Iza Calzado admits being a longtime fan of Toni Gonzaga

Iza Calzado considers it a blessing to be working with people she is comfortable with in a project. In her latest movie, Starting Over Again, she declares an open admiration for her co-star Toni Gonzaga: "Dito sa movie na ito, napatunayan niya na talagang mahusay siya hindi lamang sa pagpapatawa kundi sa drama." Iza says she also likes her as a person,"And I’ve always found her funny and pleasant to be around."


Hindi maitago ni Iza Calzado ang malaking paghanga niya sa kapwa Kapamilyang si Toni Gonzaga

Magkasama ang dalawa sa upcoming Star Cinema movie na Starting Over Again, ang latest project ng ace director na si Olivia Lamasan.

Kasama rin sa pelikula si Piolo Pascual.

"Napakahusay niya talagang artista," bungad ni Iza tungkol kay Toni.

"Even as a person, I really like her.

"And I’ve always found her funny and pleasant to be around.

"Dito sa movie na ito, napatunayan niya na talagang mahusay siya.

"Hindi lamang sa pagpapatawa kundi sa drama."

FAN OF TONI. Hindi raw akalain ni Iza na magkakasama sila ni Toni sa isang pelikula.

Saad niya, "Ako naman kasi, fan niya talaga ako.

"Noon pa sa Amnesia Girl, iyak din ako nang iyak kapag naiiyak siya.

"Ang sabi ko talaga, ’Shucks, ang galing talaga ni Toni!’"

Sa Starting Over Again ay mayroon daw eksena si Iza kasama ang kanyang idolo na hindi niya makakalimutan.

Kuwento niya, "Meron kaming confrontation scene dito na hindi ko makakalimutan.

"Sila kasi [ni Piolo Pascual], mas marami silang eksena.

"Isang eksena lang yun sa amin ni Toni, pero I’m sure that it will also stand out.

"Pinakapaborito ko talaga yun sa lahat ng eksena ko sa movie."

MUTUAL ADMIRATION. Maging si Toni ay sobra rin ang paghanga kay Iza bilang aktres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng media ang dalawang aktres ng Starting Over Again sa press conference ng pelikula nong Sabado ng gabi, February 1, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Dito ay hindi ikinahiyang sabihin ni Toni na parang salamin daw niya ang kagandahan si Iza sa tonong parang naninita, pero halatang nagbibiro lamang.

Masayang reaksiyon naman ni Iza: "Heto namang si Toni... lagi kong sinasabi sa kanya na, ’Alam mo bang ang ganda-ganda mo? Kung yung kutis ko ay ’singkinis ng kutis mo at ang legs ko ay ’singpayat at ’singganda ng legs mo’... alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think she really doesn’t realize and understand how beautiful she is.

"But I’m grateful that she finds me pretty.

"I find her pretty and beautiful as well.

"Si Toni kasi, the entire package is a beautiful sight.

"Yung maaliwalas, di ba, yung countenance niya, lahat.

"Tulad nga ng sinabi ko, I’m her fan.

"Sabi rin nga ng mga friends ko, they will watch this movie, kasi I’m with her and Piolo."

Natatawang pagbibiro pa ni Iza, "It’s so nice kasi my friends, I’m sorry, not all my films they will bother to watch."


Medyo nahihiyang pahayag pa ng morena beauty, "Hindi ko naman masasabing super-close kami [ni Toni].

"Kasi ilang araw din lang kaming nagkatrabaho.

"Pero tuwing nakakasama ko siya sa set, yung kuwentuhan nga namin ay walang humpay.

"So, ako, tuwang-tuwa ako kasi blessing na lang kapag nakasundo mo ang katrabaho mo.

"At napakalaking blessing na si Toni is such a joy to work with her.

"Ang sarap din, kasi alam namin na pareho naming ibinigay ang best namin.

"At yung suporta niya kapag ako ang kinukunan, at ang suporta ko rin kapag siya ang kinukunan.

"Lahat yun ay aming ibinigay."

FROM PAST TO PRESENT. Nabanggit na lang din ni Iza ang pangalan ni Piolo Pascual sa usapan, nabuksan na rin ang nakaraan ng aktor at ni Toni.

May pagkakataon pala noon na niligawan ni Piolo si Toni. Pero naudlot ito dahil nagparaya ang guwapong aktor sa mga nanligaw sa actress-TV host.

Inalam namin kay Iza kung tulad sa ibang nakarinig ng rebelasyong ito ay kinilig din ba siya.

Nangingiting reaksiyon niya, "Natutuwa ako na hindi ko rin alam ’to.

"Per ang masasabi ko lang ay ’si Piolo talaga, walang pinapalampas’.

"Pero tama yung sinabi na better din na hindi nag-materialize yung relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka wala ang magandang pelikulang ito.

"Tingnan mo, ibinigay din naman ni God kay Toni ang isang indibidwal, si Paul [Soriano, boyfriend ni Toni].

"At parating na rin o baka nandiyan na ang para kay Papa P [Piolo].

"O, di ba?"

BEAUTIFUL LOVELIFE. Kinumusta naman namin kay Iza ang relasyon nila ng kanyang Filipino-British boyfriend—ang commercial model na si Ben Wintle.

Halos ipagsigawan na natatawa si Iza, "All I can is that it’s blooming.

"And it’s becoming more beautiful each day.

"And we just don’t have to start over ’coz it keeps on going.

"Supportive naman kasi lagi sa akin.

"Lalo na ngayon na medyo marami akong ginagawa, yeah, he’s always there for me."

Marriage plans?

"Still hanging!" sabay halakhak ng Kapamilya star.

"We’re enjoying each other muna.

"Napagdadaanang kuwento, pero after a while, parang nagbibiruan lang kami.

"Let’s see in the next few years, you’ll know."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN