAINFUL. Sa lahat ng mga nababasa o naririnig niyang komento at reaksiyon ng tao kay Deniece, ano ang pinakasamakit para sa kanya?

Ayon kay Mr. Cornejo, “Yung sinasabi na siya ay masamang babae. Masakit yun.

"I feel sorry for her parents, especially for her dad who’s abroad.

"Sino ba ang gustong mangyari ‘to?"

Bakit niya binasag ang kanyang katahimikan ngayon bilang lolo ni Deniece?

Sagot ni Mr. Cornejo, “Why should I not? Why should I keep quiet?

"At this point in time, somebody should know who she is.

"Right or wrong, kamag-anak ko ‘yan."

Kung katotohanan ang pag-uusapan, bakit dapat maniwala kay Deniece?

“Siguro ang unang tanong, balikan ko yun, ’no, ’Kilala niyo ba si Deniece?’”

Kailangan nga bang makilala si Deniece para maniwala o hindi sa kuwento niya?

Ssagot ni Mr. Cornejo, “I believe so, I believe so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“People should know who Vhong Navarro is.”

Kapag sinasabi ng mga tao na ’Ginahasa nga ba si Deniece ni Vhong Navarro?’ ano ang sagot?

"He attempted to rape her and I believe her," tugon ng lolo ni Deniece.

May mensahe ba si Mr. Cornejo sa mga tao?

“Unang-una, huwag muna tayong manghusga, let the court decide.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN