Bamboo gives teleserye offers the thumbs down; considers acting in films possible

Ang pinakamabigat daw na ginawang desisyon ni Bamboo noon ay ang pag-alis sa kanyang bandang Rivermaya. Sa ngayon, malaki ang pasasalamat ng singer na tinangkilik siya ng mga tao bilang solo performer.


Ngayong 2014 ang ika-20 taong anibersaryo sa music industry ni Bamboo Mañalac.

Ayon kay Bamboo, masaya siya sa narating niyang tagumpay bilang solo performer matapos nitong magbitiw sa kinabibilang banda na Rivermaya noong 1998.

Dahil sa kanyang malaking fan base, at masasabing tipong artistahin naman siya, natanong si Bamboo kung naisip niya bang subukan ang umarte sa mga teleserye o pelikula.

Natatawang tugon nito, “I don’t know. I have no idea…"

May nag-offer na ba sa kanya?

"There has been... but I said no na lang.

“Especially on TV ‘coz it something that takes so much time.

"I know what I’m doing and I love what I do.

“I love music and I love to create…

"Parang napansin ko on TV, parang 24/7 may ginagawa sila.

“It takes a lot of time, patience, a lot of discipline—which I do have.

"But I just want to devote my time in writing [music].

“I mean, on TV naman, I have ASAP 19 and The Voice.

"So, it’s still not a bad gig. It’s still music.”

BAMBOO, YENG CONCERT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-online media si Bamboo sa rehearsal nito para sa concert nila ni Yeng Constantino noong January 28, sa San Juan City.

Ang titulo ng concert ng dalawa ay Bamboo & Yeng: The Concert na nagsimula sa Cebu noong February 1.

Ang mga susunod nilang performances ay sa Davao on March 8 at sa Baguio on March 16.

Kung sarado ang isipan ni Bamboo sa pagtanggap ng acting project sa telebisyon, bukas naman ito pagdating sa pelikula.

Aniya, “I would like not to say no to a film.

"But TV, I can say like 99.9 percent no to that.

“It depends but I will never say no.”

Pagdating sa highlights ng kanyang dalawampung taon sa industriya, aminado si Bamboo na ang mga panahong nag-solo siya ang pinakamahirap na parte ng kanyang music career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para malaman ang kabuuang kuwento, panoorin ang kabuuan ng aming interview kay Bamboo dito: Bamboo on his 20th year in music: "I wanna be as busy as possible...I wanna celebrate that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN