Toni Gonzaga denies boyfriend Paul Soriano proposed to her in New York

Toni Gonzaga on boyfriend Paul Soriano: “Hindi marunong ma-depress si Paul, in fairness sa kanya. Paul is the most positive person I know. Kahit na when it comes to my career, I tell him, ’Paul, may ganito-ganyan.’ ’Oh, really? It means something good is coming along.’ Lagi siyang ganun, isa ’yon sa mga ina-admire ko sa kanya."


Sa isang pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni Toni Gonzaga na si Pinty Gonzaga, sinabi nitong mga dalawang taon pa siguro ang hihintayin bago lumagay sa tahimik ang panganay na anak.

Sinang-ayunan naman ito ni Toni nang makapanayam namin siya sa press conference ng Starting Over Again noong Sabado, February 1, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sabi ng TV host-actress, “Kahit sino namang magulang, they’re always ready na darating yung ganung moment sa buhay ng mga anak nila.

“Pero, hindi pa talaga sa ngayon.

“Ayaw ko nang magbigay ng timetable, time limit.

"Kasi katulad nitong project na ito [Starting Over Again], I’ve waited for thirteen years bago siya mag-materialize.

"There are things really worth the wait.”

NO WEDDING PLANS YET. Pumapayag na rin daw si Mommy Pinty na ipagkatiwala sa longtime boyfriend ni Toni na si Paul Soriano ang anak.

Ano ang reaksiyon dito ni Toni?

Napangiti agad ang TV host-actress at sinabing, “Hala!"

Ibinahagi rin ng PEP kay Toni ang magagandang deskripsyon ng ina niya tungkol kay Paul.

Sabi naman ng Home Sweetie Home actress, “Siyempre, magandang marinig yun sa mga magulang mo.

"Lahat naman tayo, gusto nating maging ganun ang reaksiyon ng mga magulang natin sa mga importanteng tao sa buhay natin.”

Kung ganito ang pahayag ng kanyang mga magulang, puwede na pala silang magplano ng kasal ni Paul ngayon pa lang?

Tugon ni Toni, “Siguro darating tayo diyan.

"Everything naman, as I always say, is in God’s time."

RUMORED PROPOSAL. Kumalat ang balitang nag-propose na raw si Paul kay Toni noong nakaraang Holiday season nang magkita sila sa U.S.


Kasamang nagbakasyon ni Toni ang kanyang ina at kapatid na si Alex Gonzaga sa New York.

Sumunod si Paul, na galing naman sa Los Angeles, California.

Sabi ni Toni tungkol sa balita, “Akala nga nila! Akala nga nila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nga dahil yun ang iniisip nila... pero hindi dahil sa itinatago, hindi talaga totoo.

“Wala, nagkataon lang nandun si Paul, nakasunod siya kahit paano.

"Pero hindi lang kami ang nag-trip lang, I went there [New York] with my family.

"He just visited, I think, for two, three days and then he went back to L.A.

“Yun siguro iniisip nila na kaya nagpunta doon [si Paul] dahil doon [marriage proposal].

"Pero hindi naman."

Nagpaalam na ba si Paul sa parents ni Toni na gusto na siya nitong pakasalan?

“Ay, hindi ko pa alam!

"Di ba, pag ganyan, secret sa babae?

"Hindi naman nakuwento ni Paul o ng Mommy ko,” sabi ni Toni.

PAUL’S SUCCESS. Tungkol naman sa success ng kasintahan niya bilang producer ng pelikulang Transit (2013), sinusuportahan daw ni Toni ang kasintahan sa nangyayari sa film career nito.

Saad ni Toni, “I think hindi na mawawala yun [support] when someone’s important to you.

"And when you’re in a long-term relationship, you will always support the person in whatever endeavor, whatever field na gusto niyang tahakin.

“Normal na sa amin yun na nagsusuportahan kami sa isa’t isa.”

Ang Transit ang napiling entry ng Pilipinas sa Best Foreign Film category ng Oscar Awards sa Hollywood.

Pero hindi ito nakasama sa listahan ng mga nominado.

Paano ito tinanggap ni Paul? Na-depress ba ito?

Sabi ni Toni, “Hindi marunong ma-depress si Paul, in fairness sa kanya.

"Paul is the most positive person I know.

"Kahit na when it comes to my career, I tell him, ’Paul, may ganito-ganyan.’

"’Oh, really? It means something good is coming along.’

"Lagi siyang ganun, isa ’yon sa mga ina-admire ko sa kanya."

Tinawagan daw agad ni Paul si Toni nang matanggap nito ang masaklap na balita tungkol sa Transit.

Kuwento ni Toni, "He told me, ’Oh, we didn’t make it to the short list.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’How was it?’

"Sabi niya, ’That’s OK.’

"Kasi sabi naman niya, all his life, he’s used to not getting his way... na parang hindi naman siya lumaki sa luho.

“Parang he’s not someone who always gets what he wants.

"He always says, ’I always have to work for it, so I have to work harder.’

"He’s very inspiring.

“Hindi siya nagdu-dwell sa anything that he thinks is negative.

"He always thinks na everything happens for a reason, everything will work for the best.

"’Maybe it’s not yet the right time?’ Lagi siyang ganon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN