Jennylyn Mercado on negative rumors about breakup with Luis Manzano: “At least ngayon, malinaw na sa mga tao na alam na nila."

Hindi raw pinagsisisihan ni Jennylyn Mercado ang naging relasyon nila ni Luis Manzano. Saad ng actress-TV host, “Hindi naman siguro kami pagtatagpuin ng pagkakataon kung walang reason, di ba? Siguro kailangan ko lang na… siguro binigyan lang ako ng liwanag ng Diyos para makita ko kung anu-ano yung mga bagay-bagay o kung ano yung mga mangyayari. So, para sa akin, mabuti na yung gano’n. Okey lang sa akin.”


“Overwhelming” ang paglalarawan ni Jennylyn Mercado sa magandang feedback sa unang linggo ng pagpapalabas ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network, ang Rhodora X.

Pahayag ng Kapuso actress, “Nakakatuwa dahil grabe yung support nila [fans] dahil from day one, yung mga tweets nila, sunud-sunod.

“Wala silang tigil sa kaka-send ng mga inspiring messages, kahit sa social media lang, makarating man lamang sa akin.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa dressing room ng GMA Studios, habang naghihintay ng pagsalang niya sa Sunday All Stars, noong Linggo, February 2.

LUCKY IN CAREER. Sa palagay ba ni Jennylyn ay ang magandang feedback ng Rhodora X ang kapalit ng sakit na idinulot ng breakup nila ni Luis Manzano? At ang balitang pakikipagbalikan ni Luis sa ex-girlfriend nitong si Angel Locsin?

Tugon ng Kapuso actress-TV host, “Nagpapasalamat na lang ako, thank you, Lord…

“Hindi, kumbaga, wala na ako doon. Kung masaya sila, masaya na rin ako.

“Ako, I feel blessed, kasi maraming blessings na dumarating.

“Nandiyan yung pamilya ko, yung mga friends ko laging nakasuporta para sa akin.

“I think, yun ang pinakaimportante sa lahat—nandiyan lagi yung mga mahal mo sa buhay, sa tabi mo.”

Tanggap niya na ang kapalit ng kabiguan sa pag-ibig ay ang pananagumpay naman ng kanyang career?

Saad niya, “Siguro merong reason kung bakit nangyari yun.

“Si God, sobrang bait Niya.

"In-enlighten Niya talaga yung mind ko, yung heart ko, para makita ko yung mga bagay-bagay na hindi talaga puwede.

“Grabe, sobrang wala akong karapatang magreklamo dahil overwhelming yung mga nangyayari sa buhay ko ngayon.”

LUIS-ANGEL RECONCILIATION. Sa hiwalay na panayam na naganap noong January 26 sa GMA compound din, tinanong namin si Jennylyn tungkol sa posisyon niya sa pagbabalikan nina Luis at Angel?

“I have nothing to do with that. Bahala na yung mga tao. Pero out na ako,” iwas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natunugan niya ba ang paglalapit muli nina Luis at Angel?

“Hindi ko alam!” sabay tawa niya habang umiiling.

“Ayaw ko na lang pag-usapan kasi out na ako dun. Wala na ako dun.”

Kahit paano ba ay may pinagsisihan siya sa naging relasyon nila ni Luis?

“Wala akong pinagsisihan,” mabilis na sagot ni Jennylyn.

“Hindi naman siguro kami pagtatagpuin ng pagkakataon kung walang reason, di ba?

“Siguro kailangan ko lang na… siguro binigyan lang ako ng liwanag ng Diyos para makita ko kung anu-ano yung mga bagay-bagay o kung ano yung mga mangyayari.

“So, para sa akin, mabuti na yung gano’n. Okey lang sa akin.”

Ayon kay Jennylyn, ang mga nangyayari ngayon ay patunay lamang na mali ang mga paratang sa kanya noong lumabas ang balita tungkol sa breakup nila ni Luis.

Gaya ng pagkakaugnay niya diumano sa ibang lalaki, partikular na sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Saad niya, “At least ngayon, malinaw na sa mga tao na alam na nila. Hindi ko na kailangang magpaliwanag.

“Alam ko namang matatalino ang mga tao, hindi na kailangang pag-isipan pa.

“Kaya nga hindi na ako nagsalita, e. Hinayaan ko na lang ma-realize lahat.”

FROM LOVERS TO FRIENDS? Posible bang maging magkaibigan sila ni Luis pagkatapos ng mga nangyari sa kanila?

Sagot ni Jennylyn, “Hindi ko pa alam… hindi ko pa alam. Hindi ko masasagot ‘yan.”

Naging magkaibigan ba sila ni Angel?

“Pareho kami ng manager… hindi naman kami nagkikita or nagkakausap, e.”

Ang tinutukoy na "manager" ni Jennylyn ay si Becky Aguila, ngunit ngayon ay wala na sa poder ng talent manager si Angel.

Wala raw problema kay Jennylyn kung magkita sila nina Angel at Luis.

“It’s fine with me.

“As long as wala akong tinatapakang ibang tao, sinasaktan, importante yun. Wala akong sinisira.

“Kaya kong humarap sa kahit na sinong tao. Kaya kong tumingin sa mata sa mata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, kaya niyang harapin si Luis nang mata sa mata?

“Oo naman!” bulalas niya.

“Basta, walang masamang tinapay sa akin.

“Nangyayari ‘yan, kumbaga, dahil may rason.”

Hindi kaya dumating yung point na bigla na lang siyang sumabog o mag-breakdown?

“Hindi, hindi... I think with God’s guidance and my family, I don’t think it will happen.

“Saka yung mga kaibigan ko, parating nandiyan para sa akin para bigyan ako ng advice at kung anu-ano pa.

“Happy na ako sa ganun. Natutuwa na ako.”

LESSONS IN LOVE. Ano ang natutunan ni Jennylyn muli niyang kabiguan sa pag-ibig?

“Siguro kailangan kong… hindi sapat yung taon o pagsasama ng dalawang tao para makilala ninyo ang isa’t isa.

“Siguro kailangan ninyo ng mas mahabang panahon, mas mahabang oras.

“Kailangan din palaging nasa gitna ninyo si Lord, kumakapit ka sa Kanya para i-guide kayo sa buong relasyon ninyo.

“Sa tingin ko, yun din ang kinulang sa amin dalawa.”

Kinulang din ba sila ng panahon ni Luis sa isa’t isa dahil abala sila sa trabaho?

Paglilinaw ni Jennylyn, “Hindi. Parati naman kaming nagkikita, e…

“Basta, masaya naman kami nung kami. Masaya kami while it lasts.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN