Toni Gonzaga breaks own rule against kissing in Starting Over Again; braves intimate scenes with Piolo Pascual

Toni Gonzaga had a tough time tackling the intimate scenes called for by her latest movie, Starting Over Again, with Piolo Pascual. She related: "Nanginginig na ako kay Inang [Direk Olive Lamasan]... lagi kong kinakausap, lagi akong nakikipag-bargain... ’Inang, bakit ko gagawin yung eksenang ito? Explain mo sa akin.’" She answered her question. "Kasi part siya ng journey, e."


Ang Starting Over Again ang maituturing ni Toni Gonzaga na pinaka-daring sa lahat ng pelikulang ginawa niya.

Sa trailer pa lang ng pelikulang ito na idinirek ni Olivia M. Lamasan, ipinakitang hinahalikan si Toni sa leeg ng leading man niyang si Piolo Pascual.

May iba pang suggestive scenes ang pelikula, bukod pa rito ang hindi rin mabilang na kissing scenes nila ni Piolo.



Paano napapayag si Toni na gawin ang mga nabanggit na eksena na inaayawan niya noon pa?

Sagot ni Toni, “Hindi ako gumagawa ako ng mga ganong eksena just for lust, just for showing skin, baring skin.

"Hindi naman yun ang forte natin kahit paano. May touch pa rin ng comedy.

“Si PJ [palayaw ni Piolo], pag naghubad, talagang sexy.

"Pag ako naghubad, may pagka-comedy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang TV host/actress sa presscon ng Starting Over Again noong Sabado ng gabi, February 1, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

DREAM DIRECTOR. Nang nakita niyang naka-semi nude si Piolo sa eksena, ano ang naging reaksiyon ni Toni?

“Ewan ko, nanginginig na ako kay Inang [Direk Olive].

“Totoo yun, lagi kong kinakausap, lagi akong nakikipag-bargain kay Inang.

"’Inang, bakit ko gagawin yung eksenang ito? Explain mo sa akin.’

"’Kasi, part siya ng journey, e.’

"Basta, pag napanood ninyo ang pelikula, hindi naman ang kabuuang ito, love scene lang.

"Isang eksena lang yun, ’tsaka hindi ko siya ma-label na ano... iba. It’s intimate.”

Nakailang takes ba si Direk Olive sa eksenang hinahalikan siya ni Piolo?

“Ngayon ko lang ginagawa yun sa pelikula... marami-rami rin.

“Kasi yung mga reaksiyon na ibinibigay ko [sa love scene], sabi nga ni Inang, natatawa siya.

“Tinuruan ako ni Inang, ginabayan niya ako.”

DREAM COME TRUE. Nabanggit ni Toni sa presscon na bago matapos ang kanyang showbiz career ay gusto niyang makagawa ng kahit isang pelikula kasama si Direk Olive at si Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon tuloy ng espekulasyon na posibleng nagpapahiwatig na si Toni ng pagpapakasal nila ng boyfriend na si Paul Soriano.

Maagap naman niyang nilinaw na, “Alam mo, ipinarinig ko lang yun kay Inang.

"Nagpaparinig lang ako kay Inang nun para makatrabaho ko na siya.

“Hindi ko naman akalain na mangyayari pala yun.

"Nagre-request lang naman ako kay Direk na sana kahit paano... ’Pag gagawa ka ng pelikula, maidirek mo ako.’

"Nagpaparinig ako kay Inang para ma-experience ko yung husay niya.

“Kasi, parang lahat ng hinahawakan niya, humuhusay.

"So, kahit paano may matutunan ako o may madagdag na kaalaman ako bilang isang artista."

Ano naman ang reaksiyon ni Paul sa mga eksena nila ni Piolo sa Starting Over Again?

Tugon ni Toni, “Si Direk Paul naman, pagdating sa trabaho, he’s very supportive.

"Wala naman siyang sinasabi.

"Alam naman niya na hindi ako gagawa na totally against what I believe in, who I am.”



MOM PINTY LETS GO. Ang ina ni Toni na si Pinty Gonzaga ang tumatayong business manager niya at ng nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga.

Si Mommy Pinty ang madalas na tumututol kapag may kissing scene sa pelikula. Kaya halos walang kissing scene si Toni sa mga nauna niyang movies.

Ano ang reaksiyon ni Mommy Pinty sa intimate scenes nila ni Piolo?

Sagot ni Toni, “Nakita naman niya sa trailer, natutuwa naman siya.

"Yun pa lang ang nakikita niya.

"Tingnan natin pag napanood niya ang kabuuan ng pelikula."



ON MARIEL RODRIGUES. Tungkol naman sa kaibigan at dating kasamahan sa ABS-CBN na si Mariel Rodriguez, sinabi ni Toni na matagal na silang okey.

“Ano ba kayo, nag HYY na nga kami.”

Ang HYY ay ang dating noontime show sa ABS CBN 2 na Happy, Yipee, Yehey!

Binanggit ni Mariel sa isang panayam na in touch sila ni Toni sa mga social media, gaya ng Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkumpirma naman ni Toni, “Oo, nag-i-Instagram na nga rin kami. I follow her sa Instagram.

"So, I think it comes with maturity. It comes with time.

"Time talaga heals everything.

“When you mature and when you embark on a new journey in your life, it’s very hard to hold grudges and bitterness in your heart.

"So, I’m happy for her and she’s happy for me.

“This is something that we say sa showbiz... kaya sabi nga nila, plastic daw.

"Yun naman ang laging sinasabi [ng mga tao], sanay na kami.

“At least, from the bottom of our hearts, alam namin yung totoo.

"Matatanda na kami para magtanim ng galit.

“May asawa na siya and I just turned 30.

"Iniisip ko nga, 30 na ako, masyado nang high school yung mga girlfight or yung mga catfight.

"Hindi na kami ganun.”

Ano ang reaksiyon ni Toni sa posibleng pagbabalik ni Mariel sa ABS-CBN?

Tugon niya, “I think Ma [tawag niya kay Mariel] will always be a Kapamilya no matter where she is.

"She has left her trademark as host in ABS.

“So, siyempre, kung anuman ang desisyon niya, we will respect that.

"And hindi naman tayo management para mag-decide.

"But of course, we’re both open to any possibility in the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN