Mark Neumann finds working with Alice Dixson in Lady Next Door "a great experience"

Mark Neumann finished a vocational course in Travel and Tourism in England. But with his showbiz career in the Philippines taking off, he has chosen to stay in the country and hone his acting skill further. From the dramatic Lady Next Door, to comedy, Mark is also in TV5’s sitcom Confession of a Torpe.


Malaking oportunidad ang ibinigay ng TV5 sa produkto ng Artista Academy na si Mark Neumann.

Mapapanood ang Lady Next Door, kunsaan katambal ni Mark ang aktres na si Alice Dixson sa isang May-December affair, sa pilot ng Studio 5 Original Movies For Television sa Martes ng gabi, February 4.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Ali Mall, Araneta Center, Cubao, noong January 29, sa special screening ng isa pang Studio 5 Original Movies for Television, ang When I Fall In Love, na ipalalabas naman sa February 12.

Kuwento ni Mark, “I’m a Fil-Am in this movie [Lady Next Door] na naging rebelde.

"Then, si Alice, she’s my neighbor and because of her, I start changing the way I am.

"Becoming a boy-next-door, tatanggalin ko ang mga make-up, normal clothes, dahil sa kanya.”

May kissing scene sina Mark at Alice sa Lady Next Door. Kumusta naman ito?

“It was good, it was amazing, yes.

“Of course, Miss Alice Dixson, sino naman po ang hindi?” nakangiti niyang tugon.

BIG BREAK. Bilang baguhan sa showbiz, ano ang naging reaksiyon ni Mark nang malaman niyang ipapareha siya kay Alice, sa tema pa na May-December affair?

Sagot niya, “Of course, I was really thankful.

"Isa siyang big break for me.

"Nasurpresa ako kasi si Ms. Alice Dixson yung pinartner na agad sa akin.

“I was really happy about it.”

Bukod kay Alice, dahil sa telesine nilang ito, nagkaroon din ng pagkakataon si Mark na maidirek ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Sabi nga ni Mark, “I love Direk Joel, he’s my favorite director.”

Kumusta bilang direktor si Joel?

“Sinigawan naman po!” sabi ni Mark, na halatang hindi pa rin ganoon kabihasa sa pagta-Tagalog.

Bakit siya nasigawan?

“Siyempre, kapag medyo namali ang lines.

"Or gusto niya ng ibang emosyon, mangyayari po talaga ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, natakot po ako, kinabahan ako noong malaman ko na si Direk Joel.

"I just did my best para po ma-satisfy siya.”

Na-satisfy naman ba si Direk Joel sa ipinakita niyang pag-arte?

“Satisfied siya.

"Noong first premiere night namin, tumayo siya at ipinakilala niya lahat ng mga artista, and he mentioned me na may future.

"’May kakapuntahan ‘to at napakahusay pa.’

"I was really thankful when he said that.”

ON ALICE DIXSON. Unang beses niya rin daw makasama sa isang proyekto si Alice at leading lady pa nga niya.

Kumusta naman?

“Masaya, I don’t see her as a co-worker, mabait siya.

"Maalalahanin and she really took care of me during the taping.

"It was really a great experience.”

Hindi ba siya na-intimidate na isang Alice Dixson ang kaeksena niya at may kissing scene pa sila?

“May intimidation po,” pag-amin ni Mark.

“Kasi, parang first time ko, drama agad.

"Malaking age gap kami ni Alice.

"Pero natanggal ko naman and it was really a great opportunity.

“Inaalalayan niya ako and she’s really supportive.”

Sa totoong buhay ba ay posible rin siyang ma-in love sa isang babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanya?

Sagot ni Mark, “’Di ba, sinasabi nila, age doesn’t matter?

“If ever something happens, I’ll just go with the flow.

"Sa ngayon, wala pa naman pong nangyari sa aking ganun.

"But, why not, kung tulad ni Ms. Alice Dixson, why not?”

CONFESSION OF A TORPE. Marami na rin naman daw siyang nagawa sa TV5, kadalasan ay guest appearance.

Pero ngayon daw ay kasama siya sa sitcom na Confession of a Torpe na pagbibidahan naman ni Ogie Alcasid.

Ayon kay Mark, “Isa rin po akong torpe rito.

"Mag-tiyuhin kami ni Ogie Alcasid.

"So, parang hindi po ako nakaligtas sa sumpa sa pamilya namin na may katorpehan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw si Mark sa itinakbo ng showbiz career niya mula nang mag-graduate sila sa Artista Academy.

“Yes, satisfied po. I got lots of projects, so I was really happy,” nakangiting sagot niya.

Mula nang mag-artista siya at napapanood sa Kapatid network, napansin daw ni Mark na marami na rin ang nagbago sa kanya.

“I’m really happy where I am now,” sabi niya.

May mga nakakilala na ba sa kanya, lalo na kapag nasa publikong lugar siya?

“Opo, halimbawa mag-shopping ako sa mall para sa isang taping, tumitingin sila sa akin, nagbubulungan. Nagpapa-picture pa.”

Inamin naman ni Mark na medyo nalungkot siya nang hindi matuloy ang dapat ay show nilang lahat pagkatapos ng Artista Academy.

Aniya, “Yung Forever Barkada po, medyo na-down po ako noong hindi siya natuloy.

"Siyempre, iba po yung magkakasama kami na AA.

"Hindi ko po alam kung matutuloy pa, wala pa po akong information."



WORTH LEAVING ENGLAND. Sa isang banda, tapos na raw si Mark ng kursong vocational sa England na Travel and Tourism.

Nagtatrabaho na rin daw sana siya nang hikayatin siya ng tiyuhin niya at ipasok sa Artista Academy.

Kung tutuusin, maraming Filipino na nangangarap na magkaroon ng trabaho o manirahan sa England.

Siya naman, nandito sa Pilipinas kahit legal na makakapanirahan sa naturang bansa.

Sa nakikita niyang nangyayari sa career niya ngayon, masasabi ba niyang “worth it” naman na nasa showbiz siya sa halip na nagtatrabaho sa England at kasama ang kanyang pamilya?

Tugon ni Mark, “May mga good things, bad things.

"May mga nami-miss ko rin ang buhay ko dati bilang ordinaryong tao.

"Pero, masaya naman po ako.”

Simula raw nang mag-Artista Academy siya, hindi pa siya nakakabalik ulit sa England.

“Naging busy po, siguro po bakasyon.

"Pero sa ngayon, concentrate muna ko sa career.”

Si Mark ang isa sa naging mahigpit na kalaban ng male winner na si Vin Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman pa rin ba niyang may kumpetisyon sa kanila ni Vin kahit wala na sila sa Artista Academy?

“Sa competition, meron po talaga, natural po ‘yan.

"Pero kahit ganun, friends pa rin kami. We’re still talking.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN