Mark Herras says reconciliation will only complicate working relationship with Jennylyn Mercado

Mark Herras on celebrating 10th anniversary in showbiz with StarStruck batchmates Jennylyn Mercado and Yasmien Kurdi: “Masarap yung feeling, kasi nung magkasama kaming nagsimula sa industriyang ito, kami pa rin ang magkakasama nung sumapit yung anniversary namin.”


Noong February 2, Sabado, ang eksaktong ika-sampung anibersaryo sa showbiz ng Kapuso actor na si Mark Herras.

February 2, 2004 nang tanghaling Ultimale Male Survivor si Mark sa unang batch ng reality-based artista search ng GMA Network, ang StarStruck.

Pahayag ni Mark tungkol sa 10th anniversary niya sa showbiz, “Masaya, masarap yung feeling na after ten years mula nung sumali kami sa StarStruck, nandito pa rin kami sa industry.

“Okey pa rin naman ang trabaho, yung takbo ng buhay ko… lahat.”

Yun nga lang, hindi niya naipagdiwang ang mahalagang okasyon na ito.

“Nagti-taping kami, e,” pagtukoy ni Mark sa primetime series na Rhodora X, kung saan kasama rin ang mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.

Patuloy niya, “May mga fans na Mark-Jen na pumunta sa set, dinalhan kami ng cake.

“’Tapos, yun na yun.

“Wala rin namang time mag-celebrate dahil sobrang busy.

“Lahat kami nina Jen at Yasmien, busy sa taping.”

Kung nagkaroon siya ng panahon, paano niya sana gustong ipagdiwang ang kanyang anniversary?

Sagot ni Mark, “Wala naman. Wala namang malaking kailangang selebrasyon.

"Siguro magpapahinga kahit one day lang.”

Nagkataon naman na ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang 10th anniversary sa showbiz ay magkakasama sina Mark, Jennylyn, at pati na si Yasmien Kurdi sa iisang programa—ang Rhodora X.

Napangiti si Mark at sinabing, “Masarap yung feeling, kasi nung magkasama kaming nagsimula sa industriyang ito, kami pa rin ang magkakasama nung sumapit yung anniversary namin.”

Lalo raw naging matamis kay Mark ang 10th anniversary niya sa showbiz dahil sumabay ang balitang maganda ang feedback sa unang linggo ng kanilang teleserye.

Sambit niya, “Kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumuporta from day one up to day five.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark noong Linggo, February 2, sa backstage ng GMA Studio 7 matapos ang live airing ng Sunday All Stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POSSIBLE RECONCILIATION. Sa muling pagtatambal nilang dalawa ni Jennylyn, may mga humuhulang baka magkabalikan sila bilang magkasintahan.

Nagkaroon ng romantic relationship sina Mark at Jennylyn, pero nagkahiwalay rin sila matapos ang isang taon.

Ngayong pareho silang single, inuulan sila ng mga tanong tungkol sa posibilidad na pagbabalikan nila.

Pahayag ni Mark tungkol dito, Aactually, unlike before, mas nasasagot namin ngayon nang tama yung mga tanong ng press sa amin na hindi kami nakikipagplastikan sa tao.

“Ang totoo naman talaga, ayaw naming mawala yung friendship namin.

“Kumbaga, kapag naging kami uli, baka maging kumplikado na naman.

“Baka umabot na naman na kapag nag-away kami, maapektuhan na naman yung mga trabaho namin."

Dagdag niya, “So far naman, yung working relationship namin, yung pagkakaibigan namin, habang tumatagal, tumitindi naman.

“Yun ang nakakatulong sa amin para mas paganahin yung loveteam namin ni Jen.

“Lahat ng nangyayari sa amin ni Jen ngayon, walang problema.

“Parehas kaming single, pero it doesn’t mean na kailangang magkaroon kami ng romantic relationship sa trabaho.

“Hindi naman kailangang kulitin ang mga sarili namin dahil sa trabaho.

“Like, ‘Ano, ligawan kita, magbalikan tayo?’ Siyempre, hindi naman ganun.

“Kung sakaling dumating ang panahon, malay natin, sa bandang huli pala, e, sa kalalabasan, ganun pa rin ang mangyayari, e, di tingnan po natin.

“Basta sa ngayon, masaya kami ni Jen na nagtatrabaho kami together.

“Ang pinaka-pressure sa amin ay yung airing ng Rhodora X.”

Apektado pa ba hanggang ngayon si Jennylyn sa balitang nagkabalikan na sina Luis Manzano at Angel Locsin?

Si Luis ang huling naging boyfriend ni Jennylyn.

Ayon kay Mark, “Okey naman siya.

“Hindi ko siya nakikitaan ng lungkot or natutulala siya.

“Masaya si Jen, lalo na ngayon sa trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN